Lyca Gairanod to sing for Pope Francis on his Philippine visit

Lyca Gairanod has been chosen to perform before Pope Francis at an event in Mall of Asia Arena on Friday, January 16.


“Hindi ko pa po alam kung ano ang itatawag sa kanya, Papa Francis ba o Pope Francis.”

Ito ang nasambit ng The Voice Kids grand champion na si Lyca Gairanod tungkol sa nalalapit na paghaharap ni Pope Francis, na nakatakdang bumisita sa Pilipinas mula January 15 hanggang 19.

Si Lyca ang napili para kumanta ng “Tell The World of His Love” sa Meeting with the Families event ni Pope Francis sa Mall Of Asia Arena sa Biyernes, January 16.

Ang awit na kakantahin ni Lyca ang siya ring theme song nang dumalaw si Pope John Paul II sa Pilipinas para sa World Youth Day noong 1995.

“Naging masaya po ako, sabi ko, ‘Hay salamat, totoo na yung wish ko na makakapunta kay Pope Francis,” sabi ni Lyca sa panayam sa kanya sa Bandila, Lunes ng gabi, January 12, tungkol sa pagkakapili sa kanya.

Para naman daw sa kanyang wish sa Pope, sabi ni Lyca: “Sana po bigyan niya po ng blessing ang pamilya ko po para malayo sa sakit.”

Kung magkaroon siya ng pagkakataong malapitan ang Papa, gusto raw ni Lyca na makasama ito sa selfie.

“Gusto ko pong makalapit sa kanya, makapag-selfie lang, masayang-masaya po kami, makapag-selfie lang kami.”

Bukod kay Lyca, magpe-perform din sa nasabing event si Jamie Rivera at kakantahin ang “We Are All God’s Children.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN