Julie Anne San Jose will still not prioritize lovelife this 2015

Julie Anne San Jose’s New Year’s resolution is to be less clumsy, but her priorities remain her career and studies. As for herlove life, "I don’t know. I have no idea."


Maganda ang naging pagsasara ng taong 2014 para kay Julie Anne San Jose.

Bukod sa kanyang concert na Hologram sa MOA Arena, nakasama rin siya sa cast ng Metro Manila Film Festival 2014 entry na Kubot: The Aswang Chronicles na nanalong Third Best Picture.

Saad niya, “I’m really happy and proud na napasama ako sa cast ng Kubot, it’s really a good film.

“Nitong nakaraang 2014, sobrang blessed po ako talaga.

"And I’m really thankful sa mga supporters ko at sa mga taong nagmamahal sa akin.

“And most especially si God.”

Ang kanyang album, umabot ng Diamond Record award na hindi raw inakala ni Julie Anne na maa-achieve niya.

“Happy na ako sa Platinum at Double Platinum awards, kaya sobrang blessing na nakaabot pa ng Diamond,” nakangiting sabi niya.

So, ang susunod niyang album, kailangang Double Diamond Record naman?

“Wow! May ganun po ba?” tawa ng Kapuso singer-actress.

Pero dagdag niya, “I’m not expecting anything naman po as long as naibibigay ko yung best ko.

“And idini-dedicate ko ang lahat ng mga ginagawa ko sa mga taong minamahal ko and sa mga taong nagiging inspirasyon din sa akin.”

Nakausap ng PEP.h (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne sa Sunday All Stars noong Linggo, January 4.


PRIORITIES. Ano ba ang mga plano niya para sa taong 2015?

“I’m gonna be releasing another set of tracks.

"I think it’s gonna be a different one… a different genre.

“And hopefully more shows and concerts here and abroad.”

May repeat ba ang kanyang Hologram concert?

“I hope so, I hope so.”

Lovelife sa taong 2015, posible na ba kaya?

“I don’t know. I have really no idea!” sabay ngiti niya.

“Kasi ako, hindi po ako nag-a-anticipate, e.

"Kumbaga, kung sinuman po yung dumating sa buhay ko o kung sino man po yung mga makikilala ko na mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman po akong problema dun kasi I believe na si Lord yung naglalagay sa posisyon natin kung nasaan man tayo ngayon.”

Dati ay lagi niyang sinasabi na career at studies muna ang kanyang priority. Ngayong 2015 ba ay open na siya sa pagkakaroon ng boyfriend?

“I think ganun pa rin po talaga. Career at saka pag-aaral pa rin.”

Graduating na si Julie Anne sa kursong Communication Arts sa Angelicum College.

“I have a lot of priorities pa rin. I have my work and I have my school.

"Kaya I think I have to set aside muna ‘yong lovelife," sabi niya.

Marami ang nakaugalian nang magkaroon ng New Year’s resolution at isa na nga rito ang Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose.

Sabi niya, “Ang New Year’s resolution ko ngayong 2015, hindi na ako magiging clumsy.

“But still, yung New Year’s resolution, it’s up to you naman po kung gagawin mo o hindi, 'di ba?

"It’s not really gonna happen if you’re not gonna make it happen.

“So you really have to be… parang determined to do what you have to do.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN