Derek Ramsay reveals Kris Aquino is a "big part" of his return to Star Cinema

Derek Ramsay on possible issues that may arise on his movie with Kris Aquino: “I’m not worried about it. I mean, there’s nothing to worry about. I know what our relationship is, and Kris knows what our relationship is. We’re friends, we’re good friends. I don’t like using gimmicks like that to promote a movie, I’ve never done that.”


Inimbitahan pala si Derek Ramsay ni Kris Aquino na maging isa sa mga bisita ng aktres sa pagdalaw ni Pope Francis sa Malacañang kaninang umaga, Enero 16.

Pero nanghihinayang si Derek dahil hindi siya nakapunta dahil naka-schedule na raw na sunduin nila ang kanyang ama sa Palawan ngayong araw.

Sabi ni Derek sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Actually, Kris invited me to see the Pope on Friday with my mom.

“She texted me yesterday [January 12], inviting me and my mom to go see the Pope at Malacañang.

“She is allowed five visitors and we were very touched, the family’s very touched that she thought of us.

“Unfortunately, I can’t go and my mom can’t go, kasi si Dad, e. We have to go get Dad.

“Dad’s in Palawan, he took off by himself.

“’Di ba, he’s got that… ‘pag sinusumpong, hindi siya makalakad.

“So, we’re gonna go there and get him and stay with him.

“And the invitation just came yesterday.

“But we thanked her for such a nice gesture. My mom was deeply touched.”

Noong Disyembre ay humingi ng dasal si Derek para sa kanyang amang may sakit sa pamamagitan ng kanyang Twitter account na @kingderekramsay:

“Asking for your prayers. Just found out my dad has carotid disease. :(“

Mahilig daw kasi ang daddy niyang mag-travel mag-isa papuntang Palawan at natatakot si Derek dahil sa sakit ng amang edad 72 na.

Kung minsan daw kasi ay bigla itong nahihilo at hindi makalakad.

Nakausap ng PEP si Derek sa grand launch ng sampung bagong program offerings ng TV5 para sa first quarter ng 2015 na ginanap noong Martes, Enero 13, sa Sampaguita Gardens.

Pinagbibidahan ni Derek, along with Empoy Marquez, ang weekly sitcom na Mac & Chiz, na magsisimulang umere sa Enero 25.

MOVIE WITH KRIS & STAR CINEMA. May isang dahilan pa raw para magpasalamat si Derek sa kaibigang si Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang aktres daw ang gumagawa ng paraan para matuloy ang pelikulang pagsasamahan nila sa ilalim ng produksiyon ng Star Cinema.

Matatandaang hindi na nakagawa ng pelikula si Derek sa Star Cinema simula nang magkaroon ng sigalot sa pagitan ng aktor at ng ABS-CBN.

Ang Star Cinema ang movie arm ng ABS-CBN.

Kaya magandang balita raw ito para kay Derek.

Pahayag niya, “Looks like it’s going to happen.

“I think Star Cinema and, you know, that whole issue is gone.

“So, it’s nice that we are all moving forward and forget about all of that.

“It’s a new year, so I wanna do new things, bigger things.

“It looks like the project will push through and ang ganda ng concept.

“So, yeah, mukhang magkakapelikula kami ni Kris.”

Naniniwala si Derek na malaki ang kinalaman ni Kris para mapapayag ang Star Cinema sa naturang project.

Lahad niya, “She’s definitely a big part of it.

“I told her kanina, ‘Thanks, ha. Because of you, you’re like the bridge that fix things.’

“She didn’t literally have to go out of her way and say na, ‘Oy, magkaayos na kayo.’

“But, I mean, just her presence alone and she’s a dear friend to me, and she’s dear friend to Ms. Cory Vidanes, to Ma’am Charo [Santos-Concio].

“So, yeah, she definitely played a big part in I guess making the situation a lot better.”

Tungkol saan ba ang pelikula?

“Hindi ko alam kung puwede nang pag-usapan yung concept. But it’s a rom-com [romantic-comedy], nakakatawa.

“I think they’re also thinking of casting Ate Uge [Eugene Domingo]. So, it’s a really, really cute concept.

“Ang sasabihin ko lang, hindi pa ito lumalabas sa kahit anong pelikula. It’s something very new.

“Kris and I will be playing siguro very similar to who we really are.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT WORRIED ABOUT ISSUES. Hindi ba nag-aalala si Derek na muli silang ma-link ni Kris ngayong matutuloy na ang movie nila together o sa tingin niya ba ay makatutulong pa ang pagli-link sa kanila para ma-promote ang movie?

Sagot ng aktor, “I’m not worried about it. I mean, there’s nothing to worry about.

“I know what our relationship is, and Kris knows what our relationship is.

“We’re friends, we’re good friends.

“I don’t like using gimmicks like that to promote a movie, I’ve never done that.”

PRADA IS STAYING WITH BIMBY. Hindi lang kay Kris naging close si Derek kundi maging sa mga anak ng aktres na sina Bimby at Joshua.

Sa katunayan, si Derek ang nagbigay ng tuta na si Prada kay Bimby.

Ikinalungkot lang ni Derek ang nabalitang nakagat daw si Bimby ni Prada.

“Oo nga, e, I said nga, ‘Oh no, is he okay?’

“Kasi puppy pa, e, baka maharot lang yung aso.

“So, I asked Kris, ‘Am I expecting Prada to come back to me?’

“And then, I think Kris asked Bimby and Bimby said, ‘No.’ He wants to keep Prada.

“So, Prada is not coming back to me, Prada is staying with them.

“He’s a member of their family already.

“It’s just unfortunate… it’s just a love bite, but you know how protective Kris is.

“Even though Prada has all the shots, you can’t blame her for making sure.

“So, Bimby’s gonna have to get the shots needed to protect him.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN