Onemig Bondoc explains why he wants sole custody of kids: "I will do everything and anything to protect my children."

Onemig Bondoc explains why he decided to separate from his wife, Valerie Bariou: “Siya gusto niya, yung siya lang sa mundo niya, gusto niya siya lang ang puwedeng magkamali. Pero yung mga tao sa paligid niya, dapat hindi magkamali. So iyon yung rason kung bakit hindi ko na kinaya at nakipaghiwalay na ako sa asawa ko.”


Ayon sa report ng Startalk kahapon, Sabado, January 10, dumulog ang dating matinee idol na si Onemig Bondoc sa Quezon City Hall of Justice upang hingin ang solong kustodya sa dalawa nitong anak sa kanyang estranged wife na si Valerie Bariou, isang French-Filipina model at part-time actress.

Early 2007 nagkakilala ang dalawa at noong taon ring iyon isinilang ang una nilang anak.

Ikinasal naman sila noong December 2009.

Pitong taon na ngayon ang panganay nilang anak na babae na si Armel at isang taong gulang naman ang kanilang bunsong anak na lalaki na si Anton.

Si Valerie ay pinag-usapan dati, dahil siya ang naging body double ng Hollywood actress na si Rachel Weisz noong nag-shooting sa Maynila ang cast at crew ng pelikulang The Bourne Legacy para sa ilang piling eksena.

September 2014 nang kumpirmahin ni Onemig na hiwalay na sila ng kanyang misis. Pero sa panayam sa kanya ng Startalk, inamin nitong noong October 2013 ay hindi na sila nagsasama.

'WE CAN'T MEET HALFWAY.' Ayon pa sa salaysay ni Onemig, “I’m doing this for my kids dahil sobrang mahal ko ang mga anak ko. Feeling ko hindi siya [Valerie] capable of taking care of our kids.

“We cannot meet halfway. We just can’t meet halfway.

“It’s because, wala... for her it’s her way or the highway.

“Siya, gusto niya, yung siya lang sa mundo niya, gusto niya siya lang ang puwedeng magkamali. Pero yung mga tao sa paligid niya, dapat hindi magkamali.

“So iyon yung rason kung bakit hindi ko na kinaya at nakipaghiwalay na ako sa asawa ko.

“Actually ano, pinalayas niya ako sa condo ko, sa condo namin na ako mismo ang nagbabayad lahat.

“Siya ang nagpalayas sa akin 'tapos hinihintay kong siya ang magpakumbaba pero nag-file siya ng annulment.”

Ayon naman sa abugado ni Onemig na si Atty. Cornelio Samaniego III, nais ng kanyang kliyente na makuha ang sole custody ng kanilang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So we filed a sole custody with a prayer for Temporary Protection Order, hindi siya puwedeng lumapit.

“Kasi para yung mga bata, hindi niya maimpluwensiyahan.”

WITH HIS KID'S CONSENT. Sa ngayon ay nasa poder ni Onemig ang dalawa nitong anak. Tiwala ang aktor na papanigan ng korte ang isinampa nilang kaso.

“Kaya ko ginagawa ito dahil tinanong ko ang anak ko, sinabi ko pa sa kanya, ‘Armel, do you want Papa to stop this?’

“Sabi niya, ‘If Papa stops this, Mama will have control over you. No Papa, you go, you go! You fight! You fight, Papa!’

“Sabi ko, ‘Armel, why don’t you stay na lang with Mama? ‘You know what, Papa? Mama has no job. Mama has no money. She cannot afford to take care of us.’

“The mere fact na nagsabi ang isang bata ng ganun, e, talagang gusto niya talaga sa amin. Alam niya, mas kaya namin siyang alagaan.”

Tinangka ng Startalk na kunin ang panig ni Valerie, nguni’t hanggang ngayon ay wala pa itong inilalabas na pahayag hinggil sa kinakaharap na asunto.

MESSAGE FOR VALERIE. At ang mensahe ni Onemig para sa dating asawa…

“Alam mo Val, I’ve already talked to you many times but you really don’t want to meet halfway. I don’t really wanna do this but it seems that you really want this, and you’re forcing me do it.

“So I’ll guess I’ll just see you in court.

“And as a father, I will do everything and anything to protect my children.

“Sana hindi na dumating sa ganito, but now it’s too late.

“So I’ll just see you in court.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN