Marjorie Barretto on claims of Dennis Padilla: “There is a big difference between the TRUTH and his story."

Ayon kay Marjorie Barretto, may dalawang bersiyon ang bawat istorya. Sana raw ay pakinggan din ng mga tao ang kanilang panig sa mga naging pahayag ng dating asawang si Dennis Padilla tungkol sa pang-i-isnab diumano dito ng anak nilang si Julia Barretto. At sana raw, huwag kaagad silang husgahan.


Matapos magpaunlak ng exclusive interview si Marjorie Barretto kahapon, January 15, sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nag-post din kaagad ito sa kanyang Instagram account na @marjbarretto ng isang photo message.

Dito ay muli niyang iginiit na hindi man siya perpektong ina, at kahit may mga panahong naging masalimuot ang buhay, napalaki niya raw nang maayos ang mga anak.

Ayon sa kanya, “In my lifetime I have been called many things and many names...Most of the time by people who have never met me, nor have been part of any of my life battles.

“They were never part of my journey. But no one, without knowing me first can question how I am as a mother. I am not a perfect parent, and it is impossible to raise perfect children. But at least I can proudly say...

“Pinalaki ko ang mga anak ko, Hindi ko sila pinabayaan kahit kailan. Kahit nahihirapan na ako, kahit marami akong ibang problema, kahit maysakit ako, kahit wala akong pera, kahit wala akong katuwang, kahit sa Anong panahon...I never stopped being a parent.

"There is always two sides of a story. To those who continually judge me and my children... God bless you all.

“You are very lucky you didn't have to endure what my children and I had to.

"But a mother hurts so much more when her child is hurting.

“It is painful. I can only pray for strength everyday for me and all my children...

"There is a big difference between the TRUTH and his story. Let God be the judge of that.”

Nag-ugat ang mensaheng ito ng dating actress-politician sa exclusive interview rin ng PEP sa kanyang ex-husband na si Dennis Padilla na diumano’y inisnab ito ng kanilang panganay na anak na si Julia Barretto sa isang Christmas party.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: PEP EXCLUSIVE. Dennis Padilla snubbed by daughter Julia Barretto in a Christmas party

Dahil sa naturang panayam, marami ang naging negatibong reaksiyon laban kay Julia sa social media lalo na sa Instagram account nito.

Kaagad namang nagpaliwanag si Marjorie tungkol sa mga naging pahayag ni Dennis, at sinabi nitong takot si Julia sa ama matapos ang palitan nila ng text messages noong November 2014.

Read: PEP EXCLUSIVE. Marjorie Barretto speaks up about snubbing incident between daughter Julia and ex-husband Dennis Padilla


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN