Edgar Allan Guzman starting from scratch after moving to ABS-CBN

Edgar Allan Guzman on leaving TV5: "Nakakalungkot ding iwan sila, kaya lang, yun nga, career move para din sa sarili ko, ‘di ba? Yung passion ko sa pag-arte. And for one year, wala akong teleserye. Hindi ako nagkaroon ng project, nabakante ako; yun lang gag show ang pinagkaabalahan ko. Ang tagal kong natengga, for one year! Kaya nalungkot ako."


Starting from scratch.

Ito raw ang napagdesisyunan ni Edgar Allan Guzman at ng kanyang manager na si Noel Ferrer nang magpaalam sila sa TV5 upang subukan ang mga bagong oportunidad sa ABS-CBN, kung saan kabilang na si Edgar Allan, on a per show contract, simula last year.

Pahayag ng aktor, "Nung lumipat ako, nag-decide ako, sabi ko, ‘Simula tayo from scratch.

“Ako na mismo, as an actor, gusto kong i-try yung iba... kakaiba naman.

"So, nakita ko na sa ABS-CBN network, puwede pang ilabas yung talent ko na hindi ko pa naipapakita noon sa TV5.

"Nagpaalam naman kami nang maayos, si Sir Noel ang nakipag-usap.

"So, ako, yung growth ko as an actor ang inisip ko, ang mas nauna.

"Mas masarap sa pakiramdam ko, para mas maging successful ako sa career ko.

"Bilang aktor, gusto ko rin ng [regular] teleserye at magkaroon ako ng award sa TV.

“Pangarap ko yun, kaya gusto ko ngayon sa ABS-CBN.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edgar Allan sa presscon ng Oh My G! noong Martes, January 13.

Gumaganap si Edgar sa bagong daytime teleserye na ito bilang anak ni Janice de Belen at nakatatandang kapatid ng inilunsad na bidang young actress na si Janella Salvador.

SLOW PACE. Naniniwala si Edgar Allan na ang kasalukuyang kinasasalihan niyang network ang "makakapagpasaya, makakapagbigay, at makakapagpatupad ng iba pang mga pangarap ko."

Hindi naman niya dinidiskuwento ang magagawa para sa kanya ng TV5, pero aminado ang young actor na naging mabagal ang takbo ng kanyang career noong 2014.

"Actually, ang project ko doon [bago ako umalis] ay gag show lang," pagtukoy niya sa Tropa Mo 'Ko Unli, na kanyang nilisan bago magtapos ang kontrata.

Patuloy ni Edgar Allan, "Nagpaalam din ako sa kanila nang maayos.

"Four years na nagtrabaho ako sa kanila at nakasama ko yung staff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakalungkot ding iwan sila, kaya lang, yun nga, career move para din sa sarili ko, ‘di ba? Yung passion ko sa pag-arte.

"And for one year, wala akong teleserye.

“Hindi ako nagkaroon ng project, nabakante ako; yun lang gag show ang pinagkaabalahan ko.

"Ang tagal kong natengga, for one year! Kaya nalungkot ako.

“So, I have to find shows, o ibang ginagawa ko, like indie [films], para at least makita pa rin ako ng tao, na nasa mainstream.”

Maski noong aktibo siya sa TV5, gumawa ng indie film si Edgar Allan, ang Cinemalaya entry na Ligo Na U, Lapit Na Me in 2010, kung saan nagwagi siyang Best Actor sa Cinemalaya at iba pang award-giving bodies.

"Ginawa ko yun para ma-prove ko din sa kanila [TV5 management] na kaya ko din naman," sabi pa ni Edgar Allan.

INSPIRATION FROM COCO. Ayon pa kay Edgar Allan, naging inspirasyon sa kanya ang tinungong direksiyon ng career ni Coco Martin, na nagsimula bilang indie actor hanggang matagumpay na makapag-crossover sa mainstream showbiz.

Aniya, "Si Coco, kaibigan ko.

“Ganun naman po yung ginawa niya, e.

"Sabi ko, gusto kong sundan yung ginawa niya, from scratch.

"For a time, wala rin siyang work, until nagkaroon siya ng mga projects.

"Marami din siyang struggles bago niya narating ang kinalalagyan niyang posisyon ngayon.

"So, gusto ko yung ganun. Kaya back to zero ako.

"At lagi akong nagdarasal, kasi gusto ko bigyan ako ni God...[na] hindi ako mawalan ng pag-asa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN