Miriam Quiambao talks about her second marriage and baby plans: “God willing sana within this year."

Miriam Quiambao on the best part of being Mrs. Ardy Roberto: “When the Lord gave me the man who I truly deserve to be with for the rest of my life—everything changed for the better. Iba talaga ang peace at kasayahan na madadama mo kapag kasama mo na ang taong tunay na nagmamahal sa iyo.”


First primetime teleserye ng former beauty queen-turned-TV personality na si Miriam Quiambao ang Second Chances sa GMA-7.

Noon pa raw siya inalok na gumawa ng teleserye pero si Miriam ang tumatanggi dahil mas linya raw niya ang maging TV host.

“Ever since naman noong mag-start ako sa GMA-7 via Unang Hirit in 1999, they have been offering me to act sa mga drama series.

“But during that time kasi, hindi pa ako ready umarte. I felt na hindi naman ako artista, but more of a TV host.

“Kaya more on hosting talaga ang ginawa ko with them.

“Now, after all these years at nasubukan ko na rin na lumabas sa teleserye like Kung Tayo’y Magkakalayo sa ABS-CBN and Bangis sa TV5, okey na rin tanggapin ko na itong role sa Second Chances.

“It’s a different thing naman because my last show was a comedy show, yung The Jose and Wally Show starring Vic Sotto sa TV5.

“And it’s like my comeback na rin in my original home. The last show I did with GMA-7 was 100 % Pinoy noong 2008 pa.

“Kaya I am very thankful that I am back working as a Kapuso, pero this time ay aktres naman tayo for a change,” kuwento ni Miriam nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Second Chances last January 6 sa GMA Annex Building.

HONORED TO WORK WITH DIREK LAURICE. Ang isa sa mga ikinatuwa ni Miriam sa pagtanggap niya ng teleserye na Second Chances ay ang pagkakataong makatrabaho ang award-winning actress and film director na si Ms. Laurice Guillen.

“It’s an honor for me to work with somebody like Direk Laurice.

“I’ve seen her films and her body of work is so amazing.

“So it makes me proud to say that I have worked with Direk Laurice who is a highly-respected figure in the entertainment industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She’s very strict on the set and that is good. Lahat kami ay may natututunang bago sa kanya each taping day,” pagmamalaki niya.

HAPPILY MARRIED. Kinumusta namin si Miriam at ang kanyang pagiging misis ulit.

Kinasal si Miriam noong March 2014 kay Eduardo “Ardy” Roberto, Jr.

Ito ang ikalawang marriage ni Miriam pagkatapos ma-annul ang kanyang kasal kay Claudio Rondinelli noong 2006.

“Everything is good. Life can only be better if you are with the man you truly love.

“I thank God for giving me Ardy. I never thought I would be this happy again.

“But when the Lord gave me the man who I truly deserve to be with for the rest of my life—everything changed for the better.

“Iba talaga ang peace at kasayahan na madadama mo kapag kasama mo na ang taong tunay na nagmamahal sa iyo,” ngiti pa ni Miriam.

BABY PLANS. Nasa planning stage na raw ang pagkakaroon nila ng anak. Pinagdarasal ni Miriam na sa taong ito siya mabubuntis.

“God willing sana within this year.

“Pero kailangan ko pa munang magpapayat!” tawa pa niya.

“Medyo tumaba tayo nitong nakaraang Christmas and New Year. Konting exercise at diet, I think babalik na ulit ako sa dati kong weight.

“In-enjoy namin ni Ardy ang holidays with our families kaya naparami ang kain natin,” pag-amin niya.

BETTING ON MJ. Hiningan nga namin ng comment si Miriam tungkol sa ating Miss Philippines na lalaban sa Miss Universe na si Mary Jean “MJ” Lastimosa.

Naging 1st runner-up si Miriam sa 1999 Miss Universe. Ano sa tingin niya ang chances ni MJ?

“I’ve met MJ before. I think three times na siyang sumali sa Bb. Pilipinas pageant before she got the title.

“I really find her so beautiful. Malakas ang dating niya.

“And she speaks so eloquently at maganda ang pagdala niya sa sarili niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That is good because what you really need is confidence. Yun ang magdadala sa ‘yo throughout the competition.

“Huwag lang mawala ang confidence niya and she will do fine.

“Let’s all pray that MJ makes it para naman meron na tayo ulit na Miss Universe,” panalangin ni Miriam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN