#PopeFrancisPH: Pope Francis’s Leyte visit cut short because of “Amang”; cabinet officials survive plane problem

Wearing a yellow raincoat, Pope Francis officiated a mass for Taclobanons. Inset, the private plane carrying cabinet officials that skidded off the runway after the pilot lost control.


Nagkaroon ng brownout sa Tacloban City dahil sa inaasahan na pagdating ni Typhoon Amang.

Malapit ang aming tinutuluyan sa Tacloban Airport kaya nakikita namin ang pagdaan ng mg ambulansya, firetrucks, at sasakyan ng mga pulis na papunta sa airport para tulungan ang mga pasahero ng private plane na sumadsad sa runway dahil nawalan ng kontrol ang piloto.

Sakay ng private plane na pabalik ng Maynila ang mga cabinet officials ni Presidente Noynoy Aquino na kinabibilangan nina Executive Secretary Paquito Ochoa at Presidential Communications Operations Office Secretary Sonny Coloma nang mangyari ang insidente.

Nasa Tacloban City ang mga cabinet official ni P-Noy dahil kasama sila sa pagdalaw ni Pope Francis sa mga biktima ng Typhoon Yolanda.

Nauna na mag-take off mula sa Daniel Z. Romualdez Airport ang PAL flight na sinasakyan ni Pope Francis at kasunod sana nito ang private plane na lulan ang mga opisyal ni P-Noy.

Sa huling impormasyong nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ligtas ang mga opisyales ng gobyerno na lulan ng sumadsad na eroplano.

LEYTE VISIT CUT SHORT. Isang misa ang ginanap kaninang umaga sa Tacloban Airport na dinaluhan ng libu-libong Pilipino na matiyaga na hinintay ang pagdating ng Santo Papa.

Nagsimulang dumagsa kahapon sa airport ang mga tao na magdamag na nag-vigil at binalewala ang malakas na ulan.

Tuwang-tuwa si Pope Francis sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga kababayan natin sa Leyte.

Marami ang napaluha sa homily ni Pope Francis at kahit malakas ang buhos ng ulan, walang umalis mula sa kanilang mga kinatatayuan.

Hindi na natuloy ang misa ni Pope Francis sa Palo Cathedral dahil sa masungit na panahon.

Umalis siya at ang kanyang entourage pagkatapos ng sandali na pagbisita sa Palo dahil sa advise na kailangan na mag-take off ng 1 pm mula sa Tacloban Airport ang kanilang eroplano para hindi nila masalubong ang bagyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN