Denise Laurel back to Kapamilya afternoon slot; sad over transfer of good friend Iya Villania to GMA-7
by Rommel Gonzales posted on

Denise Laurel explains the competitive landscape of the afternoon teleserye: "They won’t put something in Kapamilya Gold just because it’s not good enough to be in primetime. Kailangan number one lahat ’pag ABS. So they’ll put the good stuff sa hapon also.”


Nagkasama dati sina Denise Laurel at Iya Villania sa Click sa GMA-7 bago sila parehong lumipat at nagkasama uli sa ABS-CBN.

Malapit na magkaibigan ang dalawa.

“Yes, super!" pagkumpirma ni Denise.

"She’s one of my really close friends dito sa industriya dahil totoong-tao siya, napakabait niya.

"She’s very strong in her belief, as in talagang saludo ako sa kanya.

“Hindi ko lang siya kaibigan, pero hinahangaan ko talaga siya bilang tao."

Kailan lamang ay bumalik si Iya sa GMA at saad ni Denise tungkol dito, “You know, whatever makes her happy.

"When I found out, siyempre, I was sad kasi it’s easier to see each other when you’re in the same network.

“So now, lalo na with busy schedules, parang it’s gonna be harder for us to see each other.

“Although sobrang hirap na nga, e.

"Nung nasa ABS kami pareho, busy siya, 'tapos busy ako. Hindi rin kami masyadong nagkikita, lalo pa now.

“But, you know, I’m so happy for her because whatever makes her happy makes me happy.”

Hindi ba niya pinigilan si Iya na umalis sa Kapamilya network?

“Wala naman akong say dun, siyempre kung ano yung gusto niya.

Hindi siya kinonsulta ng kaibigan niya tungkol sa desisyon ni Iya na bumalik sa GMA?

“Feeling ko kasi, parang we leave work out of our friendship.

“Parang hindi na namin pinag-uusapan ang work stuff.”

Nakalipat na raw si Iya nung nalaman ni Denise na aalis na ito.

AFTERNOON SLOT. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Denise sa press launch ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na bagong offering sa hapon ng Kapamilya Gold sa direksyon nina Jeffrey Jeturian at Mervyn Brondial.

Ginanap ang launch noong Martes, January 13, sa ELJ Building ng ABS-CBN.

Masaya si Denise na balik siya sa panghapon na timeslot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag niya, "Naging home ko din ang Kapamilya Gold for a very long time because of all the Precious Hearts [series].

“So it’s nice to be back with my afternoon viewers.”

Maganda nga raw ang ratings kapag hapon.

“Actually, there’s a lot of competition also sa hapon, not a lot of people know that.

"But if you look at the other networks... kailangan number one lahat 'pag ABS, e.

“So they won’t put something in Kapamilya Gold just because it’s not good enough to be in primetime.

"Feeling ko, patas lang, but kailangan number one parati.

"So they’ll put the good stuff sa hapon also.”

PREPARATION. Si Vina Morales ang co-star ni Denise Laurel sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na eere na sa Lunes, January 19.

“Of course, the one and only!”

At dahil isang Vina Morales ang makakatagisan ni Denise ng husay sa pag-arte, may paghahandang ginawa si Denise.

“Well, just like every show, it doesn’t mater kung sino yung kasama ko or, you know, kung what the character is.

“Tinotodo ko talaga yung craft ko, yung pag-aaral ko.

"“Like I watch a movie beforehand, I read my script.

"Kumbaga ultimo detail ng damit ko, ng buhok ko, mga mannerisms ko, iba-iba per character.

“So I’m so blessed na iba-iba yung mga character na nagagawa ko."

Unang beses daw na gaganap si Denise bilang other woman.

“But this is another woman with a heart, e.

"So madaming aspects ang pinapakita dito, hindi lang one-sided na bad siya.

“May puso, may pinaggagalingan, may good things, may quirks and charms about her.

"So, interesting, 'di ba?”

Bukod kina Vina at Denise ay kasama sa naturang programa sina Christian Vasquez, at ang mga youngstars na sina Jane Oineza, Jerome Ponce, Joshua Garcia, Loisa Andalio, at marami pang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN