Kris Aquino remembers 2014 as the year she made peace with James Yap, Ai-Ai delas Alas, and Mayor Herbert Bautista

Kris Aquino will be airborne on her way to Japan on February 14, her birthday. "Kaysa naman malungkot-lungkot ako na Valentine’s nandito ako, naghintay-hintay pa ako, mag-expect ako ng bulaklak or whatever... ’tapos walang dumating, e, di na-sad pa ako," she says.


Sa pagtatapos ng taong 2014 ay natuldukan ang hindi pagkakaunawaan ni Kris Aquino sa tatlong tao na malapit sa kanyang puso.

Una na ang ex-husband niyang si James Yap, na kasama pa niyang nanood sa opening ng The Amazing Pryabeyt Benjamin bilang suporta sa anak nilang si Bimby.

Lahad ni Kris, “Yeah, in-invite namin [si James].

"‘Tapos ano pa, nung una, aalis siya earlier, according to Bim, dinelay niya yung flight.

“Kasi sinabi ko, “Don’t say ‘di ka namin in-invite kasi in-invite ka namin.'

“‘Tapos sinabi niya, “O, sige, baka magalit pa sa akin si Bim kung 'di ako mag-attend.'

“Even Tita Mic [Michela Cazzola], the girlfriend, nagpunta, sumupport talaga sila kay Bim.”

Pangalawa, ang kanyang matalik na kaibigan na si Ai-Ai delas Alas, kung saan tumagal din ng halos isang taon ang ‘di nila pag-uusap.

Nagkaayos sina Kris at Ai-Ai sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera noong December 30.

Ayon kay Kris, “Yung kay Ai-Ai, nakakatuwa, kasi it came at the right time, exactly one year.

“Grateful ako na ready ang puso niya na maging okay kami, and then grateful din naman ako.

“Kasi siguro, nabigyan ako ng maraming blessings.

“Sinabi ko, “Paano mo ba mapapaligaya ang Diyos?’ Kung maging humble ka, ‘di ba?

“Nagpakumbaba talaga ako and ready ako kung puwede niya akong patawarin o hindi.

“Pero sinuwerte naman talaga na ginusto niya na maging friends kami.”

At pangatlo si Mayor Herbert Bautista, na naging espesyal na tao sa puso ni Kris.

May na-rekindle bang damdamin sa kanila?

Sagot ni Kris, “Na-rekindle? Ayoko ng word na na-rekindle.

"Kasi baka mamaya ma-misinterpret na naman, we’re friends.

“Actually, ‘di naman nawala yung friendship.

“Siguro yung gesture niya ang na-appreciate ko.”


LUCKY 2014. Para kay Kris, naging maganda ang takbo ng 2014 sa kanya, at sapat na ito para hindi niya hanapin ang mga bagay na wala sa kanya 'tulad ng pag-ibig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang 2014 talaga was feeling ko, ha, sobrang blessed na taon.

“Ang ganda ng nangyari na hinabaan ang Kris TV.

"Ang ganda, gabi-gabi, kasama ko si Boy Abunda, and every Sunday mayroon kaming The Buzz with Toni [Gonzaga].

“Sinuwerte ako kasi nagkaroon ng negosyo sa labas nito, franchise ko, ‘tapos naging producer na talaga ako."

Patuloy ni Kris, “I think ang pinakasuwerte pa na nangyari was that lalo kong na-appreciate kung ano ang mayroon ako.

“Sabi ko nga, success and happiness, it’s a matter of attitude talaga.

“Kung magpapasalamat ka sa lahat ng ibinigay, makakalimutan mo na kung ano ang wala.

“Lovelife? Kahit naman handa ako kung hindi naman handa ang Diyos na ibigay sa akin.

“So, all in God’s time, kung gusto Niya.

“If it’s God’s will for my life, kung ‘di rin naman… okay lang din.”


LOVING JAPAN. Sa February 14 ay ipagdiriwang na ni Kris ang kanyang 44th birthday.

Kaugnay nito, ani Kris, “Aalis kami, naka-book na, we’re going to Japan.

“Sasabihin nila, ‘Ano ba ang nasa Japan at wala kaming ginawa kundi bumalik ng bumalik sa Japan?’

“Tuwang-tuwa kami, pero ngayon naman, super na-in love kami sa mga onsen, yung mga hot springs nila.

“Na-experience namin yun nung nandun kami sa Niseko during the snow… it’s an hour and a half to two hours away from Tokyo.

“Yung region na ‘yan kung nasaan ang Mt. Fuji so marami daw mga hot springs doon.

“Naka-book na kami sa authentic Japanese experience, ang Ryokan.

“Yung natutulog ka sa lapag ‘tapos every night yung food, may chef na magse-serve sa iyo na puro authentic Japanese food.

“Japan na naman, we love Japan.

“Magmula nung October, bumalik kami nung New year, ‘tapos babalik na naman kami ng birthday ko.”

One week daw ang bakasyon niya at ise-selebrate ni Kris ang birthday while airborne on the way to Japan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaysa naman malungkot-lungkot ako na Valentine’s nandito ako, naghintay-hintay pa ako, mag-expect ako ng bulaklak or whatever.

“'Tapos walang dumating e, di na-sad pa ako, ‘di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN