Richard Yap stars in new teleserye; not expecting to surpass success of BCWMH

Richard Yap hoping for "new, better things" in 2015: “I hope I can showcase more of myself in 2015 and, I guess, we started it by doing Amazing Praybeyt Benjamin. So, hopefully, itong teleserye na gagawin ko ngayon, iba naman ang makikita ng tao.”


Ngayong tapos na ang Be Careful With My Heart, na tumagal sa ere ng mahigit dalawang taon, magsisimula na si Richard Yap ng panibago niyang teleserye sa ABS-CBN ngayong Pebrero.

Tiniyak ng Kapamilya actor na kakaiba ang role niya rito kumpara sa pagganap niya bilang Ser Chief.

Pahayag ni Richard sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Medyo iba namang role na ito, may drama na siya para maiba naman.

“Preparations? Sa ngayon, wala pa.

“We’re doing screen tests pa lang... wala. Hindi pa kumpleto yung cast.”

Inaasahan ba niyang tumagal din ng dalawang taon sa ere ang bago niyang show?

Sagot niya, “I don’t think we can duplicate Be Careful With My Heart.

“I just hope that maganda ang reception ng mga tao.

“I just hope na magugustuhan ng mga tao itong bagong teleserye namin.”

Kung si Richard ay may gagawing bagong teleserye, ang kanya namang kapareha sa Be Careful With My Heart na si Jodi Sta. Maria ay gaganap sa iconic role na Amor Powers sa remake ng Pangako Sa ‘Yo.

Kumpiyansa si Richard na magagampanan nang mahusay ni Jodi ang bagong role na ipinagkatiwala rito ng Kapamilya network.

“I’m sure Jodi will do really well with her role kasi magaling namang mag-adapt si Jodi into any situation or any role na ibinigay sa kanya.

“I’m sure she will pull it off very successfully,” sabi niya.

Nakausap ng PEP si Richard sa double thanksgiving party para sa Metro Manila Film Festival entries na The Amazing Praybeyt Benjamin at Feng Shui 2 last week.

FRUITFUL 2014. Naging mabunga ang taong 2014 para kay Richard, kaya naman hiling niyang maging ganito rin kaganda ang takbuhin ng 2015 para sa kanya.

Saad niya, “2014 was a steady year for me ‘coz we’re doing Be Careful With My Heart.

“Hoping for new things, better things.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I hope I can showcase more of myself in 2015 and, I guess, we started it by doing Amazing Praybeyt Benjamin.

“So, hopefully, itong teleserye na gagawin ko ngayon, iba naman ang makikita ng tao.”

Speaking of Praybeyt Benjamin, masayang-masaya si Richard na napabilang siya sa cast ng pelikulang ito na tumabo na raw ng mahigit P415 million sa takilya at topgrosser sa MMFF 2014.

Aniya, “Siyempre tuwang-tuwa kaming lahat.

“Siyempre ako, first time ko dito at ‘di naman natin mae-expect na ganito kalakas ang The Amazing Pryabeyt Benjamin.

“Siyempre, we are all hoping it will reach or it will surpass yung first Pryabeyt Benjamin. We’re on track naman.

“We’re very thankful. Maraming-maraming salamat sa lahat ng sumuporta.

“Yung iba, hindi lang isang beses, yung iba, twice pinapanoood yung movie.

“Ang maganda dun, tuwang-tuwa naman sila sa pinapanood nila.

“At least we made them happy and they also make us happy because of the support they are giving us.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN