John "Sweet" Lapus gives up dream of a solo movie; wants decent gay roles

Here’s what’s new with John "Sweet" Lapus, his loveteam with Marcelito Pomoy: "Kung may Kathniel at Kimxi, meron ding SweetiLito."


Hindi na raw umaasa si John "Sweet" Lapus na mabigyan pa siya ng solo project.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Pagkatapos ba naman na maudlot many times?

"So, kung dumating, di dumating.

“Ako naman, happy na ako na gumawa ng pelikula na marami kaming bida.

"Basta gusto ko lang gumawa ng maraming pelikula.

“Alam mo naman ako, I always challenge myself.

“Gusto ko, sa bawat pelikula at role na ginagawa ko, iba-iba yung ipapakita ko.

"Kasi nga, bakla na ako, doon limited na, ‘di ba?

“Gusto ko, ako yung baklang artista na matino.

“So the Filipino moviegoers will see a different me sa mga pelikulang gagawin ko.

“Different kind of acting and style… iba-ibang putahe ang ihahain ko sa kanila every time na may pelikula ako.

"Every time na may ginagawa akong bago, gusto ko natsa-challenge ako at tsina-challenge ko rin ang sarili ko."

PROJECTS IN 2015. Mas maraming nagawang pelikula kaysa teleserye noong 2014 si Sweet.

Saad niya, "Actually, sobrang blessed ako noong 2014.

"At kaya naman ako nakagawa ng maraming pelikula last year dahil wala naman akong ginagawang soap. Yung Mirabella lang ni Julia Baretto.

"Kaya mas marami yung pelikulang ginawa... yung Shake Rattle & Roll XV, Moron 5. 2, The Posessed with Vhong Navarro.

“’Tapos nakapag-Canada tour pa ako last year.

"Ngayon naman, ginagawa ko itong Mac and Chiz.

"'Tapos meron akong movie, two days na lang kami."

Ang tinutukoy niyang bagong pelikula ay ang Mara, kunsaan kasama niya sina Isabelle Daza, Jasmine Curtis Smith, Paulo Avelino, at Raikko Mateo.

"Bida kami lahat sa movie. It's a horror movie, dapat nilang abangan ito.

"Kung hindi February, baka March ipapalabas ito."

"'Tapos by February, baka may soap na ako sa Dreamscape and yung Here Comes the Bride 2, marami kasing nag-aabang.”

Pagpapatuloy niya, "'Tapos by March and April, may U.S. tour kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasama ko ang KathNiel [Kathryn Bernardo and Daniel Padilla], KimXi [Kim Chiu and Xian Lim], at kaming dalawa ni Marcelito Pomoy.

"Ang sabi ko nga, ang loveteam namin dito ni Marcelito ay 'SweetiLito.'

"Kaya kung may KathNiel at KimXi, meron ding SweetiLito!" tawa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN