Pokwang reveals her 70-year-old mother has Alzheimer’s

At the presson of her latest film, Edsa Woolworth, Pokwang disclosed her mother’s medical condition. She says, “Mahirap. Napakahirap. Kailangan talaga naming mag-adjust. Hindi madali, lalo na kapag nakikita mo yung kundisyon ng nanay mo. Madalas nalulungkot ako kapag hindi na niya ako nakikilala. Kaya nga kapag wala akong trabaho, tutok talaga ako sa kanya. At ‘pag nasa trabaho ako, inaalam ko yung ku


Sa kabila ng kasiyahan ni Pokwang sa pagkakaroon ng pelikula sa pagsisimula pa lamang ng 2015, ang Edsa Woolworth, may mabigat din siyang pinagdadaanan ngayon.

Ang kanyang 70-year-old mother ay na-diagnose na may Alzheimer’s disease.

Ayon sa alz.org, "Alzheimer's is a type of dementia that causes problems with memory, thinking and behavior. Symptoms usually develop slowly and get worse over time, becoming severe enough to interfere with daily tasks."

Sa presscon ng Edsa Woolworth noong Huwebes ng tanghali, January 8, inihayag ni Pokwang na nakaka-relate siya sa istorya ng kanilang pelikula.

Tungkol ito sa mga Pinoy na nanirahan sa Amerika matapos silang ampunin ng kanilang stepfather.

Si Pokwang, bilang panganay na si Edsa Woolworth, ay napapagitnaan ng dalawang conflicts—ang pag-alaga sa kanyang matandang adoptive American father at ang pagharap nito sa kanyang lovelife bilang hindi na rin siya bata.

Sa tanong kung paano siya naka-relate sa kuwento ng pelikula at kung ano ang natutunan niya dito, nabanggit ni Pokwang ang kundisyon ng kanyang ina.

Saad niya, “Sa totoong buhay po, ang nanay ko medyo uma-Alzheimer’s na rin na gaya sa karakter ng aming Papa Frank [portrayed by American actor Stephen Spohn].

“Ang natutunan ko sa pelikula, sa ganitong panahon, yung mga magulang natin, mas kailangan nila tayo.

“Kaya yun ang struggle ng buhay ko. Uunahin ko ba ang sarili ko o itong pamilya ko na kailangang-kailangan ako?

“Sa ngayon, yun ang nararamdaman ko para sa nanay ko sa totoong buhay.

“Kasi hindi na niya ako tinatawag na Marietta. Kung anu-ano na ang itinatawag niya sa aking pangalan.”

Marietta Subong ang tunay na pangalan ni Pokwang.

Patuloy niya, “Kahapon lang, sinabi niya sa akin kung kumain na ba ako.

“Yun lang, para sa akin, so…

“Yung lesson na natutunan ko sa pelikula, habang nandito pa sila at habang nabubuhay pa sila at kasama natin, ibigay na natin kung ano yung nararapat na pagmamahal sa kanila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa rin kay Pokwang, nang sandaling makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang presscon proper, hindi madali ang pinagdadaanan nila ng kanyang pamilya dahil sa kalagayan ng ina.

“Mahirap. Napakahirap. Kailangan talaga naming mag-adjust.

“Hindi madali, lalo na kapag nakikita mo yung kundisyon ng nanay mo.

“Madalas nalulungkot ako kapag hindi na niya ako nakikilala.

“Kaya nga kapag wala akong trabaho, tutok talaga ako sa kanya.

“At ‘pag nasa trabaho ako, inaalam ko yung kundisyon niya.”

Noong 2014 daw nila nalamang may Alzheimer's ang kanyang ina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN