Nash Aguas still a "bagito" in boy-girl relationship

Masaya si Nash Aguas dahil nagbunga ang kanyang paghihintay ng sampung taon para makapagbida sa isang serye.

Siya ang male lead sa Bagito, kung saan kasama niya sina Alexa Ilacad at Ella Cruz.


Walang muwang sa anumang kamunduhan!

Ito ang deklarasyon ng 16-year-old Kapamilya actor na si Nash Aguas sa thanksgiving presscon ng pinagbibidahan niyang Bagito, kahapon, January 9, sa 14th floor ng ELJ Building, ABS-CBN, sa Quezon City.

Kasama ring humarap sa press ang ka-loveteam ni Nash na si Alexa Ilacad at ang isa pang bida ng serye na si Ella Cruz.

(Photo by: Noel Orsal)

Ani Nash, hindi siya palagimik.

Nakangiti pa niyang kuwento sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng press na "mabait siyang bata."

Sa Bagito, ginampanan ni Nash ang role ni Drew, isang batang ama. Dahil dito, inusisa ng PEP kung sa edad niyang 16 ay literal na bagito pa si Nash.

Nakangiti na may pagka-seryosong tugon ng lider din ng Gimme5, “Oo naman, malamang.

“Oo naman. Lumaki nga po ako na pinalaki ni Mommy na laging nagdadasal.

"So bago mangyari yun, si Lord muna. Iniisip ko muna si Lord.”

Paano niya nabigyan ng justice ang pagganap sa kanyang karakter?

Pag-amin ni Nash, “E, yun nga po, e. Nung una, kinakabahan po talaga ako, kasi hindi ko alam kung saan ako huhugot.

“Pero actually, habang nagti-taping po kami, dala-dala ko yung bata, nag-i-imagine ako na talagang anak ko siya.

“And nakakadala naman talaga yung baby. ‘Pag may hawak ka ng baby, kasi first time kong maghawak ng mga babies, so parang naramdaman ko na kung ano yung nararamdaman ni Drew kung mawawala yung baby.

“So actually nasa imagination lang siya talaga.”

RIGHT TIMING. Hesitant daw si Nash noon na tanggapin ang naturang role dahil parang sugal ito sa kanyang karera.

Pero hindi raw siya nagkamali sa pagtanggap niya sa proyektodahil marami raw ang natutuwa at pumupuri sa show.

Aniya, “Opo. Una po nag-hesitate po kami nung last quarter ng 2014 'tapos dadaan yung Pasko...

"Sa ngayon naman, sobrang natutuwa naman po kami sa ratings ng Bagito, and nalagpasan namin yung Christmas season and mataas pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So thankful po kami sa mga tao na kahit traffic sa EDSA, maaga pa rin sila umuuwi.”

Ipinagdasal ba niyang sana ay mabigyan naman siya ng pagkakataong magbida sa serye?

Sagot ni Nash, “Actually po ipinagdadasal ko siya dati pero nung medyo nagbibinata na ako parang, ‘Kung hindi naman po meant to be sa akin, parang okay lang,’ ganun na po yung mga dasal ko.

“Pero binigyan naman ako ni Lord ng bagong blessing, ito nga pong Bagito, and so thankful talaga ako na nagawa ko po nang maayos.”

ON GIMME5. Bukod sa pag-arte, sumasayaw at kumakanta din si Nash kasama ang kanyang mga ka-grupo sa Gimme5 na sina Joaquin Reyes, John Bermundo, Grae Fernandez, at Brace Arquia.

Hindi ba niya napag-iwanan ang ka-grupo dahil siya ang pinakabida sa Bagito?

Saad ng binatilyo, “Hindi naman po siguro napag-iwanan, kasi kasama pa rin po sila sa Bagito.

"And sa tingin ko naman, time will come na meron din sila.

“Kasi siyempre ako po, nag-start akong bata and naghintay rin naman po ako ng 10 years bago magka-Bagito.

“E, sila, bagong pasok and nagka-teleserye agad. I think, blessed pa nga po sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN