PEP EXCLUSIVE. Marjorie Barretto denies brainwashing Julia and her other children

Marjorie Barretto on ex-husband Dennis Padilla: "Hindi ibig sabihin komedyante ka sa TV, komedyante ka sa pamamahay mo. It’s not like that. He’s the total opposite."


Sa gitna ng kontrobersiya sa pagitan ng mag-amang Dennis Padilla at Julia Barretto, binabato rin ng batikos ngayon ang ina ng young actress na si Marjorie Barretto.

Sinisisi ng ilan si Marjorie na kaya raw naging malamig ang pakikitungo ni Julia kay Dennis ay dahil sa klase ng pagpapalaki niya sa kanyang mga anak.

Bine-brainwash din diumano ni Marjorie ang kanyang mga anak upang kamuhian ang kanilang ama.

Sa pagpapatuloy ng eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marjorie ngayong araw, January 15, ay ipinagtanggol nito ang sarili sa mga batikos laban sa kanya.

Aniya, “Alam mo, my kids are not young anymore. They’re not brainwashed…

“My children are even more mature than their age. You can’t brainwash them.

“Feelings ‘yan, e. It’s feelings…

“I cannot dictate feelings on my children, and that’s not the kind of relationship I have with my children.

“I don’t need to brainwash them. They have a mind of their own.

“Tanggalin na niya yung iniisip niya na brainwash.

“Walang nagbe-brainwash.

“They are all very intelligent children. They see it.”

THE REAL DENNIS PADILLA. Ayon pa kay Marjorie, higit nilang kilala si Dennis kaysa sa mga taong nagtatanggol dito at bumabatikos sa kanilang mag-ina.

“Hindi ibig sabihin komedyante ka sa TV, komedyante ka sa pamamahay mo. It’s not like that.

“He’s the total opposite.

“Even if anyone refutes that, alam ng sarili niyang mga kapatid ‘yon, pamilya niya, ako, at lahat ng malalapit naming mga naging kaibigan, how Dennis really is.”

Saad pa ni Marjorie, “Ewan ko kung magtatampo ang mga anak ko that I will mention some instances…

“Pero si Julia ang pinakamalapit kay Dennis sa mga bata.

“I don’t think he really understood… alam mo, in April, magwa-walong taon na kaming hiwalay.

“In those eight years, hindi niya talaga nakita ang paglaki ng mga bata, how they grew up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He’s not there naman for them morally, spiritually, financially… he’s not there.

“He’s really not there… si Julia, wala pang ten o baka ten lang noon [nang maghiwalay kami].

“Kaya they grew up, you know, they survived without him, e.

“What I don’t understand is why he’s coming into their lives right now.

“Sana, at least, he was there to guide them man lang.

“Wala, e, there’s nothing.”

THE REAL MOTIVE. Dahil sa mga pahayag ni Dennis sa media tungkol sa kanilang anak, nagdududa na raw si Marjorie sa tunay na motibo ng dating asawa.

“He always talks publicly against Julia… I’m beginning to question his motive.

“He only does that ‘pag may promotion ng either pelikula niya or TV show niya.

“He uses the name of his child, it’s fine, anak niya yun, e.

“[Pero] sana, ‘pag ginamit niya, yung something na positive.

“Pero wala siyang maikomento kasi tungkol sa anak niya, e, kaya hindi siya makapag-positive, like, ‘I’m so proud of my child…’

“Because he does not have close relationship with his children.

“He does not have close relationship with them anymore. Eight years has passed.”

Himutok pa ni Marjorie, “He can talk about Julia and promote, but huwag niyang sirain yung bata. Huwag niyang sisiraan.

“Kasi hindi naman niya alam kung gaano kahirap magtrabaho yung bata, hindi na halos natutulog.

“My children are a product of a broken home and all of them are working so hard for a better future.

“They are really working hard, all of them, including Claudia, who’s starting with modelling and all that.

“They all work para mapabuti yung generation nila sa amin na nauna sa kanila.”

Tatlo ang naging bunga ng pagsasama nina Marjorie at Dennis—sina Julia, Claudia, at Leon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad pa ng dating actress-politician, “‘Di ba, bilang ama, you’re supposed to support them?

“Yung hindi ka dapat maging hadlang sa success nila.

“You don’t talk about your children, you don’t speak ill of them… you don’t know them.”

JULIA’S CRY. Ipinagtanggol din ni Marjorie si Julia at ang iba pa niyang mga anak laban sa mga alegasyon ni Dennis.

“Si Dennis, ang daming reklamo sa mga bata, ni minsan ba, did Julia ever publicly complained about her father?

“His absence, his absence in sports… we’re talking about financial na rin, ha…

“He’s not really there for them, and yet, did you hear any of my children complain in public and make him tira na ganito siya, ganyan siya?

“Sabi nga ni Julia… I’m sorry to quote her.

“But she told him, yung last nilang pag-uusap, I heard her, she said: ‘Papa, you don’t know how hard I work and you tried to ruin my name in an eight-minute interview.’

“That was so powerful, and I didn’t even know that she felt that way.

“That’s painful, that’s painful… that’s painful for a child that your own father is betraying you that way.”

JULIA’S DEBUT. Hindi rin daw malaman ni Marjorie kung bakit kinailangan pang ungkatin ni Dennis sa interview niya ang kanyang pangambang baka hindi siya imbitahin sa debut ni Julia.

Sa March 10 ay ipagdiriwang na ni Julia ang kanyang ika-18 kaarawan.

Pahayag ni Marjorie tungkol dito, “Walang kuwestiyon diyan.

“I’m very surprised nga bakit kailangan niyang i-bring up ‘yon.

“Of course, he is invited… understood ‘yon.

“Alam mo, sana hindi na lagyan ng intriga yung debut, kasi pinag-iipunan ng anak niya yun, e.

“She’s working hard, pinag-iipunan niya yung debut niya.

“Huwag na lang haluan ng intriga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He is invited, out of the question na ‘yan.”

Sinagot din ni Marjorie ang pahayag ni Dennis na hindi man lamang daw siya binati ni Julia noong nakaraang Pasko at Bagong Taon.

“Ang tanong ko, binati ba niya ang mga bata?”

JULIA FEELS VERY BAD. Kung mayroong pinakaapektado sa kontrobersiyang ito, ito ay walang iba kundi si Julia.

Panay ang batikos na natatanggap ngayon ng Kapamilya actress dahil sa mga naging pahayag ni Dennis.

Kinumusta ng PEP kay Marjorie kung ano ang nararamdaman ngayon ng kanyang anak.

Saad niya, “Alam mo, she feels very bad.

“Dennis is not very easy to deal with…

“It’s hard to be betrayed by your own parent. Hindi niya ba iniisip ‘yon?

“Kasi yung ginagawa kasi ni Dennis, parang ang feeling ng tao is talagang you’re out there to destroy her.

“Hindi ka na nga tumutulong sa pagpapalaki sa kanila, nagtatrabaho na nga nang marangal yung mga bata, ba’t mo sisirain ‘yon?

“Why do you do that? Is this his way of getting the attention of my children?

“It’s the wrong way. It’s a very, very wrong move.

“Kasi, pa’no mo aayusin ang relasyon niyong mag-aama?

“Hindi niyo ‘yon maaayos in public, e… Why do you do it in public?”

Dagdag ni Marjorie, “Hindi niyo naman naririnig si Julia na nagsasalita, ‘di ba?

“Okay naman siya magsalita kung narinig niyo na siyang nagsasalita in public.

“You never heard her complain about her father or anything about her father.

“I’m sure she feels bad. Sino naman ang matutuwa, ‘di ba?”

MARJORIE’S MESSAGE. Muli, iginiit ni Marjorie na, “I’m not giving this statement para lumaki ‘to.

“I’m hoping my statement will correct whatever wrong notion people have of her [Julia] because of the statement of Dennis.

“Ika-clarify natin ngayon, that’s the real story.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bahala na ang tao kung naniniwala sila o hindi.”

Sabi niya tungkol kay Dennis, “I know he’s trying to assert his right as a father, that’s okay, I respect that.

“But with your asserting your rights, you also have duties and obligations as the father of your children.

“He has obligations to support them morally, financially, spiritually, guide them.

“Though he failed in all of those.

“If you wanted to be a father, it takes more than being the biological father.

“You have to have a relationship with them.

“Nobody is stopping my children from having a relationship with him, kailangan lang sana mas maging mabait siya.

“Kung gaano siya ka-humble on TV, when he talks bad about my daughter, ganun din sana siya kabait sa mga anak ko, walang problema.”

Pahayag pa ni Marjorie, “Wini-wish ko lang kay Dennis, hindi na kami humihingi ng tulong sa ‘yo, okay lang na hindi ka makatulong sa amin, pero sana huwag niya nang guluhin yung katahimikin ng mga bata.

“Allow them to work in a dignified way…

“Julia works very hard. Whatever she’s getting, she deserves it.

“Mabuti siyang bata, mabuti siyang anak sa akin, mabuti siyang tao, and she’s very hardworking.

“So, sana huwag niya nang gibain yung bata.

“Sana umiral yung pagka-ama niya, yung totoong pagiging ama.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN