Frencheska Farr not worried about expiration of six-year contract with GMA this September

Frencheska Farr on expiration of her six-year contract with GMA Network this September 2015: “Kung gusto pa nila ako i-renew, walang magiging problema. Ikatutuwa ko po iyon. Kung nag-decide naman po sila na hindi na ako papirmahin ulit, maiintindihan ko naman po iyon.”


Mag-e-expire na sa September 2015 ang six-year exclusive contract ng Kapuso singer-actress na si Frencheska Farr with GMA Artist Center (GMAAC).

Pumirma si Frencheska sa GMAAC noong tanghalin siyang grand winner (together with Geoff Taylor) sa reality music competition program na Are You The Next Big Star? noong 2009.

Hindi pa naman daw iniisip ni Frencheska kung ano ang mga plano niya kapag nag-expire ang kanyang kontrata dahil matagal-tagal pa naman daw iyon.

Overall, satisfied naman daw siya sa pag-alaga ng Kapuso network.

“Wala naman po akong reklamo sa naging career ko with GMA-7.

“Aside sa nagkaroon ako ng chance na maging recording artist, kina-cast din nila ako sa mga teleserye.

“Tulad ngayon, kasama ako sa Second Chances. The last teleserye na ginawa ko was Binoy Henyo.

"And before that, I did One True Love, Kokak, Captain Barbell and Sana Ngayong Pasko.

“Pinapakanta rin po nila ako ng theme songs ng iba’t ibang teleserye, at tuluy-tuloy po ang pag-perform ko sa Sunday All Stars.

“Plus kapag may mga regional shows, parati po akong sinasama at sa mga events ng mismong TV station.

“Kaya in terms of exposure, okey naman po. Happy naman po ako,” ani Frencheska nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng primetime teleserye na Second Chances sa GMA Annex Building last January 6.

OPEN TO NETWORK'S DECISION. Nasa network naman daw ang desisyon kung papapirmahin pa siya ulit ng bagong kontrata pagkatapos ng anim na taon.

“Hindi ko nga namalayan na it’s been six years na pala.

“I was only 16 when I won sa Are You The Next Big Star? Now I’m 22 years old na.

"Parang ang bilis! Sa GMA-7 na ako nagdalaga talaga.

“Kung gusto pa nila ako i-renew, walang magiging problema. Ikatutuwa ko po iyon.

“Kung nag-decide naman po sila na hindi na ako papirmahin ulit, maiintindihan ko naman po iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro that is a sign na kailangan na nating gumawa na ng desisyon para sa career natin,” diin pa niya.

FOCUS ON SINGING. Kung sakaling hindi naman daw i-renew ang kontrata ni Frencheska, okey rin daw na maging freelancer siya.

May mga nabuo na rin siyang mga connections na puwede siyang matulungan sa kanyang singing career.

“Gusto ko pong mas mag-focus talaga sa pagkanta.

“More than being an actress, first love ko talaga ang singing.

“I want to produce my own album with songs na ako ang magsusulat at gusto kong awitin.

“Iba rin po kasi ang feeling na iyong-iyo yung inaawit mo.

“I also would like to do musical theatre. I did Grease noong 2013 at nag-enjoy akong gawin iyon,” dagdag pa niya.

AUDITION FOR INTERNATIONAL MUSICALS. Nasa plano rin ni Frencheska na mag-audition para sa mga international musicals.

Kung matatandaan ay isa si Frencheska sa pinagpilian para sa role na Gigi Van Tranh noong nagpa-audition dito sa Pilipinas para sa pagbabalik-entablado ng Miss Saigon sa London. Si Rachelle Ann Go ang napili para sa role na iyon.

Gusto ring gumawa ulit ni Frencheska ng isang film musical tulad ng pinagbidahan niyang Emir noong 2010 na dinirek ni Chito Roño.

“Marami po tayong mga plano for this year, pero depende po kasi sa mangyayari when my contract expires.

“Kaya habang may trabaho na binibigay pa ang GMA-7, tanggap lang po tayo nang tanggap ng blessing,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN