Mikael Daez remains elusive about real score with Megan Young

Mikael Daez on why he still can’t confirm his relationship with Megan Young: “Like I said, things still remain very constant with me and her. We’re friends still at the very least, but at the same time, any other questions after that statement, would be things I can’t confirm or deny at this point.”


Gaya sa nakalipas na sampung taon, simple ang pagdiriwang ng kaarawan ng Kapuso actor-host na si Mikael Daez.

“Usualy, kumakain lang sa bahay, nag-o-order ako ng pizza,” ani Mikael, na nagdiwang ng kanyang ika-27 kaarawan noong January 6.

Ngayong taon, tumapat ang kanyang kaarawan sa taping ng Ismol Family, ang sitcom sa GMA kung saan kasali siya, kaya naman gabi na raw siya nakauwi at nagdiwang kasama ang kanyang pamilya.

“Nagkape lang ako with my family, nag-enjoy-enjoy lang. Relax lang.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang bloggers si Mikael sa birthday event nila ni Kylie Padilla na inorganisa ng GMA Artist Center sa Pag-asa Elementary School, Bagong Silang, Caloocan City nitong Linggo, January 11.

Sundot na tanong ng PEP, nagkasama ba sila ng napapabalitang girlfriend niyang si Miss World 2013 Megan Young noong araw ng kanyang birthday?

Sagot ni Mikael, “No. Unfortunately not. I was taping for Ismol Family, then I got home after dinner na, so I had coffee lang with my family.”

Binati naman ni Megan si Mikael via her Instagram account kalakip ang kanilang larawang magkasama.

Inusisa ng PEP si Mikael kung 'out in the open' na ba sila ni Megan.

Ilang linggo na ang nakalilipas, parehong nag-post sina Megan at Mikael ng sweet photos nila via their respective Instagram accounts, na tila kumpirmasyon sa matagal nang usap-usapan na may namamagitan sa kanila.

Gayunpaman, sa pinakahuling panayam ni Mikael, tumanggi siyang kumpirmahin o i-deny ang kanilang relasyon.

Read: Mikael Daez on confirming his relationship with Megan Young: "I will let the photos speak for themselves."

Inulit ni Mikael ang naunang statement.

“I think my last statement was, 'I will not confirm nor deny anything,' so I have to stick to that for now. Sorry,” paghingi niya ng paumanhin.

Bakit?

“I guess it's just so happened na yun ang naging status quo namin ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, as things move along, as time goes by, I guess things change.

"So, I guess, eventually, time will change things. Baka umiba yung statement.

“I mean, it has already changed from the very beginning.”

Paniniyak pa niya, “Like I said, things still remain very constant with me and her.

“We're friends still at the very least, but at the same time, any other questions after that statement, would be things I can't confirm or deny at this point.”

Hindi kaya paraan ito upang mapanatili ang privacy sa kanilang 'relasyon'?

Ayon kay Mikael, “The thing is, I stand by the statement when it comes to me and her.

“I stand by the statement [amidst] whatever people see on Instagram or on Twitter, on social media.”

Samantala, abala ngayon si Mikael iba't ibang proyekto niya sa GMA gaya ng Ang Lihim Ni Annasandra, Ismol Family, Bubble Gang, at ang food segment niya sa late-night news program na Saksi na "Midnight Express."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN