Winwyn Marquez makes it to list of official candidates in Binibining Pilipinas 2015

Winwyn Marquez, daughter of Joey Marquez and Alma Moreno, is among the 34 official candidates of the Binibining Pilipinas 2015. Othe pageant-placers who made it to the official list are: (Inset, from top) Pia Wurtzbach, Ali Forbes, and Hannah Ruth Sison.


Pasok ang anak nina nina Joey Marquez at Alma Moreno na si Winwyn Marquez sa listahan ng 34 official candidates ng Binibining Pilipinas 2015.

Ginanap sa Balay sa Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City ang final screening nitong Sabado, January 10.

Dati nang ipinahayag ng 21-taong-gulang na Kapuso actress sa mga panayam, na interesado siyang sumabak sa isang beauty pageant.

Read: Wyn Marquez determined to become a beauty queen but “marami pa akong kailangang pag-aralan..."

Nitong January 9, sinabi ni Winwyn sa kanyang Twitter account, na ginawa niya ang kanyang “wildest” decision. Kung anuman ang kalalabasan nito, ang importante raw ay sinubukan niya ito.

Samantala, ilan pa sa mga kilalang personalidad na sumubok at nakapasok sa prestigious local beauty pageant ay sina Pia Wurtzbach, Ali Forbes, at Hanna Ruth Sison.

Sina Hannah at Pia ay sumubok din sa nasabing beauty pageant noong 2013 at 2014.

Finalist si Pia sa Binibining Pilipinas 2013 at 2014, habang itinanghal namang 2nd runner-up si Hannah noong 2014.

Si Ali Forbes naman ay 1st runner-up sa Binibining Pilipinas 2012 at naging 3rd runner-up sa Miss Grand International na ginanap sa Bangkok, Thailand noong December 19, 2013.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN