Coco Martin on the inspiration behind his idea for new movie with Vice Ganda: “Script ito ng buhay namin.”

Coco Martin reveals what inspired him to pitch the idea of having a movie with best friend Vice Ganda: “Napakarami na naming nakatrabahong artista, napakarami na naming nagawang pelikula, bakit ’di kami magsama sa isang pelikula? at naka-isip ako ng magandang konsepto para sa amin.”


Sa magkasabay na victory party ng Amazing Praybeyt Benjamin at Feng Shui kagabi, January 9, na dinaos sa 9501 resto sa ELJ Building ng ABS-CBN ay kinumpirma ni Vice Ganda na isang pelikula ang pagsasamahan nila ngayong taon ni Coco Martin.

Matalik na magkaibigan bago pa man parehong pumalaot sa mundo ng showbiz, malayo na ang narating sa industriya nina Coco at Vice, na parehong box-office hits ang mga pelikulang pinagbidahan nila sa katatapos na Metro Manila Film Festival 2014.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Coco, agad namin siyang tinanong tungkol sa upcoming project nila ni Vice, na siyang nagbalitang galing sa aktor ang konsepto.

“Excited, kasi bago...sabi ko first time ako gagawa ng totoong comedy 'tapos makakasama ko pa ang best friend ko.

“Saka ang maganda neto, malapit sa puso namin, kasi sabi ko nga, script ito ng buhay namin.

“Siyempre nacha-challenge ako kasi ngayon pa lang talaga ako gagawa ng comedy, ng ganung tema ng pelikula."

Ugali na raw ni Coco ang maging involved sa mga projects na kinabibilangan niya.

“Ganun naman talaga ako, sa bawat soap opera na ginagawa ko, gusto ko may partisipasyon ako.

“Napakarami na naming nakatrabahong artista, napakarami na naming nagawang pelikula, bakit 'di kami magsama sa isang pelikula?

"At naka-isip ako ng magandang konsepto para sa amin,” masaya niyang kuwento.

RARING TO DO COMEDY. Ayon pa rin kay Coco, bilang isang artista ay gusto niyang subukan ang iba’t ibang genre na lalong maghahasa sa husay niya sa pag-arte.

“Siyempre bilang isang artista, dapat iba-iba ang ginagawa mo. Sabi ko nga para kaming clay—kung paano mo kami i-mold, magiging ganun kami.

“Sabi ko nga nakagawa na kami ng horror movie, this time. gusto kong i-try ang comedy."

Kelan ang target release?

“Siguro by October kasi ako, wini-wish ko sana makagawa uli ako ng filmfest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pangarap ko, sana magawa ko ang Juan dela Cruz sa Metro Manila Filmfest 2015,” dagdag pa niya.

BEYOND EXPECTATIONS. Kumpirmado na umabot na sa 225 million ang kinita ng Feng Shui mula nung Araw ng Pasko, na siyang opening day.

Labis naman ang saya at pasasalamat ni Coco sa kinita ng pelikula lalo’t 'di niya inasahan na ganito ito kainit susuportahan ng publiko.

Masaya rin ang mahusay na actor sa naging samahan nila ni Kris Aquino. Mas lumalim daw ang pagkakaibigan nila.

“'Di ko ine-expect, ang ine-expect ko lang, makagawa ako ng isang horror movie. 'Di ko ine-expect na makakasali ito sa Metro Manila Filmfest.

“Masaya kasi sabi ko nga, 'di na katulad dati kasi siyempre nung bagu-bago pa lang kami magkatrabaho [ni Kris], medyo may ilangan, may kapaan.

“This time kasi, sa napakaraming pagsasama namin, sa maraming pagsubok na pinagdaanan namin, mas nakilala namin ang isa’t isa.

“Sabi ko nga, 'di lang kami magkasama bilang magkatrabaho pero parang talagang isang pamilya.

"Kahit horror ang ginawa namin, napakasuwabe, napaka-smooth ng samahan."

DEREK DESERVES THE AWARD. Nabahiran ng intriga ang nakaraang resulta ng 2014 MMFF kung saan kinuwestiyon ni Rina Navarro, producer ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo ang ilang nanalo.

Para kay Navarro, bukod sa Best Director at Best Screenplay na dapat napunta sa kanila dahil nanalo bilang Best Picture ang Bonifacio, dapat ay nanalo rin daw sina Robin Padilla at Vina Morales bilang Best Actor at Best Actress.

May ilan namang nagsasabi na dapat daw ay si Coco ang nanalo bilang Best Actor dahil mahusay nitong naitawid ang role niya.

Naniniwala naman si Coco na deserving si Derek sa tinanggap na award.

“'Di naman, sabi ko nga sanay akong lumaban, kumbaga iba-iba ang panlasa ng mga Pilipino.

“Honestly, 'di ko napanood ang pelikula nila. Naririnig ko na isa sa magagandang pelikula ang English Only Please at para sa akin, deserving si Derek,” pagpuri niya sa TV5 star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOVIE WITH TONI. Na-feature sa December issue ng YES! magazine ang bahay ni Coco.

Marami ang nalula at humanga sa laki at ganda ng bahay ng aktor. Marami tuloy ang nagkomentong kulang na lang daw ay ang babaeng ipapanhik niya sa kanyang dream house.

Natatawa niyang sagot, “Hahaha! Medyo.

“Dati pa, lagi akong tinatanong, 'Di pa ba tapos ang bahay mo, bakit napakatagal?'

"Sabi ko nga talagang pinaghandaan ko ito, pinangarap ko ito para sa pamilya.”

May gagawin daw silang pelikula ni Toni Gonzaga kaya magiging abala siya.

“Sobra, at least this time, romcom [romantic comedy] naman, iba rin.

"Nakakatuwa, sabi ko nga sobrang blessed and nakakatuwa kasi pinagkakatiwalaan ako ng Star Cinema na gumawa ng mga proyekto,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN