Ogie Alcasid not in a rush to have another baby: “It’s all in God’s time.”

Ogie Alcasid doesn’t want to get stressed about rushing their next baby: “Kung gusto na ni Lord na mabigyan na ng bagong kapatid si Nate, then it will just happen. Ayaw na lang naming masyadong ipilit na masyado ng misis ko dahil baka ma-stress lang kaming dalawa.”


Ayaw nang masyadong ma-stress ni Ogie Alcasid at ang kanyang misis na si Regine Velasquez-Alcasid na magkaroon na ng kasunod ang panganay nilang si Nate.

Naniniwala kasi ang singer-comedian na kung pagpapalain sila ng Panginoon ng isa pang anak, mangyayari’t mangyayari iyon.

“It's all in God’s time.

“Kung gusto na ni Lord na mabigyan na ng bagong kapatid si Nate, then it will just happen.

“Ayaw na lang naming masyadong ipilit na masyado ng misis ko dahil baka ma-stress lang kaming dalawa.

“Ang importante ay marami kaming time para kay Nate habang wala pa ang susunod sa kanya,” sabi ni Ogie nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng bagong shows ng TV5 sa Sampaguita Gardens in Quezon City last January 13.

AUSSIE XMAS VACATION. Nagkuwento si Ogie ng naging Christmas vacation nilang pamilya sa Australia kunsaan nakasama ulit ni Nate ang kanyang elders sisters na sina Leila at Sarah.

“Love na love ng dalawang anak ko si Nate.

“Yun nga lang itong si Nate, sumusuko sa pakikipag-usap sa mga ate niya.

“Hindi nagta-Tagalog ang dalawa, e. 'Tapos may Aussie accent pa. Kaya si Nate, feeling ko dumudugo na ang ilong!” sabay-tawa ni Ogie.

Turning 18 years old na si Leila at college freshman na ito sa susunod na pasukan. Si Sarah naman ay 13 years old. Parehong anak ni Ogie ang mga ito sa unang asawang si Michelle Van Eimeren.

“Ang bilis ng panahon, ‘di ba? Dati karga-karga mo lang sila, pero ngayon mga dalaga na.

“Ako nga mismo nagugulat kasi may anak na pala akong magde-debut. 'Tapos yung isa, naging teenager na.

“I only get to see my daughters twice or minsan three times a year. I don’t get to be with them every day tulad kay Nate.

“Kaya nagugulat ako tuwing makikita ko sila, maraming pagbabago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya sinasabi ko nga kay Nate na huwag siyang lumaki kaagad. Maging baby muna siya para sa amin ng mommy niya,” pagbiro pa ni Ogie.

MISSING HIS DAUGHTERS. Inamin din ni Ogie na mahirap daw ang mag-goodbye sa kanyang mga anak sa Australia.

“Nandoon pa rin siyempre yung feeling na, 'Kelan ba ulit kami magkikita ng mga ito?'

“I know that they are taken good care of by Michelle and her husband. Wala akong worries doon. It’s just that mami-miss ko na naman sila.

“Kaya nga thankful ako for modern technology dahil meron tayong Facetime, Skype and all these social media which makes it easier to communicate with our loved ones kahit saan man sila sa mundo.

“Pero siyempre, iba pa rin yung nayayakap at nahahalikan mo sila sa tabi mo, ‘di ba?

“Kaya masuwerte kami na nandiyan si Nate kasi he makes me and his mom laugh kapag sobra kaming pagod.

“Komedyante itong anak namin. Ituloy lang niya ‘yan para pagkakitaan niya balang araw!” tawa pa nang malakas ni Ogie.

RISING STARS. May bagong show si Ogie sa bagong campaign ng TV5 para sa first quarter ng taon na “Happy Sa 2015.” Ito ay ang reality-singing competition na Rising Stars Philippines kunsaan makakasama niya ang beauty queen-turned-TV host na si Venus Raj.

Mga taga-Singapore ang producers ng naturang show, pero ang world premiere ng Rising Stars ay gagawin nila sa Pilipinas.

“We are proud to say na tayo ang mauuna sa show na ito.

“Natutuwa kasi ang mga producers sa talent ng mga Pinoy lalo na pag-awit.

“I am happy as well na ako ang pinili nila to host this show na first time ipalalabas sa Asia,” pagmamalaki ni Ogie.

FASTER AUDITION PROCESS. Malaki raw ang pagkakaiba ng Rising Stars sa mga singing competitions ngayon on television. Unang-una ay may sarili itong app kunsaan puwede doon na lang magpadala ng kanilang audition piece ang mga gustong mag-audition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Rising Stars will eliminate the long lines for auditions. Mag-download ka lang ng Rising Stars app and you can do your audition through your smart phones.

“Yaman din lang at selfie country tayo, mag-selfie audition ka at hindi ka pa mahirapan pumili at mahintay ng pagkakataon mo.

“Or you can audition sa mga malls na may mga pink booth. Yun ang recording booth ng Rising Stars.

“Sa mga booths na ito ka pipili ng songs na gusto mong kantahin for your audition and it will be automatically be sent as your audition piece.

“Nag-enjoy ka na, napakapag-audition ka pa na hindi ka naghintay sa mahabang pila,” diin pa ni Ogie.

Nationwide nga raw ang pagpapa-audition nila at nakarating na nga si Ogie at ang staff ng Rising Stars sa mga key cities ng Mindanao at Visayas.

“Pinaka-last leg namin ay ang Luzon auditions. We are so happy that we already have thousands of auditions, especially sa mga gumagamit na ng app.

“Salamat sa Diyos at hindi pa siya nagka-crash!

“The show will premiere on February 28. By the time na mag-start na kami, we have already narrowed down the contestants to 24. 'Tapos mag-trim down siya to the final 8.

“From the 8 finalists, doon kami na pipili kung sino ang tatanghalin na Rising Star.

“The winner will be determined via online and text voting. May sariling website ang Rising Stars at nandoon din ang updates at mga profile ng contestants who will make the final cut.

“May mga judges din tayo but they will all be presented sa premiere telecast ng Rising Stars.

“Yung premyo ay confidential pa. Malalaman lahat 'yan sa start ng show in February.

“But during the show’s pilot [episode], ipapakita namin ang mga behind-the-scenes of the auditions, yung mga standouts, may mga gag reels and bloopers. It will be a fun show for everybody,” paninigurado niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod nga sa Rising Stars, busy rin si Ogie sa gag show na Tropa Mo Ko, Nice ‘Di Ba? at naghahanda na rin siya sa kanyang gagawing malaking OPM concert sa Philippine Arena on February 21, 2015.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN