#PopeFrancisPH: Martin Nievera, Andi Eigenmann, Christopher de Leon, John Estrada looking forward to Pope Francis’s visit

“He’s just a man and yet he has the biggest role in the world. All the pressure, everything is on him. Yet he can move mountains with his words. That power alone must be stressful," says Martin Nievera (left), who wants to be the one to listen to Pope Francis’s personal struggles if given the opportunity.


“If I could get a gift from the Pope, I want what everyone else wants from the Pope, a selfie!”

Ito ang pahayag ni Martin Nievera nang hingan siya ng mensahe tungkol sa pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas mula January 15 hanggang January 19.

Lumaking Roman Catholic si Martin, ngunit born-again Christian na siya ngayon.

Ngunit kahit iba na ang pina-practice na religion ng Concert King, excited pa rin daw siya sa pagdating ni Pope Francis sa bansa.

Saad ni Martin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “The Pope stands for forgiveness.

"I see the Pope as a living messenger, someone we can actually touch and see, who stands for forgiveness, who stands for peace, who stands for love.”

Kung sakaling mabigyan siya ng pagkakataong makaharap si Pope Francis, nais ng Kapamilya singer na isama siya sa dasal nito.

“Siyempre the first thing that will pop into my mind is my own problems, my own prayers, my own selfish needs.

“Pero sana, if he gave me more than a moment, I would be the one to listen.

“Tell me, Pope, what can I do for you? Let me hear your struggles. Let me hear your wishes.

“He's just a man and yet he has the biggest role in the world.

“All the pressure, everything is on him. Yet he can move mountains with his words.

“That power alone must be stressful.”

OTHER STARS. Ang iba pang showbiz personalities na nagpahayag ng mensahe para kay Pope Francis ay sina John Estrada, Christopher de Leon, at Andi Eigenmann.

Para kay John, hihilingin niyang ipagdasal ni Pope Francis ang lahat ng mga taong apektado ng paglaganap ng Ebola virus at ibang kapansanan.

“If I get the chance, siguro para tapusin na yung Ebola crisis talaga. I think 100 or 200 people die every day with that virus. So sana makahanap na tayo ng [cure] to stop that,” ani John.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Christopher, na practicing Roman Catholic, ay nais namang magkaroon ng “peace” lalo na sa mga lugar na patuloy ang pagkakawatak-watak.

Maging si Andi ay nais ding hilingin kay Pope Francis na magkaroon ng kapayapaan at pagkakaisa ang bawat tao.

Sabi ni Andi, “Para sa akin naman, kung mayroon man akong hihilingin sa kahit kanino, at kung iga-grant naman talaga, of course it's for the peace and wellness of everybody.”

POPE FRANCIS'S ITINERARY. Nakatakdang dumating ng Manila si Pope Francis via Villamor Airbase sa Pasay City, bandang 5:30 P.M. bukas, January 15.

Kung masusunod ang nailathala niyang itinerary, dadaluhan ni Pope Francis ang isang welcome ceremony sa Malacañang sa pangunguna ni President Benigno "Noynoy" Aquino III sa January 16, Biyernes.

Pagkatapos ay pangungunahan naman ni Pope Francis ang isang morning mass sa Manila Cathedral at afternoon meeting with families sa Mall of Asia Arena.

Sa January 17, Sabado, nakatakdang lumipad si Pope Francis patungong Tacloban upang bisitahin ang mga biktima ng bagyong Yolanda.

Bukod sa outreach activities ay inaasahang mag-celebrate ng Mass at magbigay ng blessing sa Catholic devotees si Pope Francis.

Sa January 18, Linggo, dadaluhan naman ni Pope Francis ang iba't ibang meeting kasama ng religious leaders at mga kabataan sa University of Sto. Tomas.

At pagkatapos ay magkakaroon ng concluding Mass sa Rizal Park, Manila.

Sa kanyang official Twitter account, nagpahayag si Pope Francis na ipagdasal niyang maging matagumpay ang kanyang pagbisita sa Pilipinas ngayong linggo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN