Nash Aguas on co-star Alexa Ilacad: “Crush ko siya, may crush din siya sa akin.”

Bagito stars Nash Aguas (in photo) and Alexa Ilacad have set limits on their relationship: “Crush namin ang isa’t isa, pero alam naman kasi namin yung limit so, hindi talaga kami lumalagpas doon.”


Labis ang kasiyahan at pasasalamat si Nash Aguas dahil sa malaking tagumpay na tinatamasa ng pinagbibidahan niyang Primetime Bida teleseryeng Bagito, na handog ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment Television. Bukod kasi sa paghataw sa ratings ay araw-araw ding trending topic sa social media ang Bagito pati na rin ang mga bida nitong sina Nash, Alexa Ilacad, at Ella Cruz.

Sa thanksgiving presscon ng Bagito na ginanap kahapon, Enero 9, sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound, sinabi ni Nash na hindi niya ine-expect ang big success ng Bagito, lalo na nga’t inamin niyang ito ang kauna-unahang title role na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN.

“Ako po, una po, iba po yung level ng saya ko nung talagang nag-rate po at tinangkilik po yung Bagito.

“Kasi simula po noong bata ako, hindi po ako nagkaroon ng teleserye, so thankful po ako sa Bagito.

“Una po, nung sinabi sa akin na yung role ko ay batang ama, sobra po ang kaba ko, kasi first ko siya at medyo controversial pa nga po so hindi ko alam kung tatanggapin ng tao.

“So nung tinanggap ko, parang sobrang relief and sobrang saya at parang nagulat ako.

“At yung lahat ng pagod ko at pagod naming lahat sa set ay talagang sulit po. Kaya sobra-sobrang saya and thankful po ako,” lahad ni Nash nang matanong siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang dating sa kanya ng tagumpay ng Bagito.

Ikinatuwa rin ni Nash ang ibinalita ng Dreamscape na pagkakaroon ng Bagito Hangout, isang online forum na magbibigay gabay sa TV viewers, lalo na sa mga kabataang tumatangkilik sa show.

Makikipagtulungan ang Bagito sa Center for Family Ministries (CEFAM) para sa pagbubukas ng Bagito Hangout, kung saan maaaring magtanong at humingi ng payo ang netizens sa counselors ng CEFAM. Ito ay magsisimula na sa Enero 19, mula 6:30 p.m. hanggang 7:30 p.m. sa http://bagito.abs-cbn.com/hangout.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CRUSH ON ALEXA. Isa sa mga tinatangkilik ng mga manonood at fans ng Bagito ang loveteam nina Nash at Alexa. Sa kanilang interviews sa TV at sa press, inamin nila na crush nila ang isa’t isa.

Ang tanong tuloy ng PEP kay Nash ay kung nakakatulong ba sa kanilang kilig na eksena sa show na may mutual admiration sila ni Alexa?

Ani Nash, “Siguro dahil magkaibigan na kami dati and sobrang close kami ngayon, para kasing wala na kaming ilangan.

“Lahat ng ginagawa naming scenes na ipinapalabas po ngayon— yung mga kilig-kilig—actually, nakaka-enjoy po siyang gawin. Nakakatuwa po siyang gawin.”

Ano ang mga nagustuhan niya kay Alexa kaya niya naging crush ang ka-loveteam?

Lahad niya, “Sobrang mabait and maalaga. Kasi minsan, pag lagi kaming magkasama, halos araw-araw po, 'di ba?

“Minsan parang nagiging pangalawang nanay ko na nga iyan na minsan pinapagalitan niya ako, ganun, sa mga bagay-bagay. Caring siya.”

Dahil espesyal si Alexa sa kanya, paano niya ito inaalagaan?

“Siyempre ayoko siyang nalulungkot.

“Minsan kasi nalulungkot siya pag may problema, ako yung laging nandiyan. Tapos lagi ko siyang ina-advise-an kasi medyo emotional din si Alexa so kailangan niya talaga ng gabay.

“Hindi naman gabay, pero kailangan niya ng katuwang. Halimbawa may problema siya, nandoon ako para tumulong at lagi akong nag-a-advise na pabayaan mo na lang kung may mga bashers. Ako yung nandoon,” pagmamalaki niya.

NOT IN A HURRY FOR A RELATIONSHIP. Bagama’t aminado sina Nash at Alexa na crush nila ang isa’t isa, hindi naman daw sila nagmamadali para magkaroon ng relasyon.

Paliwanag pa niya, “Actually, kami, ang treatment namin sa isa’t isa, hindi naman yung boyfriend-girlfriend, more as best friends kasi. Yun ang talagang nagpi-fit sa ano [edad] namin.

“Hanggang doon lang muna talaga kasi, bata pa nga kami parehas. So, nagkakatulungan po kami pagdating sa teleserye, kahit sa career at sa personal, nagtutulungan po kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon kasi ay 14 years old pa lang si Alexa habang 16 naman si Nash.

Pero ano talaga ang nararamdaman niya for Alexa?

Deklara niya, “Crush ko siya, may crush din siya sa akin. Sa ngayon, ayoko munang i-entertain iyon. Pero nandito naman ako lagi para sa kanya.”

Sa presscon, sinabi ni Alexa kay Nash na “Gusto kita!” Ano ang reaksyon niya rito?

“Natutuwa ako kasi… ewan ko, nagugulat na lang ako minsan sinasabi niya bigla-bigla yung mga ganung bagay, e.

“Pero actually, yun lang naman talaga yun and natutuwa ako.

“Alam naman namin na crush namin ang isa’t isa, pero alam naman kasi namin yung limit so, hindi talaga kami lumalagpas doon,” pahayag ng Kapamilya teen star.

BIDING THEIR TIME. So handa siyang maghintay hanggang nasa tamang edad na si Alexa?

“Opo naman,” pagkumpirma nito.

Hanggang sa mag-18 na si Alexa?

Mabilis niyang pahabol, “Oo, ako nga kahit hanggang 21 kaya naman, e.”

Ano naman ang masasabi niya sa hula ng isang psychic sa episode ng The Buzz kamakailan na magkakatuluyan daw sila ni Alexa pero hindi ngayong taon?

Pagsang-ayon niya, “Feeling ko, tama naman po iyon kasi hindi naman talaga puwede ngayon. Pero kung saka-sakaling kami talaga, e 'di malay mo, 'di ba? Kahit ilang taon pa iyan, kung kami talaga.”

Paano sinusuportahan ng parents nila ang understanding nila ni Alexa?

“Siguro po kasi kilala na nila kami.

“Kilala na ako ng mommy ni Alexa simula noong bata pa kami and alam niya namang wala akong masamang intensyon.

“Magkaibigan na kami ni Alexa simula noong bata, so parang ganun pa rin hanggang ngayon and wala namang nag-iba, mas lalo lang naming sinusuportahan ang isa’t isa.”

Nagkaka-crush pa ba siya sa iba?

Ani Nash, “Ngayon po? Hindi po, e.”

So, si Alexa lang?

“Opo,” pangwakas niyang lahad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN