Piolo Pascual hopes son Iñigo will not forget his "core"

Piolo Pascual’s wish on his 38th birthday is for son Iñigo to stay grounded: “Hindi kasi madali yung pinasukan niya. Akala niya, nakikita niya ako, ganun kadali. So, ang wish ko lang, ang prayer ko lang na huwag lang niyang makalimutan yung pinag-usapan namin, na huwag niyang kalimutan yung core niya. Once kasi ma-corrupt na ‘yan, once maka-experience ng success, fame, money, adulation, baka pumunta sa utak, e. Yun ang prayer ko na huwag niyang kal


Hindi natupad ang plano ni Piolo Pascual na magpahinga lang sa kanyang 38th birthday kahapon, January 12, dahil sinorpresa siya ng kanyang pamilya para sa isang salu-salo.

Kuwento ng Kapamilya actor, “Dapat matutulog lang ako, e.

“Kaso, my family prepared a surprise dinner for me with some close friends near my house last night. Stone-throw away from where I live.

“So, nilakad ko lang and everyone was there.

“My son [Iñigo Pascual] was there… I’m happy, kasi he spent the last three days with me after I arrived from the States.

“He made sure na wala siyang work. Siya mismo ang nagpa-block off kasi he’s starting with a movie na.

“Mas busy pa nga yung anak ko sa akin, e.

“Sabi ko, ‘Just let me know when you’re free, ako mismo ang mag-a-adjust sa schedule mo.’”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Piolo sa launching niya bilang bagong male celebrity endorser ng Silka Papaya.

Ginanap ito Martes ng tanghali, January 13, sa 55 Events Place, sa Quezon City.


PIOLO’S WISH. Ano ang wish ni Piolo ngayong birthday niya?

Tugon niya, “You know, for this year, ang wish ko sana, yung para sa anak ko naman.

“Hindi kasi madali yung pinasukan niya. Akala niya, nakikita niya ako, ganun kadali.

“So, ang wish ko lang, ang prayer ko lang na huwag lang niyang makalimutan yung pinag-usapan namin, na huwag niyang kalimutan yung core niya.

“Once kasi ma-corrupt na ‘yan, once maka-experience ng success, fame, money, adulation, baka pumunta sa utak, e.

“Yun ang prayer ko na huwag niyang kalimutan yung pinagsimulan niya.”

Wala ba siyang wish para sa kanyang sarili, gaya ng pagkakaroon na ng girlfriend?

Saad ni Piolo, “Uhm… [Iñigo] turns eighteen this year.

“I still have two more years before I turn forty [years old].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I guess it will come at a right time."

Dagdag niya, “Gusto ko sana this year, pero I promised my son.

“Lumaki sa States, hindi ko nabigyan ng oras. So, every chance that we get to spend time with each other…

“Mas gusto ko nang itututok sa kanya para, at least, kung anuman ang pagkukulang ko sa kanya during the last years na hindi ko siya kasama, bago man lamang siya mag-eighteen, magawan ko ng paraan, ‘di ba?”

IÑIGO’S CAREER. Pabor ba siyang hindi itinuloy ni Iñigo ang career nito sa Amerika bilang miyembro sana ng isang boyband?

Ani Piolo, “Because they’re asking for minimum of three years, e.

“Matagal, e. ‘Tapos exclusive siya.

“So, we got an endorsement here, there’s some work here to do, so there’s conflict of interest.

“We just chose [for him] to be here because we wanna travel together.

“’Pag itinali mo siya ng three years, we won’t be able to spend time together.

“I think that’s one of the considerations ng anak ko and, at the same time, maganda ang mga offers dito.

“We tried to weigh things, parang kung meron naman…

“He knows about it, nakausap niya yung dapat na magiging manager niya doon.

“They still wanna push for him, should he try Hollywood, should he try do a recording career in the States, tutulungan pa rin daw siya.

“Pero more than anything, gusto pa rin ng bata dito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN