Hollywood actor Lee O’Brian attracted to Pokwang: "I think there’s a lot of chemistry between us."

Pokwang in the eyes of Lee O’Brian: "Number one, she’s a gorgeous woman. Second, the ability to be very compassionate, but also light-hearted, I mean, I love that. I love her style, and I love her as a person."


Hindi itinanggi ng American actor na si Lee O' Brian ang malaking atraksiyon na nararamdaman niya para sa Kapamilya actress na si Pokwang.

Si Lee ang leading man ng komedyana sa pelikulang Edsa Woolworth, isang family drama na kinunan entirely sa Amerika. Ito ay produced ng The Filipino Channel (TFC) na ipalalabas simula sa January 14 dito sa Pilipinas.

Saad ng American actor, "Yeah, I think there's a lot of chemistry between us.

"We got along as friends, we both have a mutual respect to our profession.

"But, on the personal level, yeah, definitely, I like her too.

"You're lookin' at her now, yeah?" sabay turo niya sa kanyang leading lady na katabi lang niya.

"Number one, she's a gorgeous woman.

"Second, the ability to be very compassionate, but also light-hearted, I mean, I love that.

"I love her style, and I love her as a person.

"Someone who can sway from her seriousness to funniness, and that's not a skill, that's a gift."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media ang si Lee sa presscon ng Edsa Woolworth, nitong Huwebes, January 8, sa 9501 restaurant sa ELJ Building ng ABS-CBN.

POSSIBILITIES. Pagpapatuloy ni Lee, "If I've asked her out?

"Don't know... if it's not too soon, I'll take it."

Binata naman daw siya at walang sagabal kung sakaling ituloy niya ang panliligaw kay Pokie.

Saad ng 39-year-old American actor, "Yeah, I'm single.

"It's always a possibility.

"Right now, we're still communicating and we're both pretty busy people.

"She had to come back immediately after the shooting.

"She's a very busy woman, professionally and personally speaking, I am as well.

"We keep our communication, so maybe right now, at this moment, I can't say anything.

"But I never doubt about the future, so..."

Hindi ba magiging problema ang distance sa kanilang dalawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Lee, "It goes back to our last last question, right? 'What's love?'

"We find it, at this point, that it's worth it."

Nabanggit ni Pokwang sa hiwalay na panayam na aabot pa ng dalawang taon bago siya pumasok muli sa isang seryosong relasyon.

Handa bang maghintay si Lee ng dalawang taon?

Sagot niya, "If it gets to that level? I would see waiting as possible as...

"I'm totally open to the possibility of working in the Philippines and around the world, so it's not...

"If I have to share my sentiments, it's not strange for me to return.

"And, to me, it's part of the plan."

Nakikita ba niya ang posibilidad na ikasal sa isang Filipina?

Ayon kay Lee, "Knowing how Filipinos are, I think that could be a big possibility, definitely."


NOT INSECURE. Aware naman daw si Lee sa status ng kanyang leading lady dito sa Pilipinas, kaya hindi na siya nagugulat sa atensiyon na nakuha nito noong nagsu-shooting sila.

Nasabi na raw sa kanya ng direktor nilang si John D-Lazatin na kilalang artista sa Pilipinas si Pokwang.

"And I didn't realize that until we started shooting, when people stop us every five minutes in a restaurant and would take pictures with her.

"They would pose it to Instagram accounts, it's something that I come to understand."

Sa kabila nito, ayon kay Lee, hindi siya nai-insecure sa status ni Pokwang.

Pagmamalaki pa niya, "That's her success, you know, she worked hard on it.

"She went around like any person who is entitled to it.

"Enjoy it."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN