Sen. Jinggoy Estrada slams report about cash, check deposits linking him to Napoles

Senator Jinggoy Estrada denies alleged dubious bank transactions with Juan Ng and Francis Yenko, who allegedly acted as conduits of the embattled senator. “Any supposition that they acted as my conduits in the alleged PDAF scam is mere speculation,” says the detained senator.


Inalmahan ni Senator Jinggoy Estrada ang alegasyong tumanggap daw siya ng P156.625 million bilang komisyon mula sa itinuturong pork barrel mastermind na si Janet Lim-Napoles.

Kaugnay ito ng ulat kung saan tinukoy sina Juan Ng at Francis Yengco bilang tagapamagitan diumano ng senador sa pakikipagtransaksiyon ng huli kay Napoles.

Read: Senator Jinggoy Estrada's alleged dubious bank transactions being linked to Janet Lim-Napoles

Mariing itinanggi ni Senator Estrada na nakipagsabwatan siya kina Ng at Yenko upang magkamal ng pondo mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Si Ng ay may-ari ng negosyong may kinalaman sa steel roofing, habang si Yengco naman ay kasalukuyang pinuno ng General Services Office sa Manila.

Pahayag ni Senator Estrada, “First of all, as I have repeatedly mentioned before, I never authorized anybody, Mr. Ng, Mr. Yengco, or whoever to transact with my PDAF.

“So whatever transactions that they may have, if they have any, I have nothing to do with it.

“Any supposition that they acted as my conduits in the alleged PDAF scam is mere speculation.”

Base ito sa ulat na nailathala sa ABS-CBN News Online ngayong araw, January 12.

Kinuwestiyon din ni Senator Estrada ang ulat kung saan nabanggit ang tungkol sa opisyal na dokumentong naglalaman ng bank transactions ng senador at pati na rin ni Napoles, mga sangkot na non-government organizations (NGOs), at mga natukoy na conduit ng senador.

Naniniwala si Senator Estrada na posibleng galing ang naturang impormasyon sa report ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), gayong hindi pa ito pormal na naisusumite bilang ebidensiya sa Sandiganbayan.

Sa kabila ng mga alegasyong ibinabato laban sa kanya, naninindigan ang senador na wala siyang kinalaman sa kontrobersiyal na pork barrel scam.

Iginiit din niyang nabanggit sa mismong ulat na walang natukoy na direktang pagdeposito ng pera sa pagitan niya at ni Napoles.

Pahayag pa ni Senator Estrada, “As the prosecution has so far presented zero concrete evidence against me during the course of the six-month bail proceedings, they now resort to black propaganda and unfair media tactics to make it appear that the evidence against me is overwhelming – when in fact and in truth there is none!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patunay raw ng “black propaganda” laban sa kanya ay ang isinagawang imbestigasyon ng Office of The Ombudsman, kung saan hindi siya nabigyan ng pagkakataong masuri ang mga ebidensiyang inihain laban sa kanya.

“We were not given the opportunity to rebut the allegations and we were not given copies of the affidavits or testimonies of the co-respondents or witnesses which were then used as basis to finding probable cause against us and to elevate the case before the Sandiganbayan,” dagdag na pahayag ng senador.

Si Senator Estrada ay nahaharap sa kasong plunder at kasalukuyang nakaditena sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN