Arron Villaflor to pursue singing career under new talent manager

Arron Villaflor is setting aside his social life to pursue his dream of becoming a singer. “Girlfriend? Wala, single muna ako, meet friends, dating. Mas priority ko muna sa ngayon ang family ko, yung trabaho ko, yung sarili ko."


Mukhang isa sa madadagdag sa mga talents ng Cornerstone Entertainment Inc. ay ang aktor na si Arron Villaflor.

Huling napanood si Arron sa seryeng Pure Love at nung nakaraang taon ay pinarangalan ito bilang Best Drama Supporting Actor, ka-tie si Arjo Atayde, sa nakaraang 27th Star Awards for TV dahil sa naging pagganap niya sa seryeng Juan dela Cruz.

Sa panayam kay Arron ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nung January 4, sa ASAP XX, kinumpirma nitong may pag-uusap na raw na nagaganap sa kanya at sa pamunuan ng Cornerstone tungkol sa paglipat niya, at aprubado raw ito ng Star Magic.

“Mayroon na, mayroon na. Lagi kong pinagdarasal kasi, iba rin ang prayers, e.

"Sinabi ko na sa Star magic and pumayag naman sila.

"Ang mangyayari, co-manage siguro.”

Ayon kay Arron, personal siyang inimbita ni Erickson Raymundo, presidente at founder ng Cornerstone.

“Kasi umattend ako ng Cornerstone Christmas party, special invite ni Sir Erickson so kumanta ako dun.

"Sabi ko nga, 'Grabe naman ang nerbiyos dito, lahat ng mga bisita, singers.'

"Tinatanong nila, 'Cornerstone ka na ba?'

"Nagtataka sila kung bakit ako nandun.

"May plano, magde-decide diyan si Sir Erickson kasi gusto ko nang pasukin ang singing saka sobrang taas ang tingin ko sa mga singers."

Halos karamihan ng talents ng Cornerstone ay mga singers, mula kay Sam Milby, Yeng Constantino, Richard Poon at Jericho Rosales.

ALTERNATIVE MUSIC. Inamin ni Arron na gusto niyang subukan ang pagkanta, at alternative music ang gusto niyang maging genre.

“Ngayon, pasok na ako sa singing career, yun din naman ang dinadasal ko, 'Lord, may bago akong papasukin, which is singing. Sana gabayan Ninyo ako. Sana magandang genre yung mabigay sa akin ng tao.'

“Mas maganda kung ako ang mag-compose kasi nung 2014, nag-guest ako sa It's Showtime.

"Ginawan ko ng kanta ang Showtime, nagustuhan naman nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alternative pero siyempre bilog ang bola kaya tanong ako nang tanong sa mga friends ko sa showbiz, lalo na mga singers like sila Eric Santos.

“'Ano sa tingin niyo ang nababagay sa akin na genre, kasi kung ako ang tatanungin, sasabihin ko talaga kung ano ang gusto ko.

"'Pero as a friend, what would you prefer for me to sing, kung anong genre?

"Sabi nila, alternative, bumagay naman kasi yun din ang preference ko.”

May paghahanda ba siyang ginagawa?

“Voice lesson 'tapos aral ng mga updated songs.

"Update din sa mga local and international songs, OPM, I guess yun ang stepping stone.”

BIOPIC. Binalita din ng aktor na kasama siya sa pelikulang Heneral Luna na una munang ilalaban sa international award-giving bodies bago ipalabas dito.

“Ako yung young patriot ni Luna, para akong actor/narrator dun.

"Ako lahat ang nakakaalam ng sikreto ni Luna, ano yung plano ni Aguinaldo.

"Maganda yung story kasi in the end, ako yung magtatapos ng story.

"Genera Luna will be played by John Arcilla, kasama dito sina Joem Bascon, Epi Quizon.”

Alam daw ni Aaron na malaking sugal ang paggawa ng isang period movie dahil bukod sa napakalaking puhunan ang kailangan dito ay 'di pa ganun kainit ang pagtanggap ng publiko sa ganitong klase ng mga pelikula.

Sabi niya, “Kaya nila ilalaban sa Europe.

"Pinagdarasal ko na sana magkaroon kami ng award.

"Kasi pag nagkaroon kami ng award, mapapalabas dito sa local.

“Ang laki ng ini-invest ng producer, kasi historical movie siya, and first time maglabas dito ng life story niya.

"Sa nakikita ko, talagang ginastusan ang pelikula.”

FAMILY BUSINESS. Naging maganda ang tinakbo ng 2014 para kay Arron at ngayong 2015 ay mas pokus ang aktor sa kaniyang trabaho at pamilya lalo’t pinasok na ng pamilya nila ang construction business.

“Magkaroon ng more projects pa, non-stop work ang ibinigay sa akin ni Lord.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Happy ako sa 2014, natanggap ko yung Best Supporting Actor award for Juan dela Cruz, natanggap din namin yung Best Show, 'tapos Best Actor din si kuya, si Coco.

"'Di ako nawalan ng trabaho, continuous yung out of town shows ko.

"I am praying that, hopefully…I am claiming it na 2015 will be a great year for me.

"Lord will shower me with more shows, more blessings when it comes to friends.

"'Tapos, makilala ako ng mga malalaking advertisers.

"Lagi kong dinarasal, 'Lord sana pareho pa rin yung 2014 this 2015, maging okay pa rin ang taon para sa akin.'

“Girlfriend? Wala, single muna ako, meet friends, dating.

"Mas priority ko muna sa ngayon ang family ko, yung trabaho ko, yung sarili ko.

"At least mas may oras na ako sa sarili ko, sa family ko.

"May mga investments din kami, like, ang father ko kasi is a contractor, nagpagawa ako sa kanya ng townhouse, so build and sell kami ngayon.

"Yun na ang magiging family business namin.

"Ang target namin ay dito sa Manila, dadalhin namin dito yung townhouse."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN