Stalker claiming to be Eddie Gutierrez’s son arrested

by Arniel C. Serato
Jan 11, 2015
Nabulabog ang pagtulog ng pamilya Gutierrez (L-R Eddie, Annabelle, Ruffa) nuong Enero 9, dahil sa isang diumano’y stalker na pumunta sa kanilang bahay. Matapos ang agarang aksyon ng barangay at mga security guards ng White Plains subdivision, naaresto kaagad ng mga ito ang nasabing stalker na nagpakilala pang anak umano ni Eddie Gutierrez.

Hindi na magsasampa ang pamilya Gutierrez ng anumang reklamo laban sa diumano’y stalker ng kanilang pamilya na si John Miles Cunato, 21, mula sa Bataan.

Ito ay matapos na nakapuslit at nakapasok ng White Plains subdivision si Cunato maghahatinggabi ng Biyernes, January 9, kung saan nakatira ang pamilya Gutierrez.

Sa pamamagitan ng CCTV (closed-camera circuit television), nakita ng mga guwardiya ng subdibisyon na naglalakad si Cunato malapit sa bahay nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez. Ayon sa CCTV video, naibato na raw ni Cunato ang kanyang tatlong bag sa loob ng bakuran ng pamilya Gutierrez.

Ayon sa report ng DZMM, kabilang sa mga laman ng bag ay ang PhilHealth ID card ni Cunato.

Hinarap diumano ni Annabelle ang nasabing stalker sa barangay hall at inalok ng pero. Tumanggi raw ito dito.

Ayon pa sa ulat, kini-claim daw ni Cunato na anak siya ng asawa ni Annabelle na si Eddie Gutierrez.

Continue reading below ↓


RUFFA FEARS FOR FAMILY’S SAFETY. Kasunod naman nito ang ang sunud-sunod na tweets ni Ruffa Gutierrez tungkol sa insidente.

Nagpasalamat din siya sa agarang aksyon ng barangay at security ng White Plains sa pagkahuli ng naturang stalker.

Narito ang mga tweets ni Ruffa:

Sleepless night. Something strange happened that left me wide awake fearing for my family's safety. It's the kind of world we live in today.

— Ruffa Gutierrez (@iloveruffag) January 10, 2015

Imagine getting woken up from a deep sleep by a frantic @annabellerama2 telling me that a stalker has been trying to enter our village! 😳

— Ruffa Gutierrez (@iloveruffag) January 10, 2015

Village guards have been refusing the stalkers entry for three days now but last night, "nakapuslit yung mama!" 😳 (Using my moms words).

— Ruffa Gutierrez (@iloveruffag) January 10, 2015

When the stalker finally found our home, he threw 3 big, black bags over our 12 foot gate! 😳It had his personal belongings including his ID!

— Ruffa Gutierrez (@iloveruffag) January 10, 2015

Nakakatakot!! Imagine if there was a bomb inside!! 😳After being glued to @CNN watching the terrorist attack in Paris you'll never know!

— Ruffa Gutierrez (@iloveruffag) January 10, 2015

Bags were sent back to the barangay for investigation & thank God for CCTV the stalker was caught while climbing over a neighbors gate!

— Ruffa Gutierrez (@iloveruffag) January 10, 2015

Now the stalker is being held at the barangay & claiming to be my dad's 21 year old son!!! 😳This story is getting weirder by the minute!

— Ruffa Gutierrez (@iloveruffag) January 10, 2015

Thank you to the barangay & security of White Plains, Quezon City for acting immediately and for resolving this situation. Safety first!!

— Ruffa Gutierrez (@iloveruffag) January 10, 2015

We should always take precaution wherever we go but also make sure that our homes are protected. Be safe everyone & always pray! 🙏🙏🙏

— Ruffa Gutierrez (@iloveruffag) January 10, 2015
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nabulabog ang pagtulog ng pamilya Gutierrez (L-R Eddie, Annabelle, Ruffa) nuong Enero 9, dahil sa isang diumano’y stalker na pumunta sa kanilang bahay. Matapos ang agarang aksyon ng barangay at mga security guards ng White Plains subdivision, naaresto kaagad ng mga ito ang nasabing stalker na nagpakilala pang anak umano ni Eddie Gutierrez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results