Jane Oineza buries issue with PBB housemates Joshua Garcia and Loisa Andalio

Jane Oineza on working with co-Pinoy Big Brother housemates Joshua Garcia and Loisa Andalio: “It’s time to create new memories with them.”


Tapos na ang anumang isyu noon sa pagitan ng dating teen housemates sa Pinoy Big Brother All In na sina Jane Oineza, Joshua Garcia, at Loisa Andalio.

Magkakasama ang tatlo sa bagong bubuksang teleserye ng ABS-CBN, ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.

Sa press conference nila kagabi, January 13, hindi naiwasang matanong si Jane tungkol sa nangyaring hindi pagkakaunawaan nila noon sa loob ng Bahay ni Kuya.

Sa kanilang pamamalagi sa Bahay ni Kuya ay naging malapit sa isa't isa sina Joshua at Loisa.

Subalit unti-unti itong nabago nang maging malapit ang binatilyo sa crush niyang si Jane.

Umabot pa ang hindi nila pagpapansinan sa puntong kinausap silang tatlo ni Big Brother para ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan.

Ayon kay Jane, bahagi na lang ito ng kanilang nakaraan.

"Ako siguro, tapos naman na 'yon.

“Sa akin siguro, it's time na magkaroon ng bagong relationship with them.

“It's time to create new memories with them. Happy ako for them.”

Sa teleserye, magkakaroon ng love conflict sa kanilang tatlo. Hindi raw ito naging problema para kay Jane kahit na tila may pagkakatulad sa dati nilang isyu ang dating ng istorya ng mga karakter nila.

Sabi niya, “For me, it's okay.

“I'm okay to work with them kasi mag-e-enjoy din naman kami.

“Actually, happy ako for them, kasi after PBB, nandito sila, together with me, nagkaroon kami ng project.

"I'm very proud of them."

Samantala, tanggap na ni Jane na may mga taong hindi siya magugustuhan, na naramdaman niya noong pumasok siya sa loob ng PBB house.

Gayunman, sabi niya, “Ako naman kasi, since PBB po, inside, the way I think naman kasi is puro positive lang din naman po.

“Kung may problema dati, hindi ko na siya iisipin as anything negative.”

Dagdag ng 18-year-old Kapamilya star, “I try to look at things in a positive light.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I try to smile kahit na there are haters or there are bashers.

"Kasi, hindi naman mawawala 'yon. Kahit sino naman, nagkakaroon ng haters.

"So, sa akin, be yourself and continue sharing positivities."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN