Jennylyn Mercado on possibility of falling for Raymart Santiago: “Bakit hindi?”

Jennylyn Mercado has denied categorically that Dennis Trillo is again wooing her, but is she willing to give him a second chance? “Ay, titingnan ko pa po, ha… itse-check ko pa ang schedule ko,” she japes.


Naging maganda raw ang taong 2014 para sa Kapuso actress na si Jennylyn Mercado.

“Lahat maganda, walang pangit.

"Kasi dumating si Rhodora X, nag-start ako ng Second Chances.

"Nagkaroon ako ng cooking show. Dire-diretso, e... album."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Jennylyn sa presscon ng bago niyang primetime series sa GMA Network, ang Second Chances, na magsisimula nang mapanood sa January 12.


DENNIS TRILLO. Pagdating sa career, walang dudang maganda halos lahat ng nangyayari sa kanya. Lovelife na nga lang ba ang kulang?

“Siyempre ano, inaabangan ko rin ‘yan, pero ayokong pilitin. Hindi lahat ibibigay sa ‘yo!” natawang sagot ni Jennylyn.

Pero may nagsasabing nanliligaw raw ulit sa kanya ang dating boyfriend na si Dennis Trillo.

“Si Dennis? Hindi,” mabilis niyang pagtanggi.

Paano kung manligaw ngang muli si Dennis, magugulat ba siya?

“Magugulat? Hindi ko pa alam kung ano ang reaksiyon ko.

"Sa ngayon, wala. Hindi ko pa alam, e.”

Kaya ba niyang bigyan ng second chance si Dennis?

“Ay, titingnan ko pa po, ha… itse-check ko pa ang schedule ko!” natatawang biro niya.


PATRICK GARCIA. Bukod sa magagandang nangyari sa career ni Jennylyn noong 2014, naging maganda rin ang relasyon nila ng dating boyfriend na si Patrick Garcia, ang ama ng anak niyang si Alex Jazz.

Dadalo pa nga raw ang MMFF Best Actress sa kasal ni Patrick at ng girlfriend nitong si Nikka Martinez sa March.

Masaya raw si Jennylyn na nauwi sa ganito ang relasyon nila ni Patrick at naging malapit pa siya sa mapapangasawa nito.

“Masaya ako na okey na lahat.”

May nagtanong naman kay Jennylyn kung okey na rin ba sila ng mommy ni Patrick.

Sabi niya, “Hindi pa kami nagkakausap, pero okey na yun, wala nang problema.

“Mas maganda kasi yung walang samaan ng loob.

"Kahit hindi mo kakilala, gusto mo okey lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga naging ex-boyfriends niya, si Luis Manzano na lang yata ang hindi pa rin masasabing maayos sa pagitan nila.

“Well, sana, sino ang ayaw na hindi okey, ‘di ba?” sabi ni Jennylyn.


RAYMART SANTIAGO. Na-link na noon si Jennylyn kay Raymart Santiago, na isa sa kapareha niya ngayon sa Second Chances.

Sa hiwalay na panayam ng entertainment press kay Raymart, sinabihan daw ng aktor si Jennylyn na hindi pa siya handang makipagrelasyon.

“Napakaarte niya!” natatawang reakisyon naman ni Jennylyn.

Napag-usapan ba nila ni Raymart ang pagkaka-link sa kanila?

“Hindi po,” sagot ni Jennylyn.

Ayon pa sa aktres, makuwento at masayang kasama si Raymart sa set.

Mas nagugustuhan niya ang nakikita niya kay Raymart ngayon?

“Kung ano siya dati, ganoon pa rin siya ngayon.”

Kung sakali, puwede ba siyang ma-in love kay Raymart?

“Bakit hindi?” mabilis niyang sagot.

Dagdag ni Jennylyn, “Mabait naman siya, responsable naman siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN