#PopeFrancisPH: Kris Aquino meets Pope Francis for the second time

Kris Aquino shared a light moment with Pope Francis when the latter came to Malacañang for his Welcome Ceremony, Friday morning, January 16.


“Once in a lifetime moment.”

Ito ang caption ni Kris Aquino sa photo na ipinost niya sa kanyang Instagram account na @beingkrisaquino.

Ipinakita rin ditong nagmamano siya kay Pope Francis nang bumisita ang huli sa Malacañang para sa kanyang Welcome Ceremony ngayong umaga ng Biyernes, January 16.

(From Kris Aquino's Instagram account)

Sa sumunod pang post na photo ni Kris ay makikitang pareho silang nakangiti ni Pope Francis habang may ipinapakitang rosary ang host-actress sa Santo Papa.

Ani Kris, iyon daw ang rosary na ibinigay ni Pope Francis sa panganay niyang si Josh, nang bumisita sila sa Vatican noong 2013.

“My FAVORITE picture! I showed Pope Francis the Rosary he had given Kuya Josh when we had the privilege of going to the Vatican April 2013, and as part of the Wednesday Pope General Audience Kuya was handed a Rosary by Pope Francis.

“It was just so thrilling to see the Pope smile so warmly when I held up the Rosary that my sons & I treasure. #MarianDevotee #Rosary#PopeFrancisPH

Ito ang pangalawang beses na nakadaupang palad ni Kris ang Papa.

Una niyang na-meet si Pope Francis nang bumisita siya at mga anak na sina Bimby at Josh sa Vatican, bilang bahagi ng kanilang Europe trip, noong April 2013.

(Photo grabbed from Bandila)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN