Rafael Rosell urges kids to read books and play sports: "It gives them a sense of freedom from all these gadgets."

Rafael Rosell observes that kids seem to have lost interest in reading books: “Kids nowadays, you see them hunched over their tablets and smart phones. It’s not healthy—for their eyes and their posture. Ako kasi, I grew up with books. I read a lot of books in school and at home. Iba ang nabibigay na aral ng real books. ’Tsaka iba yung may hawak kang libro and you turn the page.”


Isinusulong ng Kapuso leading man na si Rafael Rosell ang pagbabasa ng libro sa mga kabataan ngayon.

Napansin ng aktor na kaunti na lang sa mga kabataan ngayon ang nagbubuklat ng libro. Lahat ay nakatutok sa kanilang mga personal computers, smart phones at computer tablets at naglalaro ng mga games.

Iminumungkahi ni Rafael na muling ibalik sana ang interes ng mga kabataan sa pagbabasa ng mga aklat at ang pagiging aktibo sa sports at exercise, para tuluyang maiwasang malulong ang mga ito sa sedentary lifestyle, kunsaan halos buong araw lang silang nasa bahay at nakatitig sa kanilang mga gadgets.

“I really want to encourage the kids today to discover the joy of reading a book.

“Nakikita ko kasi, puro mga gadgets ang hawak nila. Reading cultivates not only their vocabulary, but also their imagination.

“Ako kasi, I grew up with books. I read a lot of books in school and at home. Iba ang nabibigay na aral ng real books. 'Tsaka iba yung may hawak kang libro and you turn the page.

“Kids nowadays, you see them hunched over their tablets and smart phones. It’s not healthy—for their eyes and their posture.

“They have to play sports for recreation. They have to interact with other kids at hindi lang sa mga video games sila nakatutok.

“There’s nothing like playing outside with other kids. It’s healthy and it gives them that sense of freedom from all these gadgets.

“I do hope parents would encourage their kids to go back to reading and doing sports,” panalangin ni Rafael nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Second Chances noong January 6 sa GMA Annex Building.

READING ADVOCACY. Kelan lang ay dumalo si Rafael sa Araw ng Pagbasa, isang storytelling activity for 80 kids sa Daang Tubo, Barangay UP Campus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maraming mga bata ngayon ang hindi marunong magbasa at malaking tulong nga sa kanila kung susuportahan ng gobyerno ang advocacy niyang ito.

“I believe in this advocacy. Literacy is very important.

“Reading not only provides entertainment, you can learn so much from books.

“Like what I said, iba yung feeling na may hawak kang libro at binabasa mo siya.

“There is a certain fulfillment that no high-tech gadget can ever give,” diin niya.

HAPPY KAPUSO. Last year ay nakadalawang taon na si Rafael bilang Kapuso. Happy nga siya at hindi naman daw siya nawawalan ng trabaho.

Simula noong pumirma siya bilang isang exclusive Kapuso star, lumabas na si Rafael sa mga seryeng Aso Ni San Roque, Temptation of Wife, Maghihintay Pa Rin, Indio, Genesis at The Borrowed Wife.

“What I enjoy most is that I’m not only acting in different teleseryes, I am also performing on Sunday All Stars.

“I get to dance, do martial arts, and show off my gymnastic skills.

“I am really a performer at heart and I love to show off my moves once in a while,” ngiti pa niya.

Kasama si Rafael sa malaking cast ng primetime teleserye na Second Chances kunsaan kasama niya sina Jennylyn Mercado, Raymart Santiago, at Camille Prats.

WORKING WITH DIREK LAURICE. Masaya rin si Rafael dahil unang pagkakataon niyang makakatrabaho ang award-winning actress and director na si Laurice Guillen.

“I am proud to be part of the cast of Second Chances because it’s such an honor and a great experience working with Direk Laurice.

“Direk Laurice is just like your teacher in high school na kinakatakutan mo kapag hindi ka nakagawa ng homework mo.

“When she calls you at hindi ka nakasagot sa mga tanong niya, you’ll get scolded.

“Nakakahiyang mapagalitan ka ni Direk Laurice, so as a good and obedient student, I always come prepared.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya on the set, I make sure I know all my lines, my blockings and the emotions she wants me to express in my scenes.

“She brings out the best in everybody on the set.

“She really is an actor’s director and we are so lucky to be working with her as our director in Second Chances,” pagmamalaki ni Rafael.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN