Sarah Geronimo hopes for “happily ever after” with Matteo Guidicelli

Sarah Geronimo on boyfriend Matteo Guidicelli being proud of her. “First time na may ganitong tao na ganito ka-proud para sa ’yo. Naiiyak ako!” she says.


Bagamat siya ang napiling gumanap bilang Rapunzel sa Disney Asia 2015 calendar, mas paborito raw ni Sarah Geronimo ang Disney Princess na si Cinderella.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang invited reporters sa launch na nasabing kalendaryo kahapon, January 9, sinabi ni Sarah na mas nakaka-relate siya sa buhay ni Cinderella.

Paliwanag ng Pop Princess, “Kasi, rags to riches. Nag-umpisa tayo roon.

“Sinasabi nila na parang Cinderella-type yung buhay ko kasi nag-umpisa sa walang-wala kami, literally na wala na kaming makain.

“'Tapos nagtrabaho nang nagtrabaho, nagsumikap.

"I went after my dreams, pinursue ko yung singing career na pangarap ko for myself and my family, hanggang sa nandito na tayo ngayon."

Aminado si Sarah na bagamat mas mabuti na ang lagay ng buhay nila ngayon, hindi pa rin maiiwasang makaranas sila ng hindi magandang pangyayari sa buhay.

Biro pa niya, “Every day naman po kasi, ang reality naman ng buhay, hindi ko sinasabi na, 'Hay, prinsesa ako, ang ganda-ganda ko!'

“You have to constantly remind yourself that you are mot a princess.

“Kung anuman ang pinagdadaanan mo sa buhay, kung anuman yung saya at lungkot, kailangan mong i-remind mo 'yon sa sarili mo.

“At yung sinabi kong i-remind, yung blessings na nakukuha mo sa Panginoon at yung pagmamahal na nakukuha mo, hindi necessarily sa opposite sex.

"Ang importante, unang-una, sa Diyos mo maramdaman na you are well loved.

"Pangalawa, yung pamilya mo."


PRINCE CHARMING. Katulad ng Disney Princesses, naiisip din daw noon ni Sarah ang magkaroon ng tinatawag na “Prince Charming.”

“Noong mga panahon na 'yon, you long pa for that Prince Charming, kung sino yung makakakuha ng glass na shoe [ni Cinderella]!” natatawang sabi niya.

Tinanong ng PEP kung nahanap na niya ang kanyang “Prince Charming,” ngunit ngumiti lamang siya.

Biniro ng reporters si Sarah na tila ang boyfriend na si Matteo Guidicelli ang “nagpapahaba” ng hair niya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon naman niya, “Sa totoo lang po, hindi naman ako magde-deny na talagang maganda rin ang naibibigay na epekto sa 'yo kapag maayos na tao rin 'yong nakikitungo sa 'yo.

“Yung maayos ang pakikitungo sa 'yo, hindi ka tinatrato na parang basura or mababa.

"Magre-reflect 'yan sa 'yo, sa pagkatao mo.

“I guess, he must be doing something right, 'di ba po?

"Hindi man po perpekto, pero he must be doing something right."


HAPPY ENDING. Noong New Year, kumalat sa Internet ang larawan nina Sarah at Matteo na magkasama, bagay na hindi nila madalas na ginagawa kaya marami ang nagulat at natuwa.

Nang tanungin ng PEP si Sarah tungkol dito, sabi niya, “Actually, sinabihan ko nga rin siya nun!"

Ibig sabihin kaya nito ay mas magiging bukas na sila sa publiko tungkol sa kanilang relasyon ?

Sagot ng 26-year-old singer-actress, “Hindi naman po. Sinurprise lang niya ako.

“Pero kung titingnan mo, siya 'yon, e.

"Yun ang pagkatao niya, hindi siya natatakot i-share kung ano ang happiness niya.

“Marami kaming pagkakaiba, pero igagalang mo 'yon bilang respect sa isa't isa.

“Pero napag-uusapan pa rin namin na mai-maintain namin yung privacy ng relationship.”

Gayunman, hindi itinanggi ni Sarah na ikinatutuwa niya ang pagiging proud sa kanya ng 25-year-old boyfriend.

Aniya, “Siyempre po, first time na may ganitong tao na ganito ka-proud para sa 'yo. Naiiyak ako!

“Kung totoo man 'yon o hindi, bahala siya. Siyempre, thankful tayo.

“Katulad ng sinasabi ko sa past interview ko, magmahal ka nang totoo.

“At the end of the day, kung mag-work siya o hindi, basta alam mo sa sarili mo na naging totoo ka sa taong 'yon.”

Nakikita na ba ni Sarah ang “happily ever after” ending nila ni Matteo?

Sagot ng Popstar Princess, “Hopefully po.

"Siyempre, hindi natin madi-dictate, hindi natin mape-predict ang future.

“Kinakailangan lang natin ng hardwork, effort on both ends, at prayer siyempre po. At pagiging considerate din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ire-relate ko kay Rapunzel. Iniisip din niya ang mama niya, mga sinasabi ng tao sa paligid niya.

"Ayun, kailangan hanapin mo ang balance ng buhay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN