Alexa Ilacad on possibility of romance with Bagito co-star Nash Aguas: “Sana, maghintay-hintay pa siya.”

Alexa Ilacad on how Nash Aguas shows his affection for her: “...pinararamdam niya sa akin yung pag-care niya. Kung gaano siya ka-caring sa akin, na hindi siya ganun sa iba. Yung sa akin, natutuwa ako pero, hanggang dun lang yun.”


Aminado ang Kapamilya teen loveteam na sina Alexa Ilacad, 14, at Nash Aguas, 16, sa mutual admiration nila sa isa't isa.

Bukas si Alexa sa pagsasabing crush niya si Nash, at ganito rin ang sinasabi ni Nash.

Tuloy, marami ang nag-iisip na mas tataas pa ang antas ng pagtitinginan nila sa isa't isa, lalo't halos araw-araw silang magkasama sa taping ng top-rating primetime teleserye ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment Television, ang Bagito.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment) si Alexa sa thanksgiving presscon para sa Bagito sa ELJ Building sa ABS-CBN compound kahapon, January 5, klinaro niyang alam nila ni Nash kung hanggang saan lang dapat ang kanilang friendship.

Bungad ng Kapamilya teen actress, “Hindi naman ako natatakot.

“Alam ko naman po ang ugali ni Nash, ayos naman po.

“Pati si Mommy, love na love niya si Nash, ang bait-bait nga raw at hindi yumabang.

“Kung may possibility po in the future, kung may gusto pa siya sa akin, at ganun din ako, why not?”

Ibig bang sabihin nito ay may posibilidad na maging sila ni Nash sa takdang panahon?

Mabilis niyang tugon, “Oo naman po.

“Basta, nasa tamang age na kami, 'tapos kung okay naman po sa parents namin, wala naman po sigurong problem.

“Right now, si Nash, pinararamdam niya sa akin yung pag-care niya.

“Kung gaano siya ka-caring sa akin, na hindi siya ganun sa iba.

“Yung sa akin, natutuwa ako pero, hanggang dun lang yun.

“Oo, sinabi namin na may gusto tayo sa isa't isa pero, we will treat this as friendship lang talaga.”

FRIENDSHIP ABOVE ALL. Ang pagkakaibigan nga raw nila ang ayaw nilang masira sa ngayon, kahit sabihin pang meron silang nararamdaman para sa isa't isa.

Ayon pa kay Alexa, “Yung ang pinaka-importante sa amin.

“Yung ang ayaw naming masira, dahil sobrang saya lang namin kapag magkasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi namin siniseryoso yung, 'Oy, gusto kita, liligawan na kita, ha?'

“O, yung, 'Sige, may gusto ka sa akin, bilhan mo ako ng ganito.'

“As in, sobrang friendship lang talaga yung sa amin.”

WILLING TO WAIT? Paano kung hindi makapagpigil si Nash, at i-push nito nang husto ang feelings para sa kanya?

Natawang sagot ng 14-year-old teen star, “Alam naman po niya yun.

“Siguro, mai-push natin 'yan kung halimbawa, 18 na ako.

“Fourteen pa lang ako, at magpi-15 pa lang ako next month [February 26].

“Matagal-tagal pa.”

Hiling niya na sana ay maghintay muna ang kanyang screen partner.

Aniya, “Sana, maghintay-hintay pa siya, kung kaya pa niya, at 'wag maging inipin.

“Kaya, hayun po, basta natutuwa lang kami.”

NASH'S ENDEARING TRAITS. Sa puntong ito ay napag-usapan ang tungkol sa best qualities ni Nash na nagustuhan din naman niya.

Walang kagatul-gatol na sabi ni Alexa, “Yung sobrang pagmamahal niya sa kapatid niya, sa family niya, in general.

“Kasi, yung baby sister niya, ang sarap tingnan na yung kuya mong sikat, na araw-araw ay busy, ay laging naiisip ang baby sister niya.

“Na 'pag pumupunta kami out of the country, sabi niya lagi, 'O, Ma, yung para kay Chloe [baby sister ni Nash].'

“O, kaya, 'pag magkasama kami, minsan pagod na siya, o, minsan nanonood kami ng sine, naiisip niya na, 'Oy, si Chloe, walang kasama sa bahay, uwi na tayo.'

“Kaya nung birthday ko, ang ginawa namin, nilabas namin yung baby sister niya kasi walang laging kasama.

“Si Kuya kasi [Nash], sina Mommy at Daddy niya, laging nagwu-work."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN