Kean Cipriano not closing his doors for possible reconciliation with Alex Gonzaga

Kean Cipriano on box-office and critical success of The Amazing Praybeyt Benjamin and English Only, Please: "As an actor, to be able to have a movie is like releasing an album. Para mapanood ng maraming tao, yung effort ng mga tao para magbihis, mag-ipon, mag-commute or mag-drive papunta sa mall, para maupo para panoorin ka for two and a half hours, sobrang saya ng pakiramdam na yun."


Hindi isinasara ni Kean Cipriano ang posibilidad na manumbalik ang nararamdaman nila ni Alex Gonzaga para sa isa’t isa.

Matatandaang naugnay noon ang dalawa nang magkatrabaho sila sa ilang proyekto ng TV5, at ngayon ay magkakasama silang muli sa TV remake ng ‘80s film na Inday Bote sa bakuran naman ng ABS-CBN.

Saad ni Kean, “I believe that me and Alex are genuinely friends sa lahat ng pinagdaanan namin.

“Kami yung tao na masasabi mo na… ako, sa akin, masasabi ko na importanteng parte ng buhay ko si Alex. Hindi ko makakaila yun.

“I am happy we are genuinely friends.

“I’m diving to the unknown, we really don’t know what will happen. I’m riding the waves.”

Sa ngayon ay wala raw girlfriend ang singer-actor.

“Single. I love hanging out with everybody…” sabi niya.

Ayon kay Kean, excited siyang muling makatrabaho si Alex.

“Excited kasi ito yung unang-unang major project ko with ABS-CBN.

“Ang teleserye, hindi siya basta-basta. I feel honored.

“I thank everybody. I thank, of course, the boss, all the people who got me to be part of Inday Bote.”

Dagdag niya, “It’s like diving to the unknown, ang dami naming pinagdaanan ni Alex.

“Yung mga shows na ginawa namin, ilang taon kaming nagsama, ‘tapos ngayon gagawa kami ng isa pa uling project.

“Ang sarap lang ng pakiramam na yung taong nakasama mo, makakasama mo uli.

“Kilala mo, ang kumportable, kaya excited ako na pagandahin yung project na gagawin namin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kean sa thankgiving party para sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF) entries ng Star Cinema na The Amazing Praybeyt Benjamin at Feng Shui 2, na ginanap sa ABS-CBN compound noong nakaraang linggo.

DOUBLE VICTORY. Dalawang pelikula ang kinabilangan ni Kean nitong nakaraang MMFF—ang The Amazing Praybeyt Benjamin at ang English Only, Please.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung ang Praybeyt Benjamin ang nanguna sa takilya, humakot naman ng awards ang English Only, Please.

Pahayag ni Kean tungkol sa tagumpay ng mga pelikulang ito, “I feel so good!

“It’s overwhelming, fulfilling, it’s inspiring, it’s humbling.

“To be part of a movie is a big deal for me.

“As an actor, to be able to have a movie is like releasing an album.

“Para mapanood ng maraming tao, yung effort ng mga tao para magbihis, mag-ipon, mag-commute or mag-drive papunta sa mall, para maupo para panoorin ka for two and a half hours, sobrang saya ng pakiramdam na yun.

“To be part of these two movies, yung approach ng mga tao sa akin, lahat related sa mga movies na ‘yan. Yung mga linya sa pelikula ang hinihirit sa akin.

“It’s priceless!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN