RJ Ledesma files preventive suspension complaint against First North Luzon Transit

"The day after the accident, sinabi nila [First North Luzon Transit], ’Kailangan natin itong ma-settle agad, kung hindi hindi niyo makukuha yung pera na kailangan ninyo.’ Kumbaga iniipit kami ng First North Luzon bus company...

"This is not about money. This is about accountability of a bus company para sa ating riding public at sa lahat ng tao na gumagamit ng


Pormal na naghain ang TV host na si RJ Ledesma sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ng reklamong naglalayong kanselahin ang operasyon at magkaroon ng preventive suspension laban sa bus firm na First North Luzon Transit.

Kaugnay ito ng vehicular accident kung saan naipit sa pagitan ng dalawang bus ang sinasakyang van ng mga magulang ni RJ, na sina Rene at Fortune Ledesma, sa kahabaan ng North Luzon Expressway sa San Juan, Apalit, Pampanga, bandang 11 A.M. noong January 4.

Base sa nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na mga larawang kuha mula sa insidente, nayupi ang likurang bahagi ng van matapos sumalpok dito ang bus ng First North Luzon Transit.

Nayupi at lumiyab naman ang unahang bahagi ng van matapos mabunggo sa isa pang kaharap na bus, sanhi ng malakas na pagsalpok ng First North Luzon bus.

Bunsod nito, nagtamo ng head injury ang ina ni RJ at kinailangang sumailalim ng “emergency medical surgery” noong araw na iyon.

Bukod sa mga magulang ni RJ, sakay rin ng naturang van ang kapatid ng TV host na si Rico Ledesma, asawa ni Rico na si Sheila Ledesma, at ang kanilang dalawang taong gulang na anak na babae.


"LACK OF ASSISTANCE AND CONCERN." Dismayado si RJ dahil mula nang mangyari ang insidente ay binalewala umano ng bus firm ang aksidenteng dinanas ng kanyang mga kaanak.

Kuwento ni RJ sa PEP, pilit nilang kinontak ang legal officer ng bus firm na si Fernando "Ding" Halili upang ipagbigay-alam ang nangyaring aksidente.

Ngunit hindi umano agad rumesponde si Halili magmula nang isugod ang kanyang ina sa ospital sa Pampanga hanggang sa mailipat ito sa ospital sa Makati.

Lahad ni RJ, “My brother was saying, 'Nandito na kami. Anong gagawin natin sa hospital?'

"Sabi nila, 'Bukas na lang. Masyadong magulo pa kung pumunta kami sa ospital. Magkita na lang sa [Pampanga] police station.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maging si Rico, na mismong nakasaksi ng aksidente, ay hindi maitago ang pag-aalala para sa kanilang ina na may pinakamatinding tinamong injury.

Saad ni Rico, “Nabugbog kami lahat sa loob ng kotse, na-whiplash. Yun ang nangyari sa aming lahat.

“The worst talaga is actually my mom and dad who are senior citizens.

"Yung mom ko kasi natapon. Ako yung nasa front passenger seat.

"Nung nakita ko siya [his mom], nakita ko yung balat niya, nag-hang na sa face niya.

“Takot na takot ako and she was lying down for a while there sa may headrest na punung-puno ng dugo yung ulo niya.”

Diin naman ni RJ, “What we are calling for right now is the preventive suspension of First North Luzon bus company.”


RJ'S CAMP DENIES SUPPOSED SETTLEMENT. Sa kabilang banda, pinabulaanan ng legal counsel ng First North Luzon Transit na si Atty. John Castriciones ang alegasyong hindi kaagad rumesponde ang bus firm sa mga biktima ng aksidente.

Paliwanag ni Atty. Castriciones sa panayam ng PEP at iba pang reporters pagkatapos ng hearing, “We were not remiss with our duties.

“Noong dinala na yung mother niya sa Calcutta [Medical] Hospital, the rest of the group or riding members nung sasakyan nila, they actually rode in North Luzon bus and they were brought to an impounding area where they were fetched by their members also.”

Nagprisinta rin diumano ang kampo ng bus firm na bayaran ang hospital bills at palitan ang nasirang sasakyan ng pamilya Ledesma, isang araw matapos ang aksidente.

“There was an ongoing negotiation, actually.

“We were trying to enter into a settlement where we would like to pay the receipted [hospital] bills.

“As a matter of fact, we were willing to replace the vehicle that got entangled in the vehicular accident.

“But the problem is they want to demand everything including the damages that is why we cannot give in,” pahayag ni Atty. Castriciones.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa gitna ng panayam ng PEP at ibang reporters, kinumpronta ni RJ si Atty. Castriciones tungkol sa pagpapabaya at pambabalewala ng bus firm sa nangyaring aksidente.

Ngunit bago pa lumala ang tensiyon ay pinutol na ni Atty. Castriciones ang panayam at saka umalis ng LTFRB office.

Sinubukan din ni RJ na kausapin si Halili, na dumalo rin sa pagdinig ng reklamo, ngunit nauna na itong umalis ng tanggapan.

Sa huli, ipinaliwanag ng legal counsel ng pamilya Ledesma, si Atty. Allen dela Cruz, na bagamat totoong nagkaharap ang magkabilang-kampo, wala pa ring malinaw na pagkakaayos na naganap sa Pampanga Police Station noong January 5.

Sabi ni Atty. Dela Cruz, “There was never a clear offer.

“During the meeting at the police station, when they said that they are willing to offer [a settlement], but there's a manifestation from the Ledesmas that they are willing to push through with the cases.

"'Kung ganun, 'di na lang magkakaayos.' That was the statement given by Mr. Fernando Halili.”


EN BANC HEARING. Sa ginanap na pagdinig, inatasan ni LTFRB Chairman Winston Ginez ang kampo ng bus firm na magsumite ng counter-affidavit sa January 20.

Ito ay sa kadahilanang kahapon lang pormal na naihain ng pamilya Ledesma ang preventive suspension complaint laban sa First North Luzon Transit.

Nang tanungin ang estado ng North Luzon Transit bus driver na si Paul Villanueva, sinabi ni Atty. Castriciones na pansamantalang sinuspinde ang una.

Kaugnay ito ng police report kung saan nakasaad na ang nangyaring aksidente ay sanhi ng kapabayaan ng natukoy na bus driver o "reckless imprudence resulting in physical injuries and damage to properties."

Nakatakdang muling magharap ang magkabilang-kampo para sa ikalawang pagdinig sa February 10.

Dagdag na pahayag ni RJ, “This is not about money.

"This is about accountability of a bus company para sa ating riding public at sa lahat ng tao na gumagamit ng kaparehong kalye."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN