Kim Chiu on people who underestimate her talent: "I’ll prove you wrong. I can be what I am now."

Kim Chiu tells Philippine Entertainment Portal that her family keeps her grounded amidst the challenges that comes with being a celebrity. “Family is really family. Iwan ka na ng lahat, your family will always be there for you,” says Kim, who depicted Walt Disney’s Mulan for Disney Asia’s 2015 calendar shoot.


Dream come true para kay Kim Chiu ang gumanap bilang Mulan sa Disney Princesses 2015 calendar ng Disney Asia.

Ayon kay Kim, nagulat siya noong una niyang malaman ang tungkol sa naturang proyekto.

“Akala ko joke lang. 'Tapos pinabasa niya [Star Magic handler] sa akin yung e-mail.

“And it’s for Disney Southeast Asia. So, sobrang happy.

“It’s really a dream come true for me.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim sa media launch ng Disney Princess calendar na ginanap sa Makati Shangri-La Hotel ngayong araw, January 13.

Isa si Mulan sa paboritong Disney Princesses ni Kim dahil bukod sa pareho silang “chinita” ay pareho rin daw silang matapang at totoo sa sarili.

“Like her, I’m very determined in what I’m doing. And I’m very sure sa lahat ng bagay.

“I love my family. I love my dad.

"Yung pagiging courageous, kind, loyal, ganun,” sabi ni Kim.

Marami na ring pinagdaanang pagsubok sa buhay ang Kapamilya actress, kung saan madalas ay minamaliit daw ang kanyang kakayahan.

Ngunit sa halip na panghinaan ng loob ay pinili raw ni Kim na harapin kung anumang balakid o problema.

Lahad niya, “Way, way back, before PBB [Pinoy Big Brother] days, yung mga tita ko, they don’t believe in my talent.

“’Ay, mag-audition? Ay, hindi naman marunong ‘yan. Hindi ‘yan marunong kumanta, mahiyain ‘yan.’

“It’s also one thing na nilagay ko sa isip ko na, ‘One day, I’ll prove you wrong. I can be what I am now.’”


STRONGER FAMILY TIES. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na lumaki si Kim sa poder ng iba’t iba niyang kamag-anak, dahil bata pa lang siya ay naghiwalay na ang kanyang mga magulang.

Kaya naman hindi maikakaila ang kasiyahan ni Kim ngayong mas matibay ang samahan ng kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa katunayan, nagkaroon ng pagkakataon si Kim na makapiling ang ama niyang si William Chiu Jr. nito lang nakaraang linggo.

finally, dinner date with these three!!!!😊 HAPPY BIRTHDAY PAPA!!!!💗 @kamchiu @twinklechiu

A photo posted by Kim chiu (@chinitaprincess) onJan 5, 2015 at 6:02am PST

"Yeah, recently, it’s his birthday.

"Yun, nagkonting bonding time kami together, because last Christmas and New Year, nasa ibang family siya.

“So, on his birthday, nasa house siya. So we spent it together,” kuwento ng Star Magic artist.

Masaya si Kim dahil todo-suporta ang kanyang ama sa pag-aartista niya.

“Happy siya, proud siya, and alagaan ko lang daw yung health ko.

"Alam naman niya na I know what I’m doing."

Kahapon, January 12, lumipad naman papuntang Cebu si Kim upang dalawin ang puntod ng kanyang yumaong ina na si Louella Chiu.

Kuwento ni Kim tungkol dito, “I went back to Cebu to celebrate the birthday of my mom.

"Ang dami namin sa cemetery. Bonding lang, kuwentuhan.

"So, I get to spend time with my family."

Kung mayroon mang legacy na naiwan ang kanyang ina kay Kim, ito raw ay ang pahalagahan ang mga mahal niya sa buhay.

“Family is really family. Iwan ka na ng lahat, your family will always be there for you,” giit ng Kapamilya actress.

Hindi man perpekto ang kanilang pamilya, nagpapasalamat si Kim sa tuwing may pagkakataon siyang makasama ang kanyang mga kapatid at ibang kamag-anak.

“Mas stronger yung bond ngayon.

"Parang you feel safer. You feel at home.

“It’s a different environment from what I usually have every day.”

Happy Birthday Mama!!!❤️🙏 #family #cebu @kamchiu @twinklechiu @williamchiujr @jpchiu

A photo posted by Kim chiu (@chinitaprincess) onJan 12, 2015 at 2:58am PST


PROUD SISTER. Ibinahagi rin ng Kapamilya actress kung gaano siya ka-proud para sa kanyang bunsong kapatid na si JP Chiu.

Balak daw ni JP na mag-aral upang maging piloto habang nagtatrabaho sa Canada.

Kuwento niya, “Nakaka-proud kasi iniwan namin siya mag-isa dun with my uncle, para mag-work muna siya for one year.

“Nakahanap siya ng work. It’s three hours away from where my uncle lives.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, [natututo siyang maging] independent at nineteen years old.

"Nakaka-proud as his sister kasi he earns for himself, he cooks for himself, lahat na.

“Hindi na katulad dati na [sanay sa yaya at driver].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN