Albie Casiño assures there’s no tension between him and Bret Jackson

Bagamat nagkakaroon pa rin siya ng TV projects, sinabi ni Albie Casiño na mas priority niya ang kanyang pag-aaral ngayon. Paliwanag niya, "Sayang naman kasi kung pababayaan ko ang school. Sayang din ang ibinabayad ko kung hindi ko siya tatapusin. Dapat kasi matagal na akong naka-graduate, pero na-delay tayo kaya I am working double time with my studies."


Tiniyak ni Albie Casiño na walang alitang namamagitan sa kanila ng Pinoy Big Brother Teen alumus na si Bret Jackson.

Nagbatian pa nga ang dalawa sa big press event ng TV5 na “Happy Sa 2015”, kunsaan inilunsad ang bagong shows ng network sa first quarter of this year, sa Sampaguita Gardens, noong January 13.

Parehong may Wattpad episodes sina Albie at Bret.

Si Albie ay dating boyfriend at sinasabing ama ng anak ni Andi Eigenmann.

Si Bret naman ang nauugnay ngayon sa Kapamilya actress.

Ayon kay Albie, matagal na niyang kaibigan si Bret, bago pa naging sila ni Andi, kaya wala raw sa kanya kung nauugnay ito ngayon sa kanyang ex-girlfriend.

Saad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’ve known Bret for such a long time, kaya mas matimbang pa rin ang friendship namin.

“Kung sila nga ni Andi, then it’s not my business na makialam pa.

“I’ve moved on and I have other concerns.

“I just want to say that Bret is my friend and walang awkwardness na nangyayari sa aming dalawa.

“’Tsaka napakabait na tao niyang si Bret.”

THANKFUL TO TV5. Kabilang si Albie sa cast ng bagong Wattpad Presents ng TV5 na A House Full of Hunks. Makakasama niya rito sina Jasmine Curtis-Smith, John Spainhour, Charlie Sutcliffe, at Vin Abrenica.

Thankful daw si Albie sa TV5 dahil naging patient ito sa kanya.

Mas priority raw kasi niya ngayon ang kanyang pag-aaral kaya minsan ay tumatanggi siya sa TV projects.

Saad niya, “They are aware that my priority is my studies.

“I am already in my third year with my business management course at College of St. Benilde. Kaya ang hirap nang mag-stop.

“Sayang naman kasi kung pababayaan ko ang school. Sayang din ang ibinabayad ko kung hindi ko siya tatapusin.

“Dapat kasi matagal na akong naka-graduate, pero na-delay tayo kaya I am working double time with my studies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I am doing my best to be a good student. As much as possible, ayokong may ma-miss akong school day.

“Kaya matagal akong nagkaroon ulit ng show after Confessions of A Torpe because of my hectic schedule with school.

“Naiintindihan naman ako ng TV5 and promise ko naman sa kanila na kapag tapos na ako, I can work with them full time.”

LACK OF SOCIAL LIFE. Dahil sa pagbabalanse ni Albie sa kanyang pag-aaral at trabaho, wala na raw siyang social life.

Kaya kapag tinatanong siya kung sino ang kanyang nililigawan, ngumingiti na lang daw siya dahil zero nga ang lovelife niya.

Saad ni Albie, “I try to have kahit konting social life. We all need to let loose once in a while.

“When I’m sorta burned out na with school, I go out with friends and have fun.

“Pero clean fun lang because I still can’t stay out late… nasa utak ko pa rin ang mga school work.

“I just want to surround myself with positive energy.

“I have my friends to really cheer me up when I’m down. Bawal ang negative sa amin.

“Kaya ako, smile lang nang smile kahit na may konting problema.

“I always think na may ibang tao na mas mabigat ang problema sa akin. Kaya I stay positive with everything.”

BIG ENDORSEMENT. Bukod sa bagong show, may magandang surprise para kay Albie ang taong 2015.

“I have this big endorsement but I can’t say what it is pa.

“Basta natuwa ako because dumating na lang siya, and I am happy and thankful for having a manager like Tito Leo [Dominguez].

“Hope that this will be the start of good things for me and for everyone.

“Let’s all be thankful for all the blessings that come our way.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN