Piolo Pascual still firm about his deal with son Iñigo on entering showbiz

Piolo Pascual on finding time to bond with son Iñigo: "Akala ko nga mas madali ngayon, e. But I just realized na mas busy pa siya sa akin. So, parang nadagdagan pa yung problema namin kasi we hardly have time for each other. Ngayon, parang I will ask his manager kung kailan siya bibigyan ng day-off, para ako naman ang makapagpa-adjust doon."


Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Piolo Pascual kung paano nila pinag-usapan ng anak niyang si Iñigo ang tatahakin nitong career, considering na ang aktor ang tumututol noon sa pagpasok ng anak sa showbiz?

Paliwanag ni Piolo, “Like yesterday, yun ang hirit ko sa kanya na, ‘Pag bumagsak ka…’

“Kasi first time niyang mag-try sa online schooling, e.

“Sabi ko sa kanya, ‘Pag bumagsak ka, wala tayong pag-uusapan, you have to go back to regular school. That’s my only deal.’

“Because he’s third year, one more year, and my compromise is grumadweyt siya sa regular school ng fourth year.

“So, he’s gonna be here for a year and second sem niya ng fourth year, regular school na siya.”

Mahabang diskusyunan ba yun bago siya napapayag na mag-showbiz na rin si Iñigo?

Ayon kay Piolo, “We asked him. He’s open naman what he wants.

“Kasi ako talaga, if you ask me, tapusin muna yung high school. Bahala ka sa buhay mo ‘pag eighteen ka.

“Pero there are opportunity, offers, sige, tingnan natin.

“Pero it’s the same, my condition still stands.

“You have to make sure na pumapasa ka sa school dahil kung hindi, I’ll kick you out [sa showbiz] and wala tayong pag-uusapan.”

Pinakikialaman ba niya ang projects ni Iñigo?

“Good thing there’s Cornerstone, Eric Raymundo, and Star Magic… Eric is a good friend of mine.

“They only consider ‘pag may mga roles, like this movie he’s doing, ka-love triangle niya si Kathryn [Bernardo] and Daniel [Padilla].

“Even the role… ipinadala sa akin yung script kung ano yung gagawin. So, okey naman siya.

“Pero may mga mall shows na pakanta-kanta na hindi naman niya kailangang magpaalam pa.

“So, ayun, maraming offers. Nag-Wansapanataym sila ni Julia [Barretto].

“Nauna pang umuwi sa akin dahil may ASAP siya… mas busy siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BONDING MOMENTS. How does he feel na kung kailan nandito sa Pilipinas ang anak ay madalang pa rin silang magkasama at magkita, kumpara nong nasa States si Iñigo na kahit sa social media o ay nagkakausap o meron silang contact?

Pahayag ni Piolo, “Akala ko nga mas madali ngayon, e. But I just realized na mas busy pa siya sa akin.

“So, parang nadagdagan pa yung problema namin kasi we hardly have time for each other.

“Ngayon, parang I will ask his manager kung kailan siya bibigyan ng day-off, para ako naman ang makapagpa-adjust doon.

“Mahirap, pero at least he’s earning his own money.

“Hindi ko naman kailangang problemahin yun… gusto niya, e.”

Ano naman ang reaksiyon at sinasabi ng ina ni Iñigo?

Natatawang reaksiyon ni Piolo, “Anong sabi ng nanay? Okey naman daw. Okey naman.

“We keep an open line. Everything, mutually... kumbaga, hindi lang naman na gusto niya, gusto ko.

“Siyempre, si Iñigo, kahit seventeen na, bata pa rin yun.

“So, we decide for him, for now.

“Nag-uusap kami [ng mommy niya] ‘pag may ganung offers.

“Kasama naman niya ang mommy niya kahit saan.”

Hindi pa raw nakikita ni Piolo ang sariling makasama ang anak sa isang acting project dahil hindi nito gustong maikumpara ito sa kanya.

May mga script na ipinapakita sa kanya para sa isang acting project, pero wala siyang tinanggap sa mga ito.

Ang tiyak daw ay ang pagsasamahan nilang concert series sa abroad sa darating na Holy Week.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN