Janice de Belen: Loveless, dateless, no big deal

Janice de Belen on being loveless for seven years: “Kasi may nagsabi sa akin na ‘yang mga ganyang bagay, hindi iyan minamadali. It’s a vibe that we send to the universe if we are ready. Apparently, hindi ko ’ata na-send ang vibe!”


Kapansin-pansin ang malaking ibinawas ng timbang ng aktres na si Janice de Belen sa presscon ng bagong morning series ng ABS-CBN, ang Oh My G!, noong Martes, January 13.

“Actually, kahit naman ako nagulat,” aniya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters.

“Because I think ang nag-start niyan, naglipat ako ng bahay.

"So, napagod ako sa paglilipat ng bahay.

“Totoo ‘yon, ha! Kasi kapag naglipat ka ng bahay, very busy ka, ‘di ba?

"Hindi naman ako nagde-delegate. Usually I do pretty much of it, e.”

After the holiday season, normal na marami ang naggi-gain ng weight. Pero siya, nabawasan ang timbang.

Nakangiting sabi ni Janice, “Ay, conscious effort din!

“Kasi holidays, masarap kumain, maraming party.

“Maraming kainan, ‘di ba… conscious effort din talaga.

“I still have more to achieve.”

Gaano katagal bago niya na-achieve yung weight niya ngayon?

“Medyo matagal din, naglipat ako ng bahay nung June...

"I suppose… kasi aksidente lang ang nangyari sa umpisa.

“Aksidente lang talaga, naging busy lang talaga ako sa paglilipat.

“So, pumayat, e, di ituloy na natin.

“Nag-start, e.”

Ilang pounds ba ang nabawas sa timbang niya?

“I don’t count pounds, e, kasi nakaka-pressure ‘yan.

“Basta alam mo lang… lumuluwag yung pants mo.

“‘Yon, matuwa ka na.”


HAIR FIX. Ang inisip naman ng iba, baka may bago na siyang lovelife kaya nagpapayat siya.

“Wala, bagong gupit lang ako!” tawa ni Janice.

Kasabihan din, kapag nagpagupit o nagpaikli ng buhok ang isang babae ay may pinagdadaanan.

Reaksiyon dito ni Janice, “Hindi… well, siguro totoo ‘yon, kasi nangyari na rin sa akin ‘yon in the past.

“But ito, I just thought, ang tagal ko nang mahaba ang buhok.

“Nakakasawa din, mahirap ayusin dahil kasi I can’t fix my hair.

"Kulot ako, e. I cannot fix my hair myself.

“So, tuwing lumalabas ako ng bahay, parati siyang banana clip... naka-bunch up o parati akong nakapusod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakapagod. So, sabi ko, it’s about time to have a change.

“Do something with my hair that I can actually fix myself.”

STILL SINGLE. So, single pa rin pala siya ngayon?

“Matagal na. Ang tagal ko nang single. Pitong taon na yata,” sabi niya.

Ayaw pa rin niyang pumasok ulit into a relationship?

“Hindi naman. Hindi ko lang siya naiisip, and I believe it’s true.

“Kasi may nagsabi sa akin na ‘yang mga ganyang bagay, hindi iyan minamadali.

“It’s a vibe that we send to the universe if we are ready.

“Apparently, hindi ko 'ata na-send ang vibe!” tawa na naman niya.

Hindi ba't dati ay kumalat ang balitang ikakasal na siya?

“Tapos na ‘yon, oo. Hindi naman nangyari… matagal na ‘yon,” aniya.

Wala bang nagpaparamdam o umaaligid sa kanya ngayon?

“Baka hindi ko napapansin. I really believe it’s a vibe itself.”

Kahit date, wala?

“It’s not that easy, ha!

“Kasi kapag inisip mo ngayon, papa'no ba nag-uumpisa ang date? Ano ba ang nagaganap sa date?

“I don’t also know.”

Patuloy niya, “Alam mo, siguro ang mas importante sa akin is that I’m healthy, my children are healthy.

“And maganda yung trabahong dumarating sa akin. Iyon na lang.

“Yung mga maliliit na ganyan, kung ibibigay, well, thank you.

“Pero kung hindi ibibigay, okey na, kumota na naman ako, ‘di ba?

“I mean, there are things that you don’t ask for anymore.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN