Chynna Ortaleza on being a loyal Kapuso: “They’ve loved me so I love them in return.”

Chynna Ortaleza on her 13 years with GMA Network: “E, kasi naman po, yung pagmamahal nila sa akin. Hindi ko naman talaga, kumbaga, made-deny yun, na for 13 years, the network has supported me. And they have understood the type of artist I am since I was a young child hanggang sa nag-mature ako into the actress that I am now.”


Hindi raw nagsasawa si Chynna Ortaleza na maging kontrabida sa pelikula o sa mga programa sa telebisyon.

Saad niya, “Actually, yung last year naman po kasi, meron akong variation of roles, from sa movies, ganyan, parang hindi naman po lahat yun kontrabida, e.”

Sa upcoming drama series ng GMA na Second Chances ay kontrabida ang papel ni Chynna.

“Dito po sa Second Chances, yung pagka-explain talaga nila sa akin is, gray character po siya, very human. Actually, magsisimula siya na talagang mabait siya, mabait.

“Mabait siya na sister-in-law, mabait siya na kapatid,” detalye niya.

Na naging salbahe?

Pagklaro niya, “Hindi naman siya super naging salbahe.”

Sa trailer kasi ng Second Chances na ipinalabas noong presscon noong January 6 (sa GMA Network Center) ay tila maldita siya?

Paliwanag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi, kasi parang pinakita lang nila yung nangyari sa akin nung dumating yung bagong tao, na si Jennylyn, sa buhay namin.

“Kasi 'di ba parang okay na, e. Feeling niya plantsado yung mga buhay nila 'tapos biglang may bagong taong dadating.

“Nanibago siya.”

Sa Second Chances ay bida sina Jennylyn Mercado (bilang Lyra), Camille Prats (bilang Rebecca), Rafael Rosell (bilang Jerome), at Raymart Santiago (bilang Bernard).

Kasama rin dito sina Luis Alandy as Albert, Gerard Pizzaras as Jonas, Frencheska Farr as Penny, Roi Vinzon as Federico, Miriam Quiambao as Alyssa, Joshen Bernardo as Billy, Migs Cuaderno as Daryl, at si Chynna bilang si Coleen.

Eere na sa January 12, ang Second Chances ay sa direksyon ni Laurice Guillen.

Labintatlong taon nang contract artist ng GMA si Chynna.

LOYAL KAPUSO. Ano ang sikreto ng maraming taong pagiging loyal Kapuso niya?

Ayon kay Chynna, “E, kasi naman po, yung pagmamahal nila sa akin. Hindi ko naman talaga, kumbaga, made-deny yun; na for 13 years, the network has supported me.

“And they have understood the type of artist I am since I was a young child hanggang sa nag-mature ako into the actress that I am now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ano e, parang pamilya ko na talaga sila, the people here I've grown up with. So ako, 'pag may times din na siyempre hindi rin naman laging magandang panahon 'yan.

“May mga seasons na kailangan mo ding tanggapin na parang hindi yata medyo prime yung mga nangyayari sa akin, or hindi ako nabibigyan ng proyekto.

“Pero may ibang ibig sabihin kasi yun. Laging may reason for things like that.

“And ako kasi tinuruan din ako ng mama at papa ko na just to ano... kumbaga, to go with the flow and always pray that things will fall into place.

“And so far, things have fallen into place, you know. There’s no reason for me to leave the network yet because they have always given me a lot of good projects.

“And they’ve loved me so I love them in return.”

FREEDOM OF CHOICE. Wala naman daw masasabing masama si Chynna sa mga artistang umaalis sa network na pinagmulan nila at lumilipat sa iba.

“Walang kaso sa akin yun. Kasi siyempre everybody naman has the right to open themselves up to new opportunities. 'Pag nandito sila, 'pag hindi sila masaya, ibang kaso yun.

“Whereas ako naman kasi, I’ve always found happiness with the network.

“If a person, for example, doesn’t find the inspiration and happiness that she needs within one institution, she is always free to go and explore other options,” pahabol pa niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN