Max Collins firm in her decision not to pose for men’s magazines: "I’m just shy. I can’t do things like that."

She admits being close to Pancho Magno, but he’s not a boyfriend. “Kapag yumaman ako, saka ako magkaka-lovelife,” Max Collins laughingly reveals. “Marami pa akong obligasyon sa pamilya ko,” she explains.


Hangga’t maaari, ayaw raw ni Max Collins na magpa-seksi o maging cover ng men’s magazine.

Pero alam daw ni Max na mahirap magsalita ng patapos at tahasang tuldukan ang bagay na yun.

“I’m not closing the door,” pahayag niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Saad pa niya, “My mom really doesn’t want me to do that.

"I have nothing against that. Sa ngayon, wala pang plano.”

Kung hindi dahil sa mommy niya at siya lang ang magdedesisyon, okey lang sa kanya?

“Sa ngayon, hindi ako comfortable, hindi lang physically.

"Hindi lang po talaga ako comfortable going the sexy route.”

Si Andrea Torres na kasama ni Max sa Bubble Gang, sa bandang huli, ay pumayag maging cover girl ng FHM Philippines. Dati, sinasabi rin nitong hindi niya kayang mag-pose sa isang men’s magazine. Hindi ba nila napag-uusapan ang bagay na ito?

“I’m really proud of her and she’s a very… sexy talaga siya.

"Pero ako, mahiyain po talaga ko.

"Funny, pero I’m just shy. I can’t do things like that anytime soon,” nakangiting sabi ni Max.

FAMILY OBLIGATION. Hindi pa raw sila ni Pancho Magno, pero marami ang naniniwalang mahigit sa pagkakaibigan ang pagtitinginan nila.

“Kasi close talaga kami,” saad niya.

Kumusta ba talaga ang lovelife niya?

“Kapag yumaman ako, saka ako magkaka-lovelife,” natatawang sabi niya.

Bakit, siya ba ang bubuhay sa magiging boyfriend niya?

“Marami pa akong obligasyon sa pamilya ko,” nakangiting sabi naman niya.

Pag-aasawa na ba ang peg niya kapag nag-boyfriend?

Natawa ito saka sinabing, “Hindi naman, gusto ko lang talagang tutukan ang trabaho ko, ang career ko, bago ko tutukan ang lovelife ko.”

NEW RELIGION. Naging New Year’s resolution daw ni Max ang mas maging malapit pa sa Diyos ngayong 2015.

Ayon kay Max, “Naumpisahan ko na, I’ve been going to Victory [Christian Fellowship] and gusto ko sanang magpa-baptize.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’ve been going to Victory and gusto ko sanang mag-one-on-one and magpa-baptize.

“Ngayon, mas malapit ako kay Lord.

"And gusto ko rin mag-travel pa ngayong 2015. I think, yun lang naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN