Katrina Halili makes peace with Vicki Belo; ready to do the same with Hayden Kho

Si Katrina Halili (nasa larawan) na mismo ang unang bumati kay Dra. Vicki Belo nang magkita sila sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera noong December 30.


Maliban sa pagbabati nina Kris Aquino at Ai-Ai delas Alas, may isa pa palang magandang pangyayari na naganap sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera noong December 30.

Ito ay ang pagkakaayos nina Katrina Halili at Dra. Vicki Belo.

Matatandaang isa si Katrina sa mga endorser noon ng Belo Medical Group, ngunit nagkasiraan sila nang maugnay ang Kapuso actress sa boyfriend ni Vicki na si Hayden Kho Jr.

Masayang pahayag ni Katrina, nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa autograph-signing niya para sa FHM sa Robinson’s Galleria noong nakaraang linggo, nagkita sila ni Vicki sa loob ng simbahan pagkatapos ng bridal march.

Kasama ang anak ni Katrina na si Katrence sa flower girls, habang si Vicki naman ay isa sa mga ninang.

Lahad pa ni Katrina, “Pagkatapos ng entourage, nag-hi ako kay Ma’am Wilma Galvante.

“’Tapos katabi niya si Dra. Belo, nag-hi ako. ‘Hello po, happy new year,’ gumanun ako.

“Sabi niya, ‘Hi Kat, you look great!’

“’Thank you po,’ sabi ko.

“’Anak mo?’ sabi niya.

“’Yes,’ sabi ko.

“‘Ang cute,’ sabi niya.

“Happy naman ako na first time namin nagkita uli, e.

“Okay naman. Masaya naman ako na okay kaming dalawa.”

PRE-PLANNED. Noong gabi ng December 29, bago ang araw ng kasal nina Dingdong at Marian, ay naisip na raw ni Katrina ang posibilidad ng pagkikita nila nina Vicki at Hayden.

Nagpasya na raw siyang batiin si Vicki.

“Sabi ko sa bahay nung gabi, ‘Magkikita kami ni Dra. Belo, paano kaya?’

“Sabi ko, ‘Ano kaya? Bahala na! Bahala na kung ano'ng mangyari.

“Sabi ko nung gabi, bahala na lang, mag-hi na lang ako.

"Kung hindi niya ako pinansin, bahala na!

“May pumapasok na ganun sa isip ko, ha.”

HAYDEN KHO. Pagdating naman kay Hayden, mabilis ang sagot ni Katrina na okay lang sa kanya kung magkabati na rin sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Ready naman po ako.

“Feeling ko naman, parehas naman kaming okay na kami sa buhay namin, happy and… okay lang.

“Bakit naman magkaroon pa ng isnaban? Kailangan happy thoughts na lang.

“Masaya ka na sa buhay mo, bakit mag-snub-snub pa?

“So, hindi na kailangan ng mga ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN