Aiza Seguerra and Liza Diño declare undying love for each other

Liza to Aiza: "I know that my fears are always gonna be there, but knowing that nandiyan ka, to make me feel stronger, masaya ako na sa bawat pagdadaanan natin, magkasama tayong dalawa."


Narito ang wedding vow nina Aiza Seguerra at Liza Diño sa ginanap na 'symbolic ceremony' nila noong Huwebes, January 8, sa isang beach resort sa San Juan, Batangas.

Madamdaming pahayag ni Aiza, habang sa background ay maririnig ang mga hampas ng alon sa batuhan, “Hindi mo alam kung gaano ako kasaya at kahit sabihin ko paulit-ulit, okey lang.

“Kasi, Love, iba yung pakiramdam ko ‘pag magkasama tayo.

“Buhay ako. Buhay na buhay ako!

“At gusto kong malaman mo na mahal kita at sa lahat ng mga akala mo na hindi ko mamahalin about you, lalo pa kitang minamahal sa mga bagay na ‘yon.

“Kasi, para sa akin, perfect ka, e. Alam mo ‘yon?

“Kung gaano ka kakalat, sa lahat, kung gaano ka makakalimutin… akala mo lang naiinis ako. I find that so adorable about you.

“Huwag kang matakot, okey? Kasi, kahit among mangyari, hindi ako mawawala dahil kaya ako nandito, dahil sa ‘yo.

“Kaya ako nagmamahal, kaya ko nararamdaman ‘to, ikaw yung rason.

“Kaya makakaasa kang nandito lang ako. I love you.”

Mensahe naman ni Liza para kay Aiza, “May rason kung bakit tayo yung nandito ngayon.

“I choose you… and I’m glad that the rest of my life, I will be spending with you.

“I have never met anybody na minahal ang kabuuan ko katulad ng pagmamahal na ibinibigay mo sa akin.”

Naluluha niyang pagpapatuloy, “Ang dami na nating pinagdaanan individually sa buhay natin.

“We met thirteen years ago without knowing that it was gonna be us.

“And we have both gone through our own paths, became stronger because of that, went through hardships and joys and all those experiences that made us who we are now.

“And the time is now.

“And I’m happy that everything fell into place and everything that is beautiful that has happened to us, ‘eto tayo ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Love, mahal na mahal kita. Lahat-lahat tungkol sa ‘yo.”

Pabirong tumingkayad si Aiza na parang tinatanong kung kasama ba roon pati ang height niya.

Napangiting sabi ni Liza, “That too, especially… na kahit saan tayo nagpupunta, napapagkamalang anak kita.

“Okey lang, natanggap ko na ‘yon.

“Kaya nga ngayon, pinaganito ko yung buhok ko, e, para magmukha naman tayong magka-age.

“But those are the things that I love about you…

“And right now, I’m telling you that whatever you choose to do, and if you choose to go through that transition, I will be here for you and I will support you a hundred percent,” nanginginig ang boses na bulalas ni Liza.

Patuloy niya, “I know that my fears are always gonna be there, but knowing that nandiyan ka, to make me feel stronger, masaya ako na sa bawat pagdadaanan natin, magkasama tayong dalawa.

“So, sa harap ng mga taong nagmamahal sa atin, napakasarap ng feeling na lahat sila nandito dahil sa pagmamahal.

“At nandito silang lahat kasi they are celebrating our love.

“I love you so much and I can’t wait, I will be saying it again, that forever just got better because it’s us. I love you.”

Nang isuot isuot ni Aiza ang wedding ring sa daliri ni Liza, humirit ito ng: “Maganda siyang tingnan pala sa kamay mo. Bagay na bagay, parang tayo!”

Nagtawanan ang lahat kaya natawa rin si Liza.

“Hindi ko kayang magpatawa katulad ni Aiza!” ang napangiting pakli ni Liza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN