Janice de Belen reminds her daughters: "Once you hand over your virginity, that’s over."

Janice de Belen on her daughters having suitors and entering into romantic relationships: “Wala naman akong magagawa. Hindi ko naman sila maaawat. Hindi nga ako naawat ng mga magulang ko, ako pa ba ang aawat sa mga anak ko? Parang wala naman akong credibility sa puntong yun. Basta, sinasabi ko lang na, ’Mag-ingat. Kailangan huwag ibigay lahat.’”


Bilang isang ina, nakaka-relate nang husto ang aktres na si Janice de Belen sa tema ng kinabibilangan niyang bagong daytime series sa ABS-CBN, ang Oh My G!.

Tinatalakay kasi rito ang isyu ng mga kabataan, social media, family values, at koneksiyon sa Diyos.

Pahayag ni Janice, “Ano ba ang dapat kailangang gawin ng mga magulang, especially nowadays?

“Kung dati ang ang kalaban mo lang, kaibigan, barkada; ngayon, kalaban mo, social media, Internet.

“Maraming kalaban. So, it’s not that simple.

“So, this is somehow parents should deal with it… so very now.”

QUESTIONING GOD. May pagka-kontrobersiyal din ang Oh My G! dahil ang main character dito, na ginagampanan ni Janella Salvador, ay kinuwestiyon ang paniniwala niya sa Diyos matapos masawi ang kanyang mga magulang.

Sa kaso ni Janice, mayroon na bang pagkakataong naisip o nasabi niya sa sarili na 'God is nowhere'?

Tugon ng award-winning actress, “Ay, wala naman, wala namang ganun.

“Siguro, it’s common to anybody who goes through trials na… example, maiisip mo na…

“Hindi siguro ‘God is nowhere.’ Siguro yung, ‘Bakit ako? Bakit kailangang mangyari ito sa akin? Ano ba ang nagawa kong mali?’

“Yun lang ang common question. Hindi naman yung ‘God is nowhere.’

“Pero maraming beses ko nang naisip ‘yan… alam niyo na, maraming beses.”

THE CONVERSATION. Sa presscon ng Oh My G! kaninang tanghali, January 13, sa ABS-CBN compound, tinanong si Janella kung allowed na ba siyang magpaligaw o magkaroon ng boyfriend.

Sinagot niya ito at sinabing 16 years old pa lang siya at hindi pa niya ito iniisip.

Sinasabi rin daw ng kanyang inang si Jenine Desiderio na mag-focus muna siya sa kanyang career at i-enjoy ang pagiging dalaga niya.

Si Janice ay may mga anak na dalaga rin, kaya natanong siya kung paano niya pinagsasabihan ang mga anak tungkol sa posibilidad na ma-in love at magkaroon ng boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinasabi ko lang sa kanila na to think first na mahirap… ano ba?

“Censorable ba ang sasabihin ko or hindi censorable?” pakli ng dating child actress.

Sagot ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sabihin niya kung ano nasa kanyang puso.

Kaya pagpapatuloy ni Janice, “Yun, mag-ingat sila. Mag-ingat talaga.

“And, you know, I tell them… I told them this na, 'Once you hand over your virginity, that’s over.'

“Hinand-over mo na ang sarili mo para masaktan ka. ‘Di ba?”

“Totoo yun, ‘di ba?

“I’m very blunt with my kids kasi wala akong time na magpasikut-sikot.

“Kailangan ibigay mo na yung totoo. Huwag na yung pa-sweet.

“Kasi, totoo na yun.”

Lima ang anak ni Janice—dalawang lalaki at tatlong babae.

Ang panganay niya ay si Luigi o Igi Boy, na anak niya sa dating nobyo na si Aga Muhlach.

Apat naman ang anak nila ng dating asawa na si John Estrada—sina Inah, Moira, Kaila, at Yuan.

Tanggap na ba niya ang katotohanang maliligawan at magkakaroon ng romantic relationship ang kanyang mga dalagang anak?

Tugon ni Janice, “Oo naman.

“Wala naman akong magagawa. Hindi ko naman sila maaawat.

“Hindi nga ako naawat ng mga magulang ko, ako pa ba ang aawat sa mga anak ko?

“Parang wala naman akong credibility sa puntong yun.

“Basta, sinasabi ko lang na, 'Mag-ingat. Kailangan huwag ibigay lahat.'”

Si Janice ay nabuntis at nanganak sa murang edad na 18.

JOHN ESTRADA. Pinag-uusapan ba nila ni John ang mga bagay na ito tungkol sa kanilang mga anak, lalo na sa mga babae?

“Oo… oo naman.”

Ano ang sinasabi ni John?

“Hindi naman sa akin manggagaling ang mga bagay na yun, like yung magka-boyfriend sila.

“Dapat sa mga anak ko mismo manggaling ang pagsasabi sa daddy nila.

“Hindi ko sila puwedeng pangunahan.”

Paano ilalarawan ni Janice ang relasyon niya sa kanyang mga anak?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Kahit kaibiganin ko sila… yung pagiging magkaibigan ninyo, kailangan nandun pa rin na ikaw pa rin ang nanay nila.

“If you see me with my children, if you hear us, kunwari nasa labas kami, nag-uusap kami, nagkukuwentuhan kami, like I said, I’m very blunt and I’m very open.

“Puwede naman nilang sabihin… they’re allowed to speak their minds.

“Whatever it will be, they’re allowed to speak their minds.

“Pero ‘pag lumalagpas sila sa linyang hindi nila dapat i-cross, I tell them ‘A, excuse, nanay.’”

Sabi pa niya sa pagiging isang ina: “It’s hard work. It’s really hard work.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN