Tom Taus comes home to the Philippines after 15 years

Tom Taus on coming back to the Philippines: "I may have been gone for 15 years, but my heart still has a soft spot for the Philippines. I was born in Angeles City, Pampanga. Kaya Pinoy ako. I was raised Pinoy kaya kahit saan ako, I am proud to say that I am Pinoy."


Mukhang wala munang plano ang former child actor na si Tom Taus na bumalik sa Amerika.

Ito ay dahil binigyan siya ng sarili niyang dance competition show sa TV5, ang Move It: Clash of Street Dancers, kunsaan kasama niya si Jasmine Curtis-Smith.

Kasama ang Move It: Clash of Street Dancers sa bagong shows ng TV5 sa first quarter of 2015 para sa kanilang “Happy Sa 2015” campaign.

Ginanap ang big launch ng bagong TV5 programs sa Sampaguita Gardens, Valencia Street, Quezon City, noong Martes, January 13.

Bagay na bagay nga kay Tom ang naturang show dahil malawak ang experience niya sa pagiging isang streetdancer.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa dating child actor, ikinuwento niyang may sarili siyang dance crew noon sa Los Angeles at madalas silang sumayaw kasama ang ilang hip-hop groups sa street parties.

“That was during my hip-hop days when I was a teen back in L.A.

“Never naman kaming sumali ng mga dance contests. We just danced for the fun of it.

“For me, dancing is a form of art. You express your emotions through movement.

“Just like deejaying. I got into being a DJ because of dancing.

“It’s also a form of art. Music plays an important part of my life growing up.

“So I can really relate to this kind of show. I can show them moves that I learned through the years.

“And who knew that, one day, I would be hosting a dance competition show about streetdancing here in the Philippines?

“It’s such an awesome blessing for me,” pahayag niya.

Bilib daw si Tom sa talento ng maraming kabataang Pinoy sa pagsasayaw.

“I get to watch a lot of them via YouTube. Ang gagaling nila!

“They have moves na ngayon mo lang nakikita.

“Pinoys are so inventive with their dance steps. Kaya bagay ang show na ito for those who really love to dance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“This show is for them.”

COMING HOME. Inamin ng 28-year-old DJ na pagkatapos ng 15 taon na nawala siya sa Pilipinas, hindi pa rin nawala ang pagmamahal niya rito dahil dito siya ipinanganak at lumaki.

Lahad niya, “I came back together with my sister [Antoinette Taus] because TV5 International made a documentary of us coming back to the Philippines.

“The docu was shown in the US, Canada, and UAE.

“Sa sobrang enjoy ko dito sa Pilipinas, nagpa-extend ako nang nagpa-extend ng stay.

“Until pinapirma na kami ni Ate Toni ng contract with Viva Artist Agency and we’ve been doing guesting in different TV networks.”

Hindi raw inasahan ni Tom na bigla na lang siyang makakabalik sa Pilipinas ulit pagkatapos ng higit na labinlimang taon.

“It’s so nice seeing familiar faces again.

“Kilala ko pa rin ang mga reporters na nag-interview sa akin noong panahon ng movie kong Cedie. And I still remember their names.

“I may have been gone for 15 years, but my heart still has a soft spot for the Philippines.

“I was born in Angeles City, Pampanga. Kaya Pinoy ako.

“I was raised Pinoy kaya kahit saan ako, I am proud to say that I am Pinoy.

“That’s why I cherish all the wonderful times I had when I was still here as a child star.

“I know that one day I will be back and relive all that.

“I guess, prayers answered and I will be here for a long time because of TV5.”

DJ TOM. Ang pagdi-DJ ang masasabing “bread and butter” ni Tom noong nasa Los Angeles siya. Kaya hanggang dito ay dinala niya ang kanyang expertise in deejaying sa iba’t ibang okasyon.

“I’ve been deejaying in different places in the country.

“Exciting because I get to travel the country all the time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Whenever there’s a club opening, a fiesta or a company party, I love hosting ang deejaying.

“Iba ang energy ng mga Pinoy talaga,” nakangiting sabi niya.

Thirteen years old si Tom nang talikuran niya ang showbiz dahil kinailangan nila ng kanyang Ate Toni na manirahan sa US.

Isa si Tom sa kinagiliwan na child actors noong ‘90s dahil sa kanyang paglabas sa teen-kiddie show ng ABS-CBN na Ang TV.

Nakilala rin siya sa kanyang award-winning roles sa pelikulang Cedie, May Nagmamahal Sa ‘Yo, Lahar, at Shake, Rattle & Roll 6.

Bago umalis si Tom for the US noong 1999, lumabas pa siya sa GMA sitcom na Beh Bote Nga.

Magsisimula nga ang show ni Tom na Move It: Clash of Street Dancers sa January 25.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN