Inspirado si Gerald Anderson, 25, dahil nagkaroon sila ni Maja Salvador, 26, ng pagkakataong magbakasyon bago sumabak sa trabaho ngayong taon.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ibinahagi ni Gerald na sa sa kauna-unahang pagkakataon ay isinama niya si Maja sa General Santos City, ang probinsiya kung saan lumaki ang Kapamilya actor.
“Ipinakita ko lang kung saan ako lumaki. Hindi 'ata niya first time [sa GenSan], pero yes, first time isinama ko siya,” kuwento ni Gerald pagkatapos ng presscon proper ng pelikula niyang Halik Sa Hangin, na ginanap sa ABS-CBN Dolphy Theater kagabi, January 14.
Madalas ay abala si Gerald sa trabaho kaya masaya siyang maka-bonding ang kanyang ina at ibang kaanak na nakabase sa GenSan.
“It's always good to go home kung saan tayo lumaki at makikita natin yung mga dati nating kaibigan at pamilya.
“Nag-camping kami which is first time for me. Ang saya!”
Malapit ba si Maja sa kanyang pamilya?
“Yeah, okey naman.
"Kumbaga, day by day naman. It's a process.
"Ganun talaga ang relasyon, e,” tugon ni Gerald.
Sabi pa ng aktor, “Sobra lang kaming nagpapasalamat sa lahat ng blessings.
“And may panibago akong blessing sa simula pa lang ng taon. What else can I ask for?”
Kapansin-pansing mailap si Gerald pagdating sa usapan tungkol sa kanyang lovelife, ngunit siniguro niya na maganda ang takbo ng relasyon nila ni Maja.
Hangga't maaari ay gusto lang niyang panatilihing pribado ang aspetong ito, kaya naman hindi rin daw siya mahilig magbahagi ng kanilang couple photos sa social media.
Katulad halimbawa ng nabanggit niyang pagpunta nila ni Maja sa GenSan.
Makikita sa Instagram account ni Gerald na tanging mga larawan niya kasama ang kapatid na si Ken at ibang lalaking kaibigan ang kasa-kasama ng aktor.
Life changes, friends don't. @andersonken21 @frdpywn @aliclaus103
A photo posted by @andersongeraldjr onDec 29, 2014 at 1:52am PST
Sabi ni Gerald, “Yeah [hindi ako masyado nagpo-post ng pictures namin ni Maja].
“Alam niyo naman na siguro kung bakit, 'di ba? Kaya nga private, private na lang yun.
“Kung anong naise-share ko sa public, 'tulad nito, sana po maka-inspire lang ako.”
