Ella Cruz levels up with more mature image: “Ayaw ko pong sabihing super sexy; medyo sexy lang po.”

Known for her sweet image all throughout her teen years, Ella Cruz feels she’s ready to take on more mature and sexier roles: “Siguro po, I think it’s time na rin kasi 18 na ako. Kahit paano may level-up. Hindi yung palaging pa-sweet lang.”


Hindi raw sasabak si Ella Cruz sa todong pagpapa-sexy lalo’t mataas ang viewership ng serye nilang Bagito na pinagbibidahan din nina Nash Aguas at Alexa Ilacad.

College student na nabuntis nang maaga ang papel ni Ella sa serye at mukhang okay naman sa manonood ang pagpu-portray niya ng karakter ni Vanessa Bueno sa soap.

Sa presscon ng Bagito kahapon, January 9, sa 9501 Resto, ELJ Building, nakasuot siya ng off-shoulder two-piece body-hugging dress.

Kaya naman itinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang program kung papunta na nga ba siya sa mature image?

Tugon ng young actress, “Hindi naman po siguro sexy. Medyo nag-tone down na nga po si Vanessa dahil nabuntis na siya. Less show na ng skin.

“And siguro po, I think it’s time na rin kasi 18 na ako. Kahit paano may level-up. Hindi yung palaging pa-sweet lang.

“Akala ko nga po maraming babatikos sa pagdadamit ko nang sexy. Nakita ko, mas marami pa palang natuwa 'tapos maraming nag-idol kay Vanessa na parang, 'Uy, ang ganda ng peg ni Vanessa!'"

Magiging ganun na ba ang wardrobe niya?

“Siguro po as long as nagra-run yung Bagito, kahit naman po sa ASAP, ganito na rin akong manamit.

"Siguro dun po nag-start at nakasanayan na rin ng tao na makitang ganito.”

Sadya bang mas medyo daring ang pananamit para mag-mature ka sa mga roles na gusto mong gawin?

“Hindi ko naman po intensyon talaga. Dahil lang naman sa Bagito kaya medyo ayun nga po, nag-sexy. Ayaw ko pong sabihing super sexy, medyo sexy lang po.

“Sinasabi rin naman po nila na, 'Nag-sexy ka na, pag nag-tweetums ka parang ang layo from Vanessa.'

“As long as okey pa, may limitasyon pa rin po talaga.”



SEXY, BUT NOT TOO DARING. Kung sakali bang bigyan siya ng title role na TV series ng ABS-CBN pero sexy ang tema, tatanggapin ba niya ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gaano ka-sexy po?” balik-tanong niya.

May kissing scene, may bed scenes?

“Ay, bed scenes? Sa ngayon po basta po sexy na maganda yung role, katulad nito [Bagito].

“Hindi ko naman po ito tinanggap dahil sa sexy. Tinanggap ko po ito dahil maganda yung role ko, kakaiba yung role ko at alam kong macha-challenge ko yung sarili ko.

“As long as maganda po yung role at kung kinakailangan ko pong gawin.

"Gagawin ko basta po may limitasyon,” paglinaw niya.

NEXT CRISTINE REYES? Sa tanong na ito, “Ay, matagal-tagal pa po 'yan siguro,”ang sagot niya.

Ayaw niya?

“Sa ngayon po, masyado pa pong maaga para mapunta sa gano'ng level agad,” pagklaro niya.

Pero babalik pa ba si Ella sa pagpapa-sweet? O sasabak nang tuluyan sa mga sexy characters?

“Gusto ko pa rin po ng pa-sweet pero mas gusto ko po ng challenging. Kasi po 'eto, nasimulan ko na po siya.

“Feeling ko kapag bumalik ako sa pa-sweet, maraming magsasabi na, 'Nagpa-sexy ka na. Bakit ka bumalik sa pa-sweet?'

“Yun nga po basta maganda yung role,” pagtatapos ng dalaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN