Carl Guevara reconciles with Kris Bernal: "Tinext ko siya, kinumusta ko...ayun, nag-dinner lang kami."

Carl Guevara is presently single. He says, “Wala pa. May mga nakikilala. Marami namang papasa sa panlasa. Saka ini-enjoy ko muna ngayon."


Mukhang mananatili pa sa TV5 si Carl Guevara dahil sa ikalawang beses na pagbibida niya sa Wattpad mini-series.

Mula sa GMA ay lumipat ng Kapatid network si Carl at nagkaroon ng maraming TV projects kabilang ang regular show niyang Tropa Mo Ko Unli.

Bago nagsara ang taon, itinampok si Carl kasama si Eula Caballero sa Wattpad Presents: Almost a Cinderella Story.

At sa pagpasok ng taon, muling itatampok ang PPL talent sa parehong show kasama naman si Isabelle De Leon sa episode na Mistakenly Meant for You, na mapapanood sa February 2 hanggang February 6.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Carl matapos ang appearance ng Wattpad stars sa press launch ng TV5 para sa line-up ng shows nito sa 2015, noong January 13, sa Sampaguita Gardens Events Place, sinabi nitong panatag ang loob niya sa pakikipagtrabaho sa network.

Pero nilinaw nitong wala siyang exclusive contract sa network at maari siyang tumanggap ng ibang trabaho o offer sa ibang istasyon o kahit ang bumalik sa nagbigay sa kanya ng unang exposure (nanalo siya sa Be Bench/The Model Search noong 2007), ang ABS-CBN.

Saad pa niya, “Wala namang problema. Basta may project at ang magdi-decide niyan ay ang manager [Perry Lansigan] ko.

“Pero sa ngayon, dito muna ako sa TV5 kung saan may mga projects ako dito.”

WORKING WITH TV5. Kumusta naman ang pagtatrabaho at pakikisama sa mga staff and stars ng istasyon?

“Masaya naman, marami akong nakikilala mga bagong kaibigan. Saka masaya silang katrabaho.”

May nakilala ka bang puwede mong ligawan?

“Wala pa. May mga nakikilala. Marami namang papasa sa panlasa. Saka ini-enjoy ko muna ngayon.

“Kung dumating, handa na ako ulit manligaw.”

Sino ba ang puwedeng pumasa sa panlasa mo?

“Marami naman. Yung mga nakakatrabaho ko, sina Eula [Caballero], Isabelle [De Leon].

"Sila pa lang naman yung nakakatrabaho ko at sila pa lang yung nakakausap ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


RECONCILIATION WITH KRIS BERNAL. Noong May 2014, napag-usapan ang breakup nina Carl at ng Kapuso actress na si Kris Bernal.

Nagpatutsadahan sila sa media tungkol sa naging rason ng kanilang hiwalayan.

Ilang buwan ring nanahimik ang isyu sa kanilang dalawa kaya ang tanong ng PEP ay kung nakapag-move on na ba si Carl sa isyu nila ni Kris?

“Nakapag-move on naman na. Medyo matagal na rin, e. Siguro mga eight months na.”

Ibinalita ni Carl na nagkausap na sila ni Kris bago pa sumapit ang Pasko.

Kuwento niya, "Nagkita kami before Christmas. Nag-usap kami.

"Tinext ko siya, kinumusta ko. Nagkataon na nasa Tomas Morato siya. Nasa Morato din ako. Ayun, nag-dinner lang kami.

“Kumustahan lang. Kumusta na yung trabaho niya. Busy rin naman siya talaga.

“Okey naman siya. At least masaya ako na okey naman siya na maganda yung trabaho niya, medyo busy siya.”

Anong dahilan at bakit siya nag-reach out kay Kris?

“Siyempre naman hindi naman porke’t naghiwalay kami, wala na kaming kuneksyon, 'di ba? Pangit namang tignan yun.

“Saka years naman kami, e. Almost mag-two years kami. Saka magpa-Pasko.

"Kumbaga, siyempre last Christmas [2013], kasama ko siya nag-celebrate ng Chistmas at New Year.

“Gusto ko lang maayos at wala nang samaan ng loob.”

Masasabi mo bang tapos na at wala nang samaan ng loob.

“Oo naman, tapos na, wala nang samaan ng loob.”

Ano ang napag-usapan at napagdesisyunan ninyong dalawa para sa isa’t-isa?

“Parang kumbaga, magkaibigan. Pero hindi madalas mag-usap, text lang, kumustahan, mga ganyan.

“Hindi na gaya ng dati no'ng may relasyon kami, halos text-text maya’t-maya kahit may trabaho, text-text. Ngayon wala.”

Anong pakiramdam na umabot kayo sa ganung sitwasyon ni Kris?

“Siyempre, nanghinayang ako sa relasyon namin, pero at least nakapag-move on na kami.

"Parehas na kaming nakapag-move on so masaya na. Kumbaga, new chapter na ng buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Zero uli at trabaho na muna sa ngayon. Pero kung may dumating [lovelife], bakit hindi?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN