Vice Ganda grateful for "415 million in 15 days" ticket sales of Amazing Praybeyt Benjamin

Amazing Praybeyt Benjamin" data-url="https://www.pep.ph/news/47256/vice-ganda-grateful-for-415-million-in-15-days-ticket-sales-of-amazing-praybeyt-benjamin" data-desc="Vice Ganda reveals upcoming movie with Coco Martin." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/689375559.jpg"> Amazing Praybeyt Benjamin" data-url="https://www.pep.ph/news/47256/vice-ganda-grateful-for-415-million-in-15-days-ticket-sales-of-amazing-praybeyt-benjamin" data-desc="Vice Ganda reveals upcoming movie with Coco Martin." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/689375559.jpg"> Amazing Praybeyt Benjamin" data-url="https://www.pep.ph/news/47256/vice-ganda-grateful-for-415-million-in-15-days-ticket-sales-of-amazing-praybeyt-benjamin" data-desc="Vice Ganda reveals upcoming movie with Coco Martin." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/689375559.jpg">

Amazing Praybeyt Benjamin" data-url="https://www.pep.ph/news/47256/vice-ganda-grateful-for-415-million-in-15-days-ticket-sales-of-amazing-praybeyt-benjamin" data-desc="Vice Ganda reveals upcoming movie with Coco Martin." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/689375559.jpg"> Amazing Praybeyt Benjamin" data-url="https://www.pep.ph/news/47256/vice-ganda-grateful-for-415-million-in-15-days-ticket-sales-of-amazing-praybeyt-benjamin" data-desc="Vice Ganda reveals upcoming movie with Coco Martin." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/689375559.jpg"> Amazing Praybeyt Benjamin" data-url="https://www.pep.ph/news/47256/vice-ganda-grateful-for-415-million-in-15-days-ticket-sales-of-amazing-praybeyt-benjamin" data-desc="Vice Ganda reveals upcoming movie with Coco Martin." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/689375559.jpg"> Amazing Praybeyt Benjamin" data-url="https://www.pep.ph/news/47256/vice-ganda-grateful-for-415-million-in-15-days-ticket-sales-of-amazing-praybeyt-benjamin" data-desc="Vice Ganda reveals upcoming movie with Coco Martin." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/689375559.jpg">

Vice Ganda admits he’s still grieving over his deceased Lolo Gonzalo: “Malungkot pa rin ako. Siyempre gabi-gabi nalulungkot ka pa rin ’pag pinapatay mo ang ilaw. Pero nalilibang ako. Nililibang ako ng mga kasama ko sa Showtime."


Gabi ng mismong araw ng Pasko nung nakaraang taon nang sumakabilang-buhay ang lolo ni Vice ganda na si Mr. Gonzalo Dacumos sa edad nitong 93.

Open book sa showbiz kung gaano kalapit at kamahal ng TV host/comedian ang kanyang Lolo Gonzalo na siyang nagpalaki sa kanya.

Kasabay ng pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na lolo ay ang pagtabo naman sa takilya ng pinagbibidahang pelikula ni Vice, ang Amazing Praybeyt Benjamin.

Kagabi, January 9, sa magkasabay na victory party ng Amazing Praybeyt Benjamin at Feng Shui sa 9501 resto ng ELJ Bldg ng ABS-CBN, kinumpirma na umabot na sa 225 million ang kinita ng Feng Shui samantalang 415 million naman ang kinita ng Amazing Praybeyt Benjamin, na siyang nangunguna sa lahat ng 2014 Metro Manila Film Festival entries pagdating sa ticket sales.

Sobra-sobra naman ang pasasalamat ni Vice sa lahat ng taong sumuporta at nanood ng pinagbidahang pelikula.

Sabi niya, “Maraming, maraming salamat talaga.

“Ang daming dahilan para ngumiti ako uli, maging masaya ako uli, binabangon ninyo talaga ako mula sa kalungkutan.

“Alam naman ninyo kung ano ang pinagdaanan ko recently pero ang bait ninyo sa akin. Maraming, maraming salamat."

Inaasahang tataas pa ang binanggit na amount.

Ani Vice, “'Di pa nga tapos, mahaba pa ito katulad din ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy din nung last year.

“Nakaka-15 days pa lang kami, naka-415 million na, 'di pa tapos ang gabi kaya humabol pa kayo para maraming, marami tayong masaya.

"Bukod sa akin ay kailangang maging masaya din kayo.

“Nasisiguro ko naman na tatawa kayo at mapapasaya ko kayo pag nanood kayo ng sine.”

MOVIE WITH COCO. Sa nasabing victory party din ay kinumpirma ni Vice na may bagong pelikula silang pagsasamahan ng matalik na kaibigan niyang si Coco Martin.

At dito rin niya sinabing ang konsepto para sa pelikula ay galing mismo sa mahusay na aktor.

Dagdag ni Vice, “Kasi si Coco, alam ninyo naman ang likot-likot ng isip niyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakaisip siya ng concept para sa aming dalawa.

“Tinawagan niya ako nung isang araw, 'Bes, mayroon akong concept for us, mayroon akong concept ng pelikula para sa atin.'

“Sabi ko, 'Ano? Ang ganda.'

"Sabi ko, 'Itawag mo na agad sa Star Cinema, i-present mo na agad.'

"Prinisent, in-approve din right then and there nung prinisent niya.

“Nung sinabi sa akin ni Tita Malou [Santos, Star Cinema head], 'O, okay na yung concept ni Coco for you and him.'

“Sabi ko, 'Puwede po ba yun na ang first movie ko this year kasi magda-dalawa ako this year?'

“Yung mga indie-indie niya, nakatrabaho ko siya dati.

“Excited ako kasi ito nga lang na nag-celebrate kami ng sabay ng victory party, sobra na akong masaya, ang saya na magkatuwang kayong magkaibigan.”

At ano naman ang genre ng magiging pelikula nila?

“Comedy, gusto niya comedy.”

STILL GRIEVING. Hindi naman tinago ni Vice na sa kabila ng kaligayahang nararamdaman sa tagumpay ng pelikula ay nandun pa rin ang lungkot dahil sa pagpanaw ng kanyang Lolo Gonzalo.

Pag-amin ng box-office superstar, “Nalilibang... Malungkot pa rin ako. Siyempre, gabi-gabi nalulungkot ka pa rin 'pag pinapatay mo ang ilaw.

"Pero nalilibang ako. Nililibang ako ng mga kasama ko sa Showtime, nililibang ako ni Vhong [Navarro], ni Billy [Crawford], ni Anne [Curtis], ni Karylle, ng mga kasama ko dun, ng mga tao.

“Itong mga magagandang pangyayaring ito, nakakalibang, yung utak ko ay napupunta sa mga magagandang pangyayari kaysa dun sa malungkot.”

TWO MOVIES, BIG DOME CONCERT. “Ang ganda ng 2014 ko," ang wika ni Vice.

Ano ang mga nakaplano this 2015?

“More box office hits. Mayroon akong movie with Coco and mayroon ako with Daniel Padila naman na susunod, yun ang dalawa ko this year.

“'Di mahirap magtrabaho kasi mahal na mahal ko ang mga kasama ko 'tapos may concert pa ako ng May, babalik ako ng Araneta,” detalye niya tungkol sa mga plano niya for this year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Amazing Praybeyt Benjamin" data-url="https://www.pep.ph/news/47256/vice-ganda-grateful-for-415-million-in-15-days-ticket-sales-of-amazing-praybeyt-benjamin" data-desc="Vice Ganda reveals upcoming movie with Coco Martin." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/689375559.jpg"> Amazing Praybeyt Benjamin" data-url="https://www.pep.ph/news/47256/vice-ganda-grateful-for-415-million-in-15-days-ticket-sales-of-amazing-praybeyt-benjamin" data-desc="Vice Ganda reveals upcoming movie with Coco Martin." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/689375559.jpg"> Amazing Praybeyt Benjamin" data-url="https://www.pep.ph/news/47256/vice-ganda-grateful-for-415-million-in-15-days-ticket-sales-of-amazing-praybeyt-benjamin" data-desc="Vice Ganda reveals upcoming movie with Coco Martin." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/689375559.jpg">


Amazing Praybeyt Benjamin" data-url="https://www.pep.ph/news/47256/vice-ganda-grateful-for-415-million-in-15-days-ticket-sales-of-amazing-praybeyt-benjamin" data-desc="Vice Ganda reveals upcoming movie with Coco Martin." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/689375559.jpg"> Amazing Praybeyt Benjamin" data-url="https://www.pep.ph/news/47256/vice-ganda-grateful-for-415-million-in-15-days-ticket-sales-of-amazing-praybeyt-benjamin" data-desc="Vice Ganda reveals upcoming movie with Coco Martin." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/689375559.jpg"> Amazing Praybeyt Benjamin" data-url="https://www.pep.ph/news/47256/vice-ganda-grateful-for-415-million-in-15-days-ticket-sales-of-amazing-praybeyt-benjamin" data-desc="Vice Ganda reveals upcoming movie with Coco Martin." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/689375559.jpg"> Amazing Praybeyt Benjamin" data-url="https://www.pep.ph/news/47256/vice-ganda-grateful-for-415-million-in-15-days-ticket-sales-of-amazing-praybeyt-benjamin" data-desc="Vice Ganda reveals upcoming movie with Coco Martin." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/689375559.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN