Dennis Trillo looks forward to more movies in 2015, less soap, and zero lovelife

Dennis Trillo is slated to do more movies than teleserye this year, but he’s not giving away any details yet of his forthcoming projects.


Sa pagsisimula ng isang panibagong taon, mas magiging masigasig pa raw si Dennis Trillo pagdating sa trabaho.

At inaasahan niyang isa na namang fruitful year ang 2015 para sa kanya.

Mayroon din ba siyang New Year’s resolution gaya ng nakagawian ng marami?

“Magpapakabait lang siguro. Mas magiging conscious pa sa mga good deeds palagi, yung ganun,” nangiting sabi ni Dennis nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainmenmt Portal) sa Sunday All Stars noong Linggo, January 4.

Magpapakabait in what way?

“Mas magiging conscious sa mga good deeds palagi.”

Masaya naman daw na nairaos ni Dennis ang nakaraang holiday season.

“Puro kainan. Bisita sa mga kamag-anak, family time talaga.”

FOCUSED. Magtatapos na ang primetime series na Hiram Na Alaala, kung saan bida silang tatlo nina Rocco Nacino at Kris Bernal.

Nagmarka ang pagganap ni Dennis sa kanyang character bilang si Ivan na karibal ni Otep (Rocco) kay Andeng (Kris).

“Ang daming kamalasang nangyari sa kanya na namatayan siya ng kamag-anak… yung nanay niya.

“Kaya ang feeling niya, parang wala na. At yun din nga ang kaabang-abang.

"Kung mananatili ba siyang mag-isa o meron siyang magiging partner.”

Hindi ba siya nahirapang gampanan ang ganung character na naging miserable ang buhay? In real life kasi ay masaya at maayos naman ang takbo ng lahat sa kanya.

Sagot ni Dennis, “Hindi naman. Kailangan lang talaga focused ka sa trabaho mo para hindi ka mahirapan sa kahit na anong i-require ng character mo.”


MORE MOVIES. Ano naman ang mga bagong aabangan sa kanya ngayong 2015?

“Naku, after ng Hiram Na Alaala ay puro pelikula ang mga gagawin ko. Madami akong gagawing movies,” banggit ni Dennis.

Anu-ano ang mga pelikulang ito at sino ang mga makakasama niya?

“Iba-iba, e. Hindi mga taga-GMA ang makakasama ko.

“Three to four films ang gagawin ko, pero bawal pang magsabi ng detalye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang maganda nun, iba-iba ang tema ng mga pelikulang gagawin ko.

"May drama, meron ding comedy. Basta iba-iba, kaya exciting."

Mayroon na rin bang pinaplano ang GMA na bagong soap para sa kanya?

Ayon kay Dennis, “Wala pa.

"After ng Hiram Na Alaala, magpu-focus muna ako sa mga pelikulang gagawin ko.

“Marami-raming movies iyon kaya marami-raming trabaho din.”


Nananatiling zero ang lovelife ni Dennis. Pero posible kayang magkaroon siya ng special someone ngayong 2015?

Sagot ng Kapuso actor, “Wala, wala, e.

“Yun nga, katulad ng sinabi ko, focused ako sa trabaho. Kasi ano… ang dami, e.

“Puro pelikula ang gagawin ko. Puro magagandang projects iyon kaya gusto kong huwag siyang pabayaan.

“Gusto kong magampanan nang maayos ang bawat isa sa mga roles ko sa mga project na ‘yon.

“Kaya focus muna sa trabaho talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN